Chapter Ten

14 2 0
                                    

Zea's / Author's POV


Isang linggo makalipas ng pag-alis ni Alliyah papuntang London...

"Hay naku! Wala na akong kasama. Wala ng nangungulit sakin, nanggigising sakin tuwing klase, yung basta bastang susugod sa bahay ko. Nakakamiss..." saad ni Xhane habang inaalala ang kanilang memories ni Alliyah nung magkasama pa sila.


"Okay class, settle down. We have a new student today and I would like her to introduce herself." Sabi ng Adviser nila na kakapasok lang ng room.


"New student?" Malapit ng matapos ang school year ah? Tanong ni Xhane sa sarili.


"Miss..." tawag nung Adviser nila at biglang pumasok yung new student.


"Hi! My name is Zhara Kim. Nice to meet all of you." Sabi ni Zhara at ngumiti sa kanyang mga classmate.


"Thank you Miss Kim. You can sit next to Miss Lee." Sabay turo sa may direksyon ni Xhane.


"Hi! Im Zhara, and you are?" Tanong ni Zhara at sabay lahad ng kanyang kamay kay Xhane.


"Xhane..." walang ganang sagot ni Xhane ngunit nakipag-shake hands parin ito sa kanya.


Habang nagdi-discuss si Mam, biglang kinausap ni Zhara si Xhane.


"So boring, inaantok na ako." Sabay tingin ni Zhara kay Xhane.


"I feel you. Lagi nga ako natutulog sa subject na to eh." Pag sang-ayon naman ni Xhane.


"Really? Buti hindi ka nahuhuli ni Mam." sabi ni Zhara.


"Haha. Ilang beses na nga niya ako pinagalitan eh." Natatawang sagot naman ni Xhane kaya tumawa naman bigla si Zhara.


"Miss Lee! Would you like to share something to the class?" Naiinis na saad ni Mam kay Xhane.


"Wala po Mam!" Sabay ngiti ni Xhane.


***

Lunch break...

"Hey! You're pretty cool. Friends?" Sabi ni Zhara kay Xhane at nilahad ulit ang kanyang kamay.


"Friends." Nakangiting saad ni Xhane at nakipag shake hands ulit kay Zhara.


"Great! See you later Xhane!" At bigla ng umalis si Zhara.


Hmm. Parang may kamukha si Zhara. Oh well...


***

Natapos na ang lunch break at hinihintay  nalang ni Xhane na dumating si Mam.


"Hi Xhane!" Bati ni Zhara sa kanya.


"Hello." Atsaka ngumiti si Xhane.


"Since ikaw palang ang ka-close ko dito sa school na to gusto kitang ipakilala sa kuya ko!" Masayang sambit ni Zhara.


"Huh? Bakit naman?"


"Ayaw kasi maniwala ni kuya na may friend na ako dito sa school. Kaya please pumayag ka na." Sabi ni Zhara sabay pout.


Dahil nadala si Xhane sa cuteness ni Zhara, pumayag na siya.


"Sige na nga."


"Thank you! Thank you! Thank you!" Tapos biglang yumakap si Zhara sa kanya.


***

Nung uwian na...


"Excited na akong makilala mo si Kuya, Xhane. Medyo masungit yun, pero pag nakilala mo talaga mabait at caring siya. Yun nga lang gwapo siya at playboy, kaya wag kang maiin-love sa kanya huh?" Kwento ni Zhara habang naglalakad sila papunta sa parking lot ng school kung saan ipapakilala ni Zhara si Xhane sa kuya niya.


"Hahaha. Grabe ka naman sa kuya mo." Natatawang saad ni Xhane.


"Hay naku, I warned you na, baka mainlove ka dun huh. Oh, ayun na pala siya. Kuyaaaaaaa!" Sigaw ni Zhara ng malakas. Kaya napatingin si Xhane dun sa tinitignan ni Zhara.


"No, wag mong sabihin na..." Sambit ni Xhane sa isipan niya habang papalapit ng papalapit ang kuya ni Zhara sa kanila.


"It can't be, kaya pala parang may kamukha itong si Zhara..." sambit muli ni Xhane sa kanyang isipan.


Nang lumapit na ang kuya ni Zhara sa kanyang harapan lahat ng galit at lungkot ay bigla niyang naalala para sa kanyang bestfriend na si Alliyah.


"Xhane, I would like you to meet my kuya, Xiumin. And kuya, this is Xhane." Sabi ni Zhara. Matagal na nagtitigan si Xhane at Xiumin bago nilahad ni Xiumin ang kamay nito kay Xhane.


"Xiumin." Saad niya.


"Xhanelle." Malamig na sambit ni Xhane sa kanya.


"Dahil sa lalaking ito, pumunta na ng ibang bansa si Alli. Dahil sayo, muntik nang magpakamatay si Alli. Hinding hindi kita mapapatawad dahil sa ginawa mo sa bestfriend ko." Sambit muli nito sa kanyang isipan.




Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 27, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Make Him Fall For MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon