Elisha's POV:
"Elisha ano ginagawa natin dito ano inaabangan natin?"
Hawal hawak ko ang kamay ni Euan.
Nagpara ako ng jeep papunta sa estasyon ng LRT.
Habang nasa dulo kaming dalawa naaalibadbad si Euan sa ginagawa namin.
"Elisha ilang tao kasya dito?"
Pabulong niya
"Bakit?"
Tanong ko sakanya habang nakasandal ako sa balikat niya. Napapagod na din kasi ako kahit hapon palang.
"Ang sikip na"
Natatawa ako kasi walo palang yata kaming nasa jeep parang sikip na sikip na siya.
"Hindi pa masikip to. Maluwag pa to"
Bulong ko sakanya habang nakatingala ako at nakasandal sa balikat niya. Hinawakan naman niya ang balikat ko at hinawakan ng kabilang kamay niya yung kamay ko. Bakit ganto? Bakit parang napakakomportable ko?
"Oh siyaman yan siyaman!"
Sabi ng barker. Nakita ko naman sa ekspresyon ni Euan na nagulat siya.
"20 ang kasya sa jeep na to?"
Napatawa ako nabilang niya ng maayos. 20 kaso kasama pa yung nasa unahan.
"Oo naman"
Nagpalit kami ng phone. At tinignan ko ang laman ng inbox niya. Habang sya ayun naglalaro sa phone ko. Sige lowbatin mo pa yan.
"Pano tayo magbabayad dito? Do they take credit cards?"
Nakaisip ako ng trip sakanya. Dali dali akong humugot ng bente sa bulsa niya ng di niya nalalaman sabay sabi ko ng.
"Ilabas mo yung binili nating repolyo, gulay kasi pambayad sakanila"
Eto namang si uto uto ginawa nga niya. Siya pa unang unang nagbayad.
"Uhm sir bayad po dalawa kami pakiuwi nalang po kami sa*sinabi ang address ng bahay namin* thank you po"
HUMAGALPAK AKO NG TAWA SA LOOB NG JEEP AT SINAMAAN AKO NG TINGIN NI EUAN.
"Hahahaha, Kuya bayad po naming dalawa sa Monumento lang po yan yung sa LRT. Hahahahaha"
Itinago na niya yung gulay at halata sakanya na nahiya siya hahaha. Natatawa nadin ang mga pasahero sa ginawa niya. Pati nga yung driver nalaughtrip.
Pagkababa na pagkakababa namin bigla akong hinawakan sa braso ni Euan
"Naiinis ako sayo napahiya ako"
Natatawa lang ako. Umakyat na kami sa hagdanan sa LRT at bumili na ng card
"Dalawang Pasay Rotonda po"
Nakatitig ako kay Euan habang inosente siyang nakatingin sa dumadaan.
"Ano ginagawa nila?"
Ah yun ba? Fingerprinting. Once na bayad na tayo okay na tayong makapasok.
Hindi ko kuna binigay ang Single Journey niya na Card at hinayaan ko siyang ipascan ang hinlalaki niya. Natatawnag inabot ko nalang sakanya to nang pinagtitinginan na siya.
"Hahahahaha uto uto"
Nakatingin siya sakin ng masama
"Wow fierce HAHAHA."
Hindi nalang siya kumibo at aumakay nalang kami train tutal anjan na rin naman.
"Matagal pa ba to?"
Tanong niya.
"Saw saw suka nalang tayo"
Naglaro kami ng sawsaw suka at imbes na hulihin nya yung daliri ko lang hinahawakan niya yung buong kamay ko. Tawa kami ng tawa habang nasa loob ng train.
"Ang cute mo"
Sabi niya sabay kurot sa ilong ko. Nung una balak ko maasar kaso nung nakita ko yung ngiti niya nagmission abort yung asar ko.
Pagkababa namin di ko na siya inuto. Sobra na nakuha niya sakin.
Tumawid kami para sumakay ng last na jeep. Kaso nakakita ako ng humaharurot na motor kaya napakapit ako ng mahigpit kay Euan.
Tumawa nalang siya at hinawakan ang isa kong kamay habang yung isa nakaakbay sakin.
Damang dama ko na babae ako habang natawid kami. Parang may spark. Parang may slow motion na nagaganap. Napangiti ako ng lihim.
*pagkauwi*
Nagulat ako nang bigla niyang hinigit ang bewang ko at niyakap ako patalikod sa harap ng pinto ng condo niya
"Thank you for letting me experience these type of things"
Napangiti rin ako nang sinabi niya yun
______________________
Awie kinilig sila hahahaha-TheBaeQueenB

BINABASA MO ANG
Panindigan Mo Ako!
General FictionBilang isang babae mahal natin ang ating puri , pero pano kung bigla nalang itong nawala kinuha nang walang pasubali? PS. Wala pong BS to. All Rights Reserved |Started| 11/22/2014 @ 2:29 am |Completed| 08/30/2017 @ 10:55 pm