Euan's POV:
Nakatitig ako sa mala manika niyang mata habang nagiisip niya at natataranta. Bakit kahit nagiisip lang siya ang ganda ganda na niya? Ano bang meron sakanya na wala ang ibang babae?
"Anong sasabihin mo?"
Ganto nanaman tayo Euan, pinipilit mo nanamang wag ma amaze kay Elisha kahit extraordinary siya. Well actually she's more than that.
"Euan, napapansin mo ba na ang saya ko pag magkasama tayo?"
Napangiti ako sa isipan ko. Oo naman, gustong gusto ko nga yung ngiti mo eh.
"Ah, oh, ano meron dun?"
Pagaarte ko na kunyari nagmamaang maangan ako.
Binigyan ko siya ng isang walang ekspresyong tingin. Pinasadahan ko nanaman ang kahinhinan mula ulo hanggang paa. Nakakatuwa ang gayak niya kahit kailan.
"Na ang ligaya ko sa twing nakikita kitang masaya"
Ako din, nagiging masaya sa mga bagay na nagpapangiti sayo. At nagpapasaya sayo. Kung alam mo lang kung gaano kita kagusto pasayahin at patawanin.
"Oh, ano nga ba kasing meron?"
Kumagat siya ng labi na ikinatitig ko. Bakit ganto siya? May sarili ba syang gravitational force at nahihigit niya ang sarili ko sakanya.
"I think I love you."
Nanlaki ang mga mata ko. Hindi ko alam kung anong ireresponde ko. Ang lakas ng tibok ng puso ko.
Nakatingin siya sakin na para bang nagaabang siya ng sagot.
"I-I..."
Nakatitig lang siya na para bang nakikiusap na sagutin ko yung sinabi niya.
"I said, I think I'm inlove with you. DO YOU FEEL THE SAME EUAN?"
Naestatwa ako sa kinatatayuan ko.
"I-I don't..."
Hindi pa ko nakakatapos ng sasabihin ko bigla nalang siya nagwalk out sa harapan ko.
"I don't know Elisha, I don't know."
Akala ko babalik pa siya nung humapon na, pero hindi pa. Nagintay pa ako hanggang sa gumabi na.
Ilang araw na ang lumipas at hindi parin talaga siya umuuwi
Eh bakit ko ba siya hinahanap?
Napaisip din ako. Hindi ba dapat masaya ako? Hindi ba dapat na maluwag na ang hinga ko dahil wala na siya dito sa pamamahay ko?
Bakit parang ang sikip sikip sa Dibdib? Bakit parang di ako makahinga? Bakit parang binabarag yung puso ko?
Habang nagiisip ako nakareceive ako ng text kay Evan.
From:Evan
Euan,magkita tayo. Same time, Same place.
Hindi na ako pumalag at nagayos na ako ng sarili ko at dumeretso sa tagpuan namin ni Evan.
"Bakit?-"
Pagkasalubong ko palang sakanya, bigla akong nakatanggap ng suntok. Hindi ko to inaasahan ah.
___________________
10 Chapters to goooooooooo 😂
Yehet yehet yehet yehet.
-TheBaeQueenB
BINABASA MO ANG
Panindigan Mo Ako!
General FictionBilang isang babae mahal natin ang ating puri , pero pano kung bigla nalang itong nawala kinuha nang walang pasubali? PS. Wala pong BS to. All Rights Reserved |Started| 11/22/2014 @ 2:29 am |Completed| 08/30/2017 @ 10:55 pm
