Chapter One

100 4 4
                                    

Hello! New Story! Sana suportahan ninyo! :D

Anyways, para hindi kayo malito/mahilo, Third Person POV or Authors POV nalang ang gagawin ko. :D

AGAIN, IM JUST AN AMATEUR WRITER. DONT KEEP YOUR HOPES HIGH.

Xhane on the side ~~>

***

Zea's / Author's POV

Kasalukuyang naglalakad sa hallway si Xhanelle, papunta na sa may classroom nila. Si Xhanelle Lee ay half-filipino and half-korean. Pero hindi gaya ng iba jan, hindi siya marunong magsalita ng korean. Dito na kasi siya lumaki at nag-aral sa Pilipinas, specifically sa Royal Eastwood Academy. Hindi na sila bumalik o bumisita man lang sa Korea na siyang ipinagtaka ng dalaga.

"Xhane!" rinig niyang sigaw ng isang pamilyar na boses.

Nilingon niya ito at binati.

"Alliyah! Kumusta na? Na-miss kita!" masayang saad nito at niyakap ang bestfriend.

Si Alliyah Fuentes ang bestfriend ni Xhanelle, since elementary palang sila, magkaibigan na talaga sila. Para silang magkapatid kung magturingan at hinding-hindi rin sila bastang napaghihiwalay.

First day of school nila Xhane sa REA, at 2nd year high school na sila. Masayang naguusap ang dalawa habang papunta sa classroom nila. Habang naglalakad sila nakarinig sila ng mga sigawan na ikinagulat nila.

"Hala! Anong nangyayari Xhane?" tanong ng kaibigan sa kanya.

Nag kibit-balikat na lamang si Xhane bilang sagot sa tanong ni Alli.

"Kyaaaaah! Ang gagwapo nila talaga!"

"I know right! Lalo na si Papa Zack!"

"Marry me Xiumin!"

Sigawan nung mga babae sa hallway habang pinagmamasdan ang dalawang lalakeng naglalakad papunta sa kung saan.

Kinalabit ni Xhane ang kanina pang tulala na kaibigan."Alli halika na, masyadong maingay dito."

Pero tila walang narinig ang kaibigan at nakatulala parin sa dalawang lalakeng tinitilian ng mga kababaihan.

Walang choice si Xhane kundi hilahin ang kaibigan palayo sa lugar na iyon.

Nakalayo na sila doon sa lugar ngunit tulala parin ang kaibigan nito.

Binatukan niya ang kanyang bestfriend para bumalik sa sariling katinuan.

"Aray! Para saan yun?!" galit na saad ni Alli habang hinihimas ang kanyang batok.

"Nakatulala ka kasi kanina eh." sagot naman ni Xhane sa bestfriend.

"Speaking of kanina, nakita mo ba sila Xhane? Gosh! Ang gwapo talaga niya! Pati ang kuya mo!" nangingislap  ang mga mata na saad ni Alli.

Tila nandiri naman si Xhane sa narinig niya.

"Yuck! Kelan pa naging gwapo yun? Ew yang taste mo!" hindi pagsang-ayon ni Xhane at tila ba nasusuka sa narinig nito sa kaibigan.

"Ito naman oh! Grabe laitin ang kuya! Hay, basta ang gwapo talaga ni Xiumin ko!" tila nagde-daydream na saad ni Alli.

Ang kuya ni Xhane na tinutukoy ni Alli kanina ay si Zackery Lee. Isa sa pinakasikat na hearthrob sa REA. 4th year high school na sila ni Xiumin.

Ang bestfriend naman ni Zack na si Xiumin Kim ay isa ring kilalang hearthrob. Koreanong lumipat sa REA nung grade 5 pa lamang si Xhane. Si Xiumin din ang 1st love ni Alliyah.

Kilalang playboy ang dalawang magkaibigan, hindi lamang playboy, mayayabang at mga arogante pa sila. Kinaiinisan ng mga lalake at hinahangaan ng mga babae.

"Ewan ko sayo! Playboy kaya yun!" inis na saad ni Xhane. Naiinis kasi siya sa mga playboy na katulad ni Xiumin at ng kuya Zack niya. Kaya ayaw ni Xhane si Xiumin para kay Alli dahil ayaw niyang masaktan ang kaibigan niya dahil lang sa lalaking iyon.

"Hay naku! Ewan ko rin sayo! Pero Xhane, nagtataka ako, bat ayaw ka kayang ipakilala ni Kuya Zack sa campus na magkapatid kayo?" takang tanong ng kaibigan habang hawak ang kanyang baba at para bang nag-iisip ng dahilan.

Hindi alam ni Xhane kung anong isasagot kay Alli dahil maski siya hindi din alam ang dahilan. Hindi alam ng campus na may kapatid si Zack. Ang tangi lang na nakakaalam na magkapatid sila ay si Alli lang.

"Halika na nga! Time na oh! Balik na tayo sa room." pag-iiba ni Xhane ng usapan at hinila na ang kaibigan papunta sa classroom nila.

Recess Time

"Hi Xhane! Para sayo oh." sabi nung lalake at iniabot kay Xhane ang mga bulaklak.

"Thank you." ang tanging sinabi ni Xhane sa lalakeng lumapit sa kanya kanina.

Kasalukuyan silang nasa canteen at kumakain ng biglang lumapit ang isa sa admirer ni Xhane.

Maraming nanliligaw kay Xhane dahil sa siya ay maganda matalino at mabait. Pero lagi niyang bina-basted ang mga iyon dahil hindi pa siya handang magkaroon ng boyfriend sa ngayon.

"Ikaw na talaga girl! Ang haba ng hair mo!" pang-aasar ni Alli.

Tinaasan lang ng kilay ni Xhane si Alli.

"Xhane! Punta muna akong library ha? May isasauli kasi akong libro eh. Kita nalang tao sa room."

Tumango naman si Xhane bilang sagot.

Habang naglalakad si Alli papuntang library bigla siyang nabunggo ng wall, dahilan para mahulog ang mga dala niya.

"Aray ko po!" Sigaw niya habang hinihimas ang pwet niyang natamaan dahil sa pagkabagsak niya.

Nagulat siya ng hindi pala pader ang nabunggo niya kundi tao. At ang mas ikinagulat niya ay ang first love pa niya ang nakabunggo sa kanya.

"Xi-xiumin ko?!" ASDDGHJKL! Totoo ba to? Si Xiumin loves ko ang nasa harapan ko ngayon? Tanong niya sa isipan.

"Uh. Sorry, di ko sinasadya." awkward na sagot ni Xiumin sa babaeng nabunggo niya.

Kinuha nalang ni Xiumin ang gamit nung babae at iniabot sa kanya na hanggang ngayon ay natulala parin sa kanya.

Tsk! She looks familiar. Sabi niya sa isipan.

"Uhm. Alis na ako Miss, ingat ka nalang." pagkatapos niyang sabihin yun ay kinindatan niya ang babae. Bigla naman namula yung babae sa ginawa niya, pagkatapos nun ay umalis na si Xiumin.

"Looks like I found my next target." He whispered as he was walking away from her. An evil grin formed on his face.

Make Him Fall For MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon