Chapter Two

78 4 3
                                        

Zea's / Author's POV

Gabi na nung umuwi si Alli galing school dahil may inasikaso pa siya.

Habang naglalakad siya pauwi bigla siyang kinabahan dahil pakiramdam niya ay may sumusunod sa kanya kaya binilisan niya ang paglalakad.

Nagulat na lamang siya ng may humawak sa balikat niya.

"Hi Miss Byutipul! Mag-isa ka lang ba? Gusto mo samahan ka na namin pauwi?" sabi nung pangit na mukhang tambay. May mga kasama siyang anim na lalake. Halata rin na nakainom sila ng alak.

Kinakabahan na siya dahil wala masyadong tao ang dumadaan sa kalsadang iyon.

"W-wag nalang p-po." nauutal na sabi niya dun sa lalake.

"Sige, kung ayaw mong samahan ka namin. Samahan mo nalang kami." sabay ngiting demonyo ang isa sa kanila.

Bigla nilang hinihila si Alli papunta sa madilim na eskinita. Kumakalawa naman ang dalaga ngunit malalakas talaga ang mga lalakeng iyon.

"TULONG!!! TULONG!!!" sigaw niya baka sakaling may makarinig sa kanya.

"Hoy! Takpan niyo nga yung bunganga niyan." Sigaw nung lider siguro nila.

Hindi na makasigaw si Alliyah dahil tinakpan na ng panyo ang kanyang bibig.

"HMM! HMM!" pilit niya paring kumakalawa sa mga lalake at pinagsisisipa sila palayo.

Nainis yung lider nila kaya marahas niyang hinawakan ang mukha ng babae.

"Wag ka maingay kung ayaw mong mamatay." pagbabanta niya sa dalaga.

"Bitawan nyo siya." biglang sulpot ng isang lalake sa harapan nila.

"Hoy bata! Wag kang nangingialam dito." sabi naman nung isang lalake.

"Tsk! Stupid, ugly, assholes." sabi naman nung binata sabay ngisi.

Nagalit naman ang lider sa narinig niya at biglang sinugod ang binata. Sumugod narin ang ibang kasamahan niya papunta sa binata.

Suntok dito, ilag doon. Pinagmamasdan lang ni Alliyah ang binata, nabilib siya rito dahil kayang-kaya niya ang pitong lalake. May mga konting galos at sugat lang siya. Nagulat talaga siya sa nakita niya dahil napatumba niya lahat ng lalakeng iyon.

MY GOSH! Totoo ba itong nakikita ko?! Nakaya niya silang pito?! Saad niya sa sarili.

Biglang lumapit yung binata at hinawakan ang mukha ng dalaga.

"Hey. Are you okay?" He asked worriedly. At tinignan ang dalaga kung nasaktan o nasugatan siya.

"O-okay l-lang a-ako." nauutal na saad niya. Hindi niya kasi ine-expect na ang ultimate crush niya na sobrang gwapo pala ang tagapagligtas niya.

Make Him Fall For MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon