Chapter 14

83 6 0
                                    

Kung gutom kayo wag nyo na basahin to.

_______________________
Euan's POV:

"Hey lady, do you even know how to cook?"

Bahay ko to. Pero ano? Dere deretso siya sa sofa KO at binuksan ang tv KO.

Tumingin lang siya sakin ng blangko.

"Oo naman"

Napasmirk ako sa itsura niyang nangangamba. Actually medyo nakakatawa nga kasi parang di sya sure sun sa isinagot niya. Kung tama ba or hindi.

"Cook for me"

Sinamaan niya ako ng tingin at nagbuntong hininga siya. May laman naman ang ref ko kaya siguradong wala siyang kawala.

*after 15 minutes*

"Luto na"

Napatayo ako at dumeretso na sa kusina.

Muntikan na akong mapatawa buti napigilan ko. Pano ba naman kasi, egg, bacon at rice ang niluto niya.

"Sa pagkakatanda ko kanina pang umaga yung breakfast"

May satcasm na sabi ko sakanya. Umirap lang sya sakin at tumitig ng masama. Akala ko mananahimik kaso pumalag.

"Kahit na pagkain parin yan! Enjoy the blessings! Kakain na nga lang marereklamo pa"

Natawa ako sa ekspresyon niya. Baka nababadtrip lang to kaya ganto.

"Kumain ka na ba?"

Tinanong ko kaagad sakanya bago pa man siya makaalis ng kusina. Nakita ko namang umurong siya at ngumiti

"Hindi pa eh"

Inurong ko yung upuan sa tabi ko at pinat ko yun ng di masyadong malakas senyas na umupo siya dito.

"Ano ka chics? Dito na ko. Kakain lang rin naman."

Napatawa naman ako sakanya. Nakatitig lang ako sakanya habang hinahain niya yung pagkain sa hapag.

Bat bagay sakanya ginagawa niya? Bat parang ang ganda niya? Bakakaganda na ba ang pagreready ng hapag?

Sinampal ko naman agad ang sarili ko sa pagiisip ng ideya na yun. Ano ba nangyare sakin? Sinapian ba ako?

"Oh, bat ka pa nakatunganga jan? Gusto mo ba subuan pa kita? Kumain ka na"

Sasabihin ko sanang oo, subuan niya ako pero ipinagwalang bahala ko nalang at kumain na ako ng umagahan.

*few moments later*

Elisha's POV:

"San ako matutulog?"

Buong ngiti akong nakatingin kay Euan, syempre kailangan magpagoodvibes para masunod ang gusto ko.

"Sa lapag"

Napanganga ako sa sinabi niya.

"Wow ang gentleman mo"

Sinabi ko ng may hakobg pagka sarkastiko. Gusto ko na sana siyang batukan kaso naalala ko nakikipugad lang pala ako.

"Salamat"

Pagkasabi niya nun humarap siya sakin sabay smirk. Aba ang sarap hambalusin ng lalaking to ah? Ano bang trip niya.

Inirapan ko nalang siya tutal naman okay lang na gawin ko yun.

"Saan nga?"

Tumayo siya ng tuwid sakin.

"Kung ayaw mong tumabi sakin, wala kang magagawa kundi matulog sa lapag, sofa o kaya mas better sa labas"

Lalo ko siyang sinamaan ng tingin. Ginawa pa akong yagit neto.

"Wala na bang ibang choices?"

Tumingin siya sakin na may halong pang aasar

"Sa cabinet ko may lubid magbigti ka na"

Hinampas ko siya ng unan. Nagulat ako hinampas niya ako pabalik. Tumuntong ako sa kama niya para maabot ko siya kaso nung nakarami na ako ng palo bigla siyang kumapit sa bewang ko at natumba kami sa kama.

Hindi ko inaasahang magtagpo ang mga mata namin. Tinitigan ko lang yung mapupungay niyang mata. Yung ilong niya. At yung labi niya. Hindi ko alam bakit nakatitig lang ako. Naramdaman kong ididikit na niya yung labi niya sa labi ko nang biglang....

______________________

Umaygash hahahahaha

Ilove you bunnies <3

-TheBaeQueenB

Panindigan Mo Ako!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon