Chapter Nine

64 3 0
                                    

Zea's / Author's POV

Kasakuluyang nasa airport na sila Alliyah at ang kanyang pamilya kasama si Xhane.

Lilipad na ang pamilya ni Alliyah papuntang London, kung saan niya ipapagpatuloy ang pag-aaral niya, at the same time, para kalimutan na rin si Xiumin.

"This is it." sabi ni Alliyah habang papalapit kay Xhane.

"I will miss you." tugon naman niya at niyakap ng mahigpit si Alliyah.

"Me too." kumalas ito sa yakap at hinawakan ang mga balikat ni Xhane.

"Basta ha. Keep in touch. At sabihin mo sakin pag nagka-boyfriend ka na ha, kasi pasasalamatan ko siya at nabihag niya ang puso ng pakipot kong bestfriend." sabay tawa nito.

"Baliw ka talaga!" at hinampas naman ni Xhane ang kaibigan.

"I'll try to move on Xhane. For my family, for you, and especially for me." seryoso nitong saad at ngumiti ito ng malungkot.

"Oo. Wag ka mag-aalala. Kung ready ka ng bumalik dito, ipakita mo sa kanya kung sino yung pinakawalan niya." saad naman ni Xhane.

"Oh. Tama na yan! Malapit na tayong umalis Alliyah." sigaw ni Tita Isabelle sa kanila.

"Pano ba yan, aalis na kami. I love you best!" naiiyak na sabi ni Alliyah at niyakap ulit ang kaibigan.

"I love you too! Ingat ka ha? Wag mong sirain ang buhay mo dun." saad din ni Xhane at niyakap din ng mahigpit si Alliyah. Kumalas na sila sa isat-isa at tumungo na si Alliyah papunta sa pamilya niya.

"Bye Alliyah! See you someday!" sigaw ni Xhane habang hindi pa nakakalayo ang kaibigan.

Ngumiti naman si Alliyah and waved goodbye.

***

"Hey! Oppa! Where are you? Ive been waiting here for hours already!" reklamo ng isang babae sa kanyang kausap sa telepono.

"Haha. Hours? Kararating mo pa lang dito eh." sabi naman ng Kuya niya.

"Kahit na Oppa! You are so matagal, naiinip na ako." reklamo niya ulit. Binaba na niya ang tawag at pumunta muna sa CR.

Bigla naman nag beep yung phone niya at binasa muna yung text habang nagbabasa hindi niya namalayan na may nakabanggaan siya at pareho silang napaupo.

"Oh my gosh! Watch where you're going nga! Did you not see me?" naiirita na sabi niya at saka tinarayan ang babaeng nakabanggaan niya.

"Sorry." yun na lamang ang sinabi nung babae.

"Here, let me help you." dadag niya at inilahad niya ang kamay niya.

Make Him Fall For MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon