Chapter Five

51 5 0
                                        

Zea's / Author's  POV

"XHANE!" malakas na sigaw ni Alliyah nang makapasok siya sa bahay nila Xhane.

Sabado ngayon kaya balak ni Alliyah na pumunta sa bahay nila Xhane.

Agad-agad siyang pumunta sa kwarto ng dalaga at nadatnan itong mahimbing na natutulog.

Tumakbo siya sa higaan ng dalaga at biglang nagtatatalon.

"Rise and shine, sleepyhead!" masayang sigaw nito sa dalaga.

"Hmmm. 5 more minutes." napansin naman ni Alliyah na napakunot-noo ang dalaga habang nakapikit parin.

"Kahit kelan talaga, antukin tong babaeng to." bulong ni Alliyah sa sarili.

Kaya lumapit siya sa tenga ng kaibigan at biglang sumigaw.

"A-asan?! Asan ang sunog?!" biglang napabangon agad si Xhane jabang tatawa naman si Alliyah. Inirapan niya lang kaibigan.

"Ano bang ginagawa mo dito?!" masungit na tanong ng dalaga.

"Asus! Sungit talaga." natatawamg sabi ni Alliyah.

Humiga nalang si Xhane at balak ulit matulog. Ipipikit na sana niya ang mata niya...

"Alam mo ba Xhane? Kami na ni Xiumin." masayang saad ni Alliyah.

Dumilat si Xhane at bumangon ulit.

"ANO?!" di makapaniwalang saad ni Xhane. Grabe! Umagang-umaga andaming nakakagulat na balita, saad nito sa sarili.

"Bat ganyan ka maka-react? Dapat nga matuwa ka eh." nagtatakang sabi ng kaibigan.

"Ah. Congrats." parang pagdadalawang-isip na saad naman niya sa kaibigan.

"Kelan naging kayo?" tuloy ni Xhane at tumayo sa higaan niya.

"Kahapon lang." lumaki bigla ang mata ni Xhane. Kahapon?! Akala ko manliligaw palang siya? Bat sila na agad?! tanong niya ulit sa sarili.

"Talaga? Kwento ka dali!" atat na sabi niya kay Alliyah. Nagtaka naman si Alliyah sa kinikilos ng kaibigan pero kinuwento naman niya ang nangyari.

"Okay? Kasi kahapon tinatawagan kita pero di ka sumasagot kaya pumunta muna ako sa garden. Then suddenly may narinig ako nag-gigitara and to my surprise, it was Xiumin. Then he asked if I can be his girl, and I nodded. The end." ngumiti ng malapad si Alliyah tuwing inaalala ang nangyari kahapon.

Habang si Xhane naman ay kabaligtaran sa nararamdaman ni Alli. His girl? Seriously? I can feel that he's not serious.

"Alam mo ba ang nakakatuwa Xhaney? Sabi niya hindi daw siya nagpatulong sa iba. Sabi niya alam niya na fave song ko ang Candy Store! Parang kilalang-kilala na talaga niya ako!" nagti-twinkle ang mata niya na tila nag-iimagine siya.

Lumaki ulit ang mata ni Xhane sa narinig niya.

That bastard! Bat di niya sinabi na AKO ang tumulong sa kanya.

"Ah..." matamlay na sagot ni Xhane.

*ring ring*

"Oops! Wait lang! Tumatawag si Babe." masayang saad niya at sinagot na ang tawag.

Matapos niyang ibaba ang tawag, lumingon siya kay Xhane say sabing, "Xhane! Alis muna ako ah? May date pa kasi kami." tumango nalang si Xhane bilang sagot.

I hope she wont hurt you, Alli.

***

Isang linggo ang nakalipas,

"Bakit ganun Xhane? Bat hindi nagpaparamdam si Xiumin sakin." malungkot na saad ni Alliyah sa kaibigan.

Kasalukuyan silang nasa garden. Madalas na silang nandito dahil palaging hinihintay ni Alli na dumating si Xiumin ngunit wala naman ito.

Make Him Fall For MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon