Zea's / Author's POV
"S-si A-alliyah...nag laslas siya."
Matapos marinig ni Xhane ang nangyari sa kaibigan ay agad siyang sumugod sa ospital kung saan naka-confine si Alliyah.
Naiinis siya sa kaibigan dahil sa ginawa nito sa sarili dahil lang sa manlolokong lalake.
"Miss, anong room po ni Alliyah Fuentes?" tanong niya sa nurse na nasa may desk.
"Room 123 po Mam." sagot naman nung nurse. Agad namang pumunta si Xhane sa kwarto ni Alliyah.
Nalaman ni Xhane sa mama ni Alliyah ang nangyari sa kaibigan. Buong araw hindi kumain ang dalaga at nakakulong lang sa kwarto. Biglang kinabahan ang ina nito kaya kumatok siya sa pinto ng dalaga at tinawag ang pangalan nito, ngunit hindi sumasagot ang dalaga. May masamang kutob amg ina niya kaya pinakuha niya ang susi sa katulong nila. Ng buksan na ng ina ni Alliyah ang kwarto ng anak, laking gulat nito ng nakahandusay sa sahig ang dalaga habang nakahawak sa pulso nito.
Nasa tapat na ng pinto si Xhane, kinakabahan siya. At ayaw niyang makita ang kaibigan sa ganung kalagayan. Ngunit wala siya ginawa at pumasok na sa loob.
Laking gulat niya ng makita si Alliyah. Halatang nangayayat siya at nakakatakot hawakan because she looked so fragile.
She looked like an angel while she was sleeping.
"Oh hija, nandito ka na pala." saad ni Tita Isabelle. Halatang pagod na rin siya dahil sa pagbantay sa ospital. Tumango nalang siya rito.
"Tita, ako po muna ang magbabantay kay Alli, umuwi muna kayo at magpahinga." boluntaryong saad ni Xhane sa mama ni Alliyah.
Ngumiti naman ang tita nito at nagpaalam na sa kanya.
Nang makaalis na ang tita nito ay agad na umupo si Xhane sa upuan sa tabi ng kama Alliyah.
Hinaplos niya ang buhok ng dalaga. Naawa siya sa kaibigan dahil andaming nakaturok sa kanya na kung anu-ano.
Bigla niyang hinaplos ang pulso ni Alliyah.
"Dont worry Alli, I'll make him pay for what he did to you." she said full of anger on the guy who broke her bestfriend's heart.
And that's the start of her revenge against Xiumin Kim.
***
Late and really short update! Sorry! Haha. Bawi ako next chapter! :)
BINABASA MO ANG
Make Him Fall For Me
Ficção Adolescente"Im Xhanelle Lee, and I'll make him fall for me."
