Zea's POV / Author's POV
A few days later, nagising na rin si Alliyah at ang una niyang hinanap ay si Xiumin. Napailing nalang si Xhane sa tabi.
"Alli..." tawag ni Xhane sa kaibigan.
Napatingin naman ito sa kanya at bigla nalang tumulo ang kanyang mga luha. She wants to see him so badly. Gusto niyang tanggalin lahat ng mga bagay na nakaturok sa katawan niya pero masyado pa siyang mahina para gawin iyon.
Pinapatahan naman siya ni Xhane habang hinahagod ang likod niya.
"Shh. Its gonna be alright." paninigurado niya sa kaibigan pero patuloy parin itong umiiyak.
"X-xiumin." saad ni Alli. Masyadong masakit. Tuwing binibigkas o naririnig niya ang pangalang iyon. Unti-unti nanamang nadudurog ang puso niya.
"Kumain ka na Alli." pag-iiba ni Xhane ng topic at kaagad hinanda ang kakainin ng kaibigan. Samantalang si Alli ay nakatulala lang at maraming iniisip.
Alam niya kaya ang nagyari sa akin?
Alam niya kayang nasa ospital ako?
Pumunta ba siya para bisitahin ako?
Andaming tanong ang gumugulo sa isipan niya.
Hindi sinabi ni Xhane kay Xiumin ang nangyari sa kaibigan, at kung sasabihin man niya baka wala namang pakialam ito sa kanya.
"Xhane..." tawag ni Alliyah sa kanya kaya bigla siyang napatingin.
"Hmm?" hinihintay niya ang sasabihin sa kaibigan.
"Bumisita na ba si Xiumin?" tanong nito. Alam niyang malabong mangyari iyon ngunit umaasa siya na kahit konti ay nag-aalala parin si Xiumin sa kanya.
Malungkot naman na umiling ang kaibigan. Kaya bigla nalang siyang nalungkot. Sabi na eh, bakit ko pa kasi tinanong? Sabi niya sa sarili.
***
"Tita, I think Alliyah should stay in London for a while." sabi ni Xhane sa mama ni Alliyah.
Kasalukuyang nag-uusap si Xhane at si Tita Isabelle sa labas ng room ni Alliyah.
"Matagal ko na ring ini-isip yan Xhane. That guy is really a bad influence para sa anak ko." saad naman ng ina ni Alli.
"She should continue her studies abroad. I think thats the best decision Tita." nagwo-worry na sabi ni Xhane para malayo siya kay Xiumin.
Pero habang nag-uusap sila Xhane at ang mama ni Alli ay may nakikinig sa kanila. Si Alliyah. Nagising siya at hinanap ang kanyang ina kaya pumunta siya sa may pinto only to hear their conversation.
"Their sending me to London?" tanong nito sa sarili. Hindi siya makapaniwala na isu-suggest ni Xhane iyon sa kanyang ina.
Agad naman siyang bumalik sa higaan niya. Pagkatapos ng ilang mga minuto at pumasok na rin sa loob si Xhane. Nagulat siya dahil gising na si Alli at naka-upo na ito.
"Saan si Mama?" cold na sabi niya kay Xhane.
"Nagbayad lang ng mga bills." kalmadong saad niya ngunit kinakabahan siya sa inaakto ng kaibigan.
"Ah. Good." nagtaka naman siya sa sinabi ng kaibigan.
"Good?"
Hinarap naman siya ng kaibigan.
"Good kasi may sasabihin ako sayo."
Hinintay naman ni Xhane ang sasabihin niya.
"Bakit? Bakit mo sinabi kay Mama iyon. You even encouraged her to let me continue my studies abroad." galit na sabi ni Alli sa kaibigan.
"Alli let me ex--" pakiusap ni Xhane ngunit hindi siya pinakinggan ng kaibigan.
"Explain? Paano ko na makikita si Xiumin kung pupunta akong ibang bansa?" inis na sabi ni Alli.
"Thats the point Alliyah! Look at yourself! Youre a total mess. Look what he's done to you!" Inis na sabi rin ni Xhane habang hawak ang mga balikat ni Alliyah.
"I... I love him... so much." naiiyak na sabi ni Alli.
"Alli. This is for the best. Come back here when you are ready to face him. Pagbalik mo dito, ipakita mo sa kanya na kaya mo. Na dapat nagsisisi siya kung bakit ka niya pinakawalan." naiiyak na sabi ni Xhane habang pinupunasan ang mga luha ni Alliyah.
Tumango nalang si Alliyah. Alam din niyang ito ang tamang desisyon. Ayaw lang niyang malayo kay Xiumin. Pero ayaw niya ring mag-alala ang mga mahal niya sa buhay dahil sa mga nagyayari sa kanya.
"Alli..." saad ni Xhane kaya napatingin siya rito.
"Come back here, when you moved on from this chapter of your life." tuloy na sabi ni Xhane.
Move on? Kalimutan ang lahat ng sakit? Lahat ng nangyari? Kalimutan ang lalaking mahal ko? Hindi ko kaya. Pero para sa kanila... I'll try my best, saad ni Alliyah sa sarili.
BINABASA MO ANG
Make Him Fall For Me
Roman pour Adolescents"Im Xhanelle Lee, and I'll make him fall for me."