Chapter 20

69 5 0
                                        

Elisha's POV:

After ng ilang weeks maayos din naman pala ang paninirahan ko kay Euan. Actually nga nakaranas na siyang kumain ng kwek kwek, sumabit sa jeep, at Uminom ng ice tubig. Para sakanya achievement na yun. Normal lang yun para satin.

"Beshy! Ano ba? Malapit na yung Student's Night Out"

Kasalukuyan kasi kaming nagawa ng bagong routine ng Dance Club nang biglang sumulpot ang bestftiend kong pawis na pawis, dugyot na dugyot galing lang naman ng Tune Up nila sa Vball.

"Beshy amoy Olympics ka na hahaha"

Amoy Olympics= Amoy Pawis

Inirapan niya ako at inamoy ako pero sumimangot siya. Siguro kasi wala pa akong amoy.

"Wala akong pake, basta beshy. Sasama ka?"

Napaisip ako bigla. Hmm Student's Night Out. Kung saan mamimeet namin ang iba't ibang estudyante sa iba pang Campuses. I mean. Hindi lang kasi dito ang Montreal High kundi may iba't ibang branches ito or Campuses sa iba't ibang parts ng bansa.

"Tatanungin ko muna si Euan"

Napatingin siya sakin ng may kakaibang kahulugan

"Aminin mo, inlove ka na sakanya no? Beshy ikaw ha"

Inirapan ko siya.

"Haha ako? Inlove sakanya? Haha beshy nako"

Magsasalita pa sana ako nang lumapit ang isang club member ko

"Captain, 10 minutes na"

Tumango ako sa Vice Captain/ Jr. Ko na ipunin na silang lahat ulit dahil tapos na ang water break.

*after practice*

Pagkalabas na pagkalabas ko ng Court nakita kong nagaabang ang poging si Euan sa akin.

"Hi miss"

Inirapan ko siya at binato ko ng bag ko. Nasalo naman niya sabay bulong ng "Pwede na kong maging varsity player" sabay kindat sakin.

"Ang hangin"

Tumawa naman siya. Tapos naghawi ng buhok nagtanggal ng earphones at ibinulsa ang phone. Bat kahit ganun ang gawin niya ang pogi niya?

"Sorry kung mahangin ha? Ang cool ko kasi"

Pagkatapos niyang sabihin yun nagdab siya.

"Eew, Laos na"

Tumawa nalang kami habang papunta sa kotse niya. Oo nakuha pa namin ang kotse niya.

"Uhm..."

Napatingin siya sakin na para bang nagiintay na magsalita pa ako.

"Pupunta ka ba ng Student's Night Out?"

He shrugged his shoulders. At nagsimula muna siyang lumabas ng campus namin.

"I don't know. Ikaw ba?"

Walang isang segundo akong sumagot.

"Oo."

Ngumiti naman siya at may tinype sa phone pero binawi ko kaagad at nag mouth ako ng "no driving while texting" kaya naman di niya nalang tinulong.

"Then I'm coming also"

Parang tumalon saglit yung puso ko nang marinig yun. So automatic date ko na ba siya?

"Uhm.. May idedate ka na sa araw na yun?"

Nagisip siya at biglang napangiti. Ang aliwalas ng ngiti niya.

"Oo eh."

Aray.

Panindigan Mo Ako!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon