Zea's / Author's POV
Isang buwan na ang lumipas ngunit wala parin sa sarili si Alliyah. Palaging tulala. Palaging umiiyak.
Sinilip ni Xhane ang kaibigan na kasalukuyang nakatingin sa bintana. Napabuntong hininga siya. Hindi na niya alam ang gagawin sa kaibigan. Nag-aalala na siya para dito dahil umaakto na itong parang baliw.
***
Break na nila Xhane kaya napagdesisyonan ni Xhane na hilahin si Alliyah papunta sa canteen. Simula kasi nung nangyaring insidente nangayayat si Alliyah at palaging walang ganang kumain.
"Kumain ka na Alli." sabay abot sa dalaga ang pagkain.
Ngunit hindi ito pinansin ni Alliyah. Napansin niyang nakatingin si Alli sa may pinto kaya tumingin na rin siya doon.
Kaya pala. Sabi ni Xhane sa sarili. Siya nanaman.
Tumingin ulit siya sa kaibigan at agad nanamang napatayo. Umiiyak nanaman siya.
Hinila niya ang kaibigan palabas ng canteen upang hindi siya mapansin nito.
Dinala ni Xhane si Alliyah sa may rooftop ng school at saka niyakap ito ng mahigpit.
"Shh. Tahan na Alli. Nandito lang ako." dahil dun sa sinabi ni Xhane, napahagulgol na bigla si Alliyah.
Hinahagod lang ni Xhane sa likod si Alliyad.
"B-bakit Xhane? Bakit niya ako niloko?! Bakit niya ako pinaglaruan?!" pumiyok na ang boses niya.
Hindi naman sumagot si Xhane at niyakap nalang ang kaibigan. Gusto niyang sabihin na obvious naman kung bakit ka niya niloko eh. Dahil isa siyang playboy. Bakit hindi mo iyon maintindihan? Pero hindi nalang siya umimik.
"Alam mo? Ang sakit. Ang sakit sakit dito. Tuwing nakikita ko siyang may kasamang iba, unti-unting nawawasak ito." sabay turo sa may bandang puso niya.
"Kalimutan mo na siya Alli." naawang saad ni Xhane sa kanya.
"P-paano Xhane? Pano ko siya makakalimutan?! Hindi ko kaya. Mahal ko siya." napahagulgol ulit si Alliyah sa balikat ni Xhane.
Alliyah. Please dont do this to yourself. Saad ni Xhane sa sarili.
***
Kasalukuyang nasa open field si Alliyah. Pinagmamasdan si Xiumin. Ang lalakeng naglalaro ng football sa field. Ang lalakeng nanloko sa kanya. Ang lalakeng mahal na mahal niya.
Hindi niya namamalayan na nilalapitan na niya si Xiumin
"X-xiumin..." saad niya sa lalakeng nakatalikod sa kanya. Napaharap naman si Xiumin sa kanya, naka-poker face.
"Please...take me back." she pleaded. She was desperate. But heck, she didn't care. She loves him so much that she is willing to give herself to him.
Not again. Saad ni Xiumin sa isipan. Simula kasi nung niloko niya ang dalaga, hindi na siya tinantanan nito. Palagi siyang nagmamakaawa na makipagbalikan siya rito.
"Are you tired now? Cause im sick and tired of this bullsh*t Alliyah!" sigaw na malakas ni Xiumin. Unti-unti na ring dumadami ang tao sa paligid nila.
"What part of 'I dont love you anymore' can you not get? Wait, let me rephrase it. I DIDN'T even love you from the very beginning." he emphasized the word DIDN'T. Mas lalong nasaktan si Alliyah sa narinig niya, na sa taong mahal niya mismo narinig na hindi talaga siya nito mahal. But she refused to believe it.
"B-but all the efforts..." nauutal niyang saad. Pero nginisian lang siya ni Xiumin.
"All of it was planned." Mas lalong nasaktan ang dalaga sa naririnig niya ngayon sa binata. Pakiramdam niya hindi siya makahinga.
"I dont care anymore. I love you. Please, take me back." wala na siyang pakialam kung pinagtitinginan na siya. Pero nginisian ulit siya ni Xiumin
"You're so stupid. Sorry, but I dont pick up my own trash." he said and laughed. At umalis na papalayo sa kanya.
***
Kasalukayang naglalakad sa hallway si Alliyah papuntang classroom nila.
Biglang nag-iba ang atmosphere sa paligid. Nagsimulang mag-bulungan ang iba na nasa hallway.
"Ang pangit niya kaya. Bat siya pinatulan ni Xiumin?"
"Serves her right na paglaruan siya ni Xiumin. Masyadong desperada."
"Lumuhod pa siya sa harap niya. Nakakahiya siya."
Yan ang mga naririnig niya sa paligid. Marahil ay nakita nila yung nangyari kahapon sa open field.
Nang makapasok na siya sa room, all eyes were on her. Naka-eye contact niya ang bestfriend niya. Malungkot ang mga mata ni Xhane. Nasasaktan sa pinagdadaanan ng kaibigan.
All day, tahimik lang si Alliyah. Sasabay sana si Xhane sa kanya pauwi pero umalis agad ang kaibigan.
***
Ilang araw na ang nakalipas pero hindi parin pumapasok si Alliyah. Kinabahan si Xhane sa nangyayari sa kaibigan. She felt like something is not right.
*ring ring*
Narinig naman niyang may tumatawag sa phone niya. At kumunot ang noo niya. Si Tita Isabelle? Bat kaya siya napatawag? Tanong nito sa isipan.
"H-hello Tita? Bat po kayo napatawag?" tanong nito sa kabilang linya. Bigla siyang kinabahan because all thag she can hear are her sobs.
"Tita? Ano pong nangyari? Bakit po kayo umiiyak?" concern na tanong niya ulit sa Mama ni Alliyah.
"X-xhanelle..." nauutal na sabi ni Tita Isabelle at umiyak ulit.
Hinintay naman ni Xhane kung ano ang susunod na sasabihin ng Tita Isabelle niya.
"S-si A-alliyah...nag laslas siya." at umiyak ulit ang Tita niya. Nang dahil dun sa narinig ni Xhane bigla niyang nabitawan ang phone niya.
***
Hello! Dedicated po sayo! Thank you for voting and reading my story po! :)
