Elisha's POV:
Weekend ngayon at wala kaming pasok dalawa ni Euan.
Nakaupo lang ako sa sofa nanonood ng TV habang sya busy sa facebook. Okay na sana eh, nang biglang tinapat niya sakin ang laptop niya at may plinay siyang video.
"NANGYARI PALA TO! BAT DI MO MANLANG AKO TINAWAG O TINEXT MANLANG O KAYA SINIGAW ANG PANGALAN KO?!"
Pinost pala sa facebook yung scene na ginawa ng current girlfriend (ew) ni Evan ngayon. May gana pa talaga silang videohan.
"It's none of your business"
Bigla naman siyang napahilamos sa mukha niya na para bang salong salo niya ang mundo.
"NONE OF MY BUSINESS? Ha?!"
Napasmirk ako sakanya ano ba kasi problema ng taong to?
"Ano ba kasi problema?"
Napansin kong parang napatanong din siya sa sarili niya kung ano ba kaugnayan niya sa video.
"Punta tayo mall."
Aba, himala bigyang nagyaya ang katabi ko.
Humindi ka
Humindi ka
Humindi ka
Humindi ka
"Tara"
Aba ang sarap hambalusin ng sarili ko. Gusto kong humindi pero nag tara pa ko.
*kotse*
Kanina ko pa napapansin na may nakasunod samin pero syempre mahirap mag assume.
Imbes na bigyan ko ng pansin ang nasa likurang sasakyan kinalikot ko nalang yung sasakyan ng katabi ko at nagplay
I was a liar
I gave it to the fire
I know I should've fought it
At least I'm being honest
Feel like a-
Nagulat ako nang bigla niyang pinatay.
"Ano ba?! Kanina ka pa?!"
Nagsmirk siya at nagpark. Andito na pala kami?
"My car, my rules."
Umirap nalang ako
"Tsk,whatever"
*mall*
Pagkapasok na pagkapasok palang namin biglang may tumawag sa pangalan ko.
"Elisha"
I saw one of my former classmate. Si Andrew! Crush ko pa naman siya dati!
"ANDREEEEW!"
Akmang saaalubungin ko din siya kaso may humawak ng kamay ko.
"Luh? Epal ka Euan?"
Tumingin siya ng masama kay Andrew na para bang kakainin niya to ng buhay. Mga teh, Confirmed. Bakla si Euan.
"Oh, hold it bro, I'm just a friend."
Lumambot naman ang ekspresyon ni Euan at sumipol sipol. Ayaw pa talaga tanggalin ng pagkakahawak ng kamay namin.
"How are you Andrew?"
Ngumiti naman siya sakin ng pagkalaki laki
"I'm fine, Ito masaya hahaha."
Natapos ang usapan namin at dumeretso kami ni Euan sa KFC.
"Alam mo kung hindi mo lang talaga paborito dito kanina pa ko nainis"
Tumawa lang ako at kumain kami.
"Ang tagal naman ng Fully Loaded Bucket of Fries ko"
Umiling lang siya sakin at nagsimula nanamang mangasar
"Nakita ko sa listahan sa taas di naman siya bucket size maliit lang. Pero nakakapagtaka bakit 150"
Tumawa ako ng malakas sakanya at nakita ko na ang waiter na papunta sa dereksyon namin hawak hawak ang fries ko. Natameme si Euan dahil nakita niya na literal na bucket ng chicken ang lagayan ng fries ko at puno pa.
"Oh ano? Ayaw mo pa maniwala ha? Hahahahaha."
Matapos nun ay nagpunta kami sa bilihan ng damit. Nakita niya daw kasi mga damit ko at may balak siyang palitan.
"Tignan mo nga kung kasya sayo to"
Pinakita niya ang isang longsleeve dress na kulay beige na lagpas tuhod maganda siya sobra it screams modesty.
Sinukat ko naman iyon. Paglabas ko, nakita ko na namula siya. Ganun na ba ako kaganda? Hahahaha.
"Oy ano natulala ka na jan?"
Tsaka lang siya gumalaw nung sinabi ko yun.
"Bagay sayo"
Ngumiti ako at marami pa kaming binili. Grabe pala taste ni Euan sa damit. Yung tipong Modest and Elegant.
Hindi ko alam sa sarili ko bakit bigla ko nading hinawakan ang kamay niya. Nagulat siya pero hinigpitan lang naman niya yun.
Magogrocery naman kami ngayon. Nandito kami sa women's section nang huminto si Euan sa tapat ng PHCare.
"Diba facewash to? Bakit palda at legs ang model dito?"
Natawa ako sa pagtatanong niya out of blue. Bukod sa natatawa ako sa description niya ng PHCare, eh lalong nakakatawa yung inosenteng reaksyon niya.
"Basta! Hahaha tara na nga."
Lalagpas na sana kami nang kumuha siya ng ipit (pangtali ng buhok). At inilagay ito sa cart namin. Hinayaan ko nalang tutal pera naman niya yun eh.
Actually si Euan halos lahat naglagay ng bibilhin sa Cart namin at ako ang naging tagatulak. Wow, baliktad na talaga mundo ngayon.
"Euan yung importante lang ang ilalagay mo ha?"
Habang naglalakad siya sa section ng mga biscuits.
"Woman, I know what I am doing"
Pagkasabi na pagkasabi nun bigla siyang natalisod.
"Oh really? Such a graceful man"
Sinamaan nalang niya ako ng tingin. Aasarin ko sana siya kaso nakita kong isang garapon nalang ng stick o ang naroon.
"TARA NA EUAN BILIS!"
Sadly di ko nakuha ang huling stick-o. Naiiyak ako. Nageffort ako umasa ako. Nagpunas ako ng luha ko. Hindi ko alam bakit ako naiiyak.
"Bakit ka naman naiiyak?"
Yumakap ako sakanya at nagstomp ng paa ko.
"Yung stick o."
Sabay turo sa likod ko
"Wala nang stick o Euan"
Bigla naman ako nakarinig ng mahinang tawa.
"Banlag ka ba? Eto sa kabilang shelf yung stick-o marami pa"
Napahiya ako bigla. Nasayang ang luha ko!
"Tara na nga!"
Hinablot ko yung stick-o at dumeretso sa counter nang namumula. At ang ngisi naman ni Euan lalong lumapad aba. Sapakin ko na kaya to.
__________________
Imissyou bunnies ^^
-TheBaeQueenB
BINABASA MO ANG
Panindigan Mo Ako!
Fiction généraleBilang isang babae mahal natin ang ating puri , pero pano kung bigla nalang itong nawala kinuha nang walang pasubali? PS. Wala pong BS to. All Rights Reserved |Started| 11/22/2014 @ 2:29 am |Completed| 08/30/2017 @ 10:55 pm
