Chapter Three

55 3 0
                                    

Zea's / Author's POV

"Hoy Alli! Kanina pa kita kinakausap, hindi ka naman nagsasalita." bumalik naman sa sarili si Alli ng sigawan siya ng kaibigan.

"Ano ba kasi yang iniisip mo? Bat tulala ka nanaman?" takang tanong ni Xhane sa kaibigan.

"Eh kasi nga tinawag akong babe ni Xiumin ko." napakunot noo naman si Xhane sa sinabi ni Alliyah.

"Sus! Baka yun yung tawag niya sa mga babae niya." sagot naman ni Xhane.

"Halika na nga, punta na tayo sa canteen." sabay hila kay Alliyah.

Canteen

Ang daming tao sa canteen, buti nalang ay may naupuan sila Xhane at Alliyah.

Nag-uusap lamang silang dalawa ng may lumapit sa kanilang mga lalake. Nagulat si Xhane dahil si Kuya Zack at Xiumin ang lumapit sa kanila. Ano kailangan nila? Tanong niya sa sarili.

"Hi Babe! And bestfriend." pa-cute na sabi ni Xiumin. Natulala naman si Alli sa ginawa niya.

"Mind if we seat with you girls? Puno na kasi ang canteen eh, wala na kaming maupuan." dagdag pa niya.

Tumingin naman si Alli kay Xhane na parang nagtatanong kung payag ba siyang maki-upo sila Xiumin.

"Actually, N--" biglang naputol yung sasabihin ni Xhane.

"Sure." Nakangiting saad ni Alliyah.

Di makapaniwalang tumingin naman si Xhane kay Alli. What the fudge is she doing? Iritadong saad niya sa sarili.

"Babe, pwedeng tabi tayo?" tanong ni Xiumin kay Alliyah. Pinagmamasdan lang siya ni Xhane habang busy kumakain at naka-head phones si Zack.

"Sure. Why not?" mas lalong di makapaniwala si Xhane.

"Xhane tabi muna kayo ni Zack." no choice si Xhane kaya padabog siyang lumapit sa kuya niya.

Kumakain ng tahimik ang magkapatid na parang hindi sila magka-kilala kung maka-asta. Habang si Xiumin at Alliyah naman ay nagku-kwentuhan.

*click*

Rinig ng magkapatid kaya napatingin sila kung saan nanggaling yung tunog. Nagulat sila ng pinicture'an sila ni Xiumin.

"Woah! Look at this dude! Magka-mukha kayo ni Babe's Bestfriend. Kulang nalang mapagkamalan kayong magkapatid." saad ni Xiumin habang tinitignan ang picture. Nagulat naman si Xhane sa sinabi niya at napatingin sa kuya na pa-cool lang at tila hindi nakakagulat ang sinabi ng kaibigan.

"Tss." tanging sinabi ni Zack.

"Hey. Babe's Bestfriend. Magkapatid ba kayo?" tanong ni Xiumin kay Xhane.

Tumayo si Xhane sa kanyang kinauupuan at sabay sabing "Excuse me, but I have a name, dont you ever call me 'babe's bestfriend'. Xhanelle Lee is my name and no, we are not related. Alliyah, alis na ako ah? May aasikasuhin pa ako." pataray na sagot ni Xhane kay Xiumin at biglang nag walk-out.

Hindi niya maintindihan kung bakit pag nanjan na si Xiumin nawawala na ang pagiging mabait niya at lahat nalang ng tao ay sinusungitan niya.

"Woah, what happened to her?" takang tanong ni Xiumin. Nagkibit-balikat nalang siya at pinagpatuloy ang pag-uusap nila ni Alliyah.

Nang makarating na si Alliyah sa classroom agad niyang hinanap si Xhane na natutulog sa may gilid sa tabi ng bintana.

"Xhane!" Sigaw ni Alli dahilan para tignan siya ng mga kaklase niya. Nag peace-sign nalang siya at lumapit nalang sa kaibigan.

Make Him Fall For MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon