Evan's POV:
Matagal ko nang iniintay si Elisha ngayon, dahil ngayon ang araw na pinaka espiyal para sakin. 18 years na akong nag eexist dito sa mundo. Ilang oras kung inaantay si Elisha hanggang sa di na siya dumating ay naginom nalang ako, icenelebrate ko ng mag isa ang aking kaarawan. At ito ang una na wala ang girlfriend kong si Elisha.
"Pre, mabubulok kana jan tara na!Di na ata siya darating." -Stephen
"Mauna kana pre, kaya ko pa namang mag intay ng ilang oras pa baka natraffic lang siguro si Elisha."
Kahit na Debu ko to at kahit maraming tao sa reception parang feeling ko ako lang magisa nagcecelebrate hindi kumpleto ng wala si Elisha , sya lang talaga mahal ko
"Pre! Mag bar na muna tayo! Wag mona intayin si Elisha"
"Stephen di kaya may sorpresa sakin si Elisha? Nako! Maeexcite ako masyado magintay pa tayo ng ilan pang oras!"
May usapan kasi kaming magtotropa na magbabar kami pagtapos na hindi ko naman pinagpaalam kay Elisha .
"Pre , dont expect too much"
"Mahal ako nun pre may tiwala ako sakanya"
Saad ko na may malawak pa sa mawalak na ngiti.
"You really love her pre noh?"
Umupo kami sa coffee table at nagintay pa ng sandali.
Kaya kong maghintay baby Elisha :)
Elisha's POV:
Nakatulala lang ako ng dahil sa nangyari. Mukha akong tangang nakaupo lang sa damuhan sa likod ng play ground. Di ko alam ang sasabihin ko kay Evan, di ko alam kung paano ko ipapaliwanag ang lahat at baka hindi rin ito maniwala sa akin dahil may inutusan silang lalaki na kuhanan kami ng litrato.
"Anong gagawin ko?"
Garalgal na pagsasalita ko sa gitna ng mga hikbi ko. Nakatingin ako sa regalong ibibigay ko kay Evan at ang natanggal na vest at coat ko pati ang punit na blouse . Oo naka medyas panloob na short at sando nalang ako naatim ko pang magpalit dahil sa hiyang hiya nako sa sarili ko .
Nawalan nako ng ganang dumeretso sa bahay nila Evan pakiramdam ko wala nakong mukhang maipapakita sa kanya pag nangyare yun .
Dumeretso nalang ako sa bahay. Habang bihis nako at lahat pakiramdam ko hubad parin ako. Walang kalutay lutay na naglalakad sa gilid ng kalsada at mukhang tangang umiiyak .
"Elisha! Anak! Alas dos na ng madaling araw! Bat ganyan ang itsura mo?"
Sunod sunod na tanong ni Mommy na may bahid ng pagaalala.
"Mom......"
Napayakap nalang ako at nagsimula nang umiyak ng sobra ........
Evan's POV:
"Pre, Alas dose na, di na ata pupunta si Elisha"
Baka nga baka bukas sya pupunta , Oo , hindi ako mawawalan ng pag-asa alam kong may inihanda sakin si Elisha na surpresa at magiintay ako para dun!
"Sige pre tara na muna"
Kahit na ba parang oklang sakin nasaktan parin ako. Parang nadisappoint ako sa babaeng pinakamamahal ko asan ka ba kasi?
Nagpakalango ako sa alak.
Hindi ako tumigil hanggat wala pang tawag sa bahay na dumating si Elisha kahit sa hotel pa yun.
__________________
Ok ang bad ko nanaman! Hahaha!
Si Author akala ko ba Bae namin lakas makapambitin.
Bleeeeh
-TheBaeQueenB
BINABASA MO ANG
Panindigan Mo Ako!
Ficción GeneralBilang isang babae mahal natin ang ating puri , pero pano kung bigla nalang itong nawala kinuha nang walang pasubali? PS. Wala pong BS to. All Rights Reserved |Started| 11/22/2014 @ 2:29 am |Completed| 08/30/2017 @ 10:55 pm
