Chapter 24

57 5 0
                                        

Evan's POV:

Nagpunta ako sa bahay ni Euan nang nalaman ko ang nangyari

"Elisha! Lumabas ka jan, Elisha!"

Nakita ko nalang sa likod ko si Euan

"Wala siya jan, Umalis siya"

Hahanapin ko na talaga si Elisha...

Elisha's POV:

Nagmumukmok ako sa bahay namin. Ano pa ba kailangan kong gawin? Bukod sa nasaktan ako. Nabasted ako. At ayun napahiya ko sarili ko. Sa pangalawang paglakataon naibaba ko yung dignidad ko.

Binaon ko sarili kong mukha sa unan at sumigaw ako ng sumigaw. Ano ba yaaaaan!

"Nak? Okay ka lang jan?"

Nagulat ako nang pumasok pala si Mommy sa kwarto ko...

"Opo, mommy"

Nakaramdam naman ako ng mahinang pagsara ng pinto.

So this is me. Napakitaan lang ng iilang sparks, kinilig na, nagpaloko na. Umasa na.

Pagkukulang ko din yun kasi UMASA AKO.

Ang tanga tanga ko lang.

Nakarinig na uli ako ng katok sa pinto ko.

"Nak si Evan asa baba"

Tama ba ang pagkakarinig ko? Si Evan? Nasa baba? As in? Si EVAN? Nasa baba? Haha imposible.

Pero syempre sinunod ko nanaman ang tangang instincts ko. Bumaba ako.

"Pwede ka ba makausap?"

Hindi na ako kumibo at nagtungo na kami sa inabandonang playground.

"Speak"

Walang emosyong pahayag ko sakanya.

"I found out. Im sorry"

Sa pananalita niya, natutunugan ko nang about yun dun sa insidente na nangyare sakin.

"I was a fool. Nauna ang galit sakin and I'm sorry. Please come back Elisha. Im really sorry. Let me prove myself to you again. Let me make you forget that mistake."

Napatawa ako ng mapakla. Mistake?
Aba inaano ko nanaman ba siya?

"Alam mo? Para sakin hindi itong naging mistake"

Napahilamos nalang siya sa mukha niya at halata sa mga mata niya na nagtatanong siya.

"At thankful din ako! Dahil nangyari to!"

Lalong kumunot yung noo niya at lalo siyang naguluhan

"AKO BA NILOLOKO MO?! PANO KA NAGING THANKFUL AT NANGYARI YUN SAYO?"

Napatawa ako. Hindi ko alam kung nahalata niya ba na nasasaktan ako. Basta pinilit ko nalang yung tawa ko.

"Nagpapasalamat ako, nagpapasalamat ako na nakilala ko ang Evan na kahit kailan di mo pinakilala! Nagpapasalamat ako at nangyari yun at nakita ko yung tunay na ugali mo! Nagpapasalamat ako at nakakawala ako sa kahibangan ko at lalong lalo na sayo! KAYA WAG MONG MASABI SABI NA LET'S GET BACK TOGETHER. Kasi nakilala ko na ang akala kong Evan na magiging parte ng buhay ko hanggang sa mamatay na ako. Kaya wag mo kong masisisi kung ayoko na kasi ikaw din nagudyok sakin nun!"

Walang sabi sabi humaribas ako papasok ng bahay namin. I need someone, I really need someone to depend on. At kilala ko na kung sino siya.

_______________

Shortest UD evah!

Sorry bunnies grabe ako antukin ngayon eh

Lovelots
TheBaeQueenB

Panindigan Mo Ako!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon