Chapter 26

64 5 0
                                        

Elisha's POV:

Nagising ako ng maaga para kumain. Bumaba ako ng kusina. Yung tipong ibang kusina ang ineexpect ko at hindi ito.

Nakarinig ako ng busina senyas na si Evan yun. Sinusundo na niya ako.

Nakita ko sa labas ng gate namin yung kotse niya. Pero bakit ganito? Bakit parang ibang kotse ang inaasahan ko? Bakit parang ibang tao ang gusto kong magsusundo sakin?

"Sakay na"

Sabi niya habang nakangiti sakin. Pero ibang labi ang gusto kong ngumiti para sakin.

Habang nakaupo ako sa passenger's seat ng kotse ni Evan naalala ko yung bawat moment namin ni Euan sa passenger's seat niya.

Pero sino ba kasi ako? Ako na pinagpilitan ang sarili ko sakaniya, ako na pinatawan siya ng responsibilidad na dapat hindi niya makuha.

This time. It's going to be right. It SHOULD be right. This time gagawin ko na ang tama.

Habang nasa byahe kami nagiisip ako...

Bakit parang hindi ako masaya? Hindi ba ito ang gusto ko? Na masakin si Evan? Na magkabalikan kami? Na tanggapin niya ako bilang ako? Bakit parang hindi ko na matanggap? Bakit ako na mismo ang di makapagadjust? Bakit ibang tao ang hinahanap ko imbes na ang lalaking katabi ko?

Hindi ko namalayang nasa tapat na pala kami ng school. Habang naglalakad kami, magkahawak kami ng kamay.

"Like the old days huh?"

Sabi ni Evan nang nakangiti. Pinilit ko lang ngumiti. Pero sa loob loob ko hindi ko na yata deserve tong sakit na nadarama ko. Bakit sa twing ibang tao ang humawak ng kamay ko parang pinipiga ang puso ko? Pinipiga ang puso ko sa pamamagitan ng katotohanang hindi naman siya naging pagmamayari ko. Kundi ipinilit ko lang ang sarili ko.

Hanggang sa pagpasok ng school iniisip ko padin bakit mahal na mahal ko si Euan? Bakit hindi ako maging masaya sa piling ni Evan? Bakit hindi ko maibalik ang dating Elisha na mahal na mahal si Evan? Bakit nasasabik akong makita si Euan? Bakit?

Habang lutang ang isip ko hindi ko namalayan na lunch break na pala.

Sabay kaming pumunta sa cafeteria ni Euan, magkaholding hands parin...

Pero ibang kamay ang hinahangad ko. Bakit ganito? Bakit wala akong maramdamang kahit ano? Bakit pag siya ang kahawakan ko ng kamay kinikilig ako. Ngunit bakit pag kay Evan na ang hawak ko hindi ko mapilit ang sarili ko? Ang bang nangyayari sakin?

"Beshyyyyyyy!"

Nagkaroon nalang uli ako ng ulirat nang tawagin ako ng isang babaeng kala mo nakakain ng megaphone.

"JULIAAAAAAAAAA!"

Tinawag ko naman siya agad. Nagulat ako nang akbayan ako ni Evan. At syempre mas lalong namilog ang mata niya nang nakita niyang kaming magkasama.

Habang nakikipagusap kay Julia nakaramdam ako na para bang may nakatingin sa gawi namin... Kaya naman luminga ako at nakita ko si Euan, nakatingin, sa gawi namin.

Pero baka hindi. Baka nagaassume nanaman ako. Baka mali lang tong iniisip ko. At baka... Wala lang siyang tinititigan. Kaya agad akong nagiwas ng tingin...

Nang matapos ang lunch break, dumating na ang Personal Development teacher namin.

"Okay class, ang paguusapan natin ay about teenage relationships and how they handle it"

Nagpakita si ma'am ng onting powerpoint at magpost ng cartolina sa whiteboard.

Anong pipiliin mo? Yung mahal mo na malungkot sa piling mo? O yung mahal mo na masaya sa piling ng iba?

Napagisipan kong mabuti ang sulating iyan. Kung ako ba ano bang pipiliin ko?

Nakita ko namang nagtaas ng kamay si Evan...

"Masaya sa piling ng iba."

Napatingin kami sakanya

"Bakit?"

Bago siya magsalita nagehem muna siya.

"Kasi ma'am selfishness po iyung tatawagin kung sasarilihin mo yung mahal mo nang di mo alam kung sino na pala ang mahal niya. Bukod pa po dun ma'am love is selfless. Okay na pong masaktan ako kasi matitiis ko naman basta masaya siya sa desisyon niya."

Napatango ang mga kaklase ko. May punto siya. Pero hindi ko alam bakit ganun. Bakit naghahanap ako ng ibang sagot.

"Ms.Dimaculangan!"

Napatingin ako kay ma'am

"Ma'am malungkot sa piling ko"

Napatingin silang lahat sakin. Ano to? Instant spotlight?

"Kasi ma'am Alyssa, hindi naman po yun selfishness for me, hindi po natin alam baka bukas makalawa mahalin niya uli ako. O kung hindi man baka mahalin na niya ako. Hindi natin alam ang bukas. Hindi natin alam na paggising pala nung taong inaasahan natin, mahal na pala nila tayo."

Napa 'oooh' naman yung mga kaklase ko at umupo na ako.

Umabot ng uwian at ihahatid na uli ako ni Evan sa bahay.

"See you tomorrow babe, Iloveyou"

Sabi ni Evan, ngumiti lang ako sakaniya. Hindi ko alam bakit hindi ko maibalik sakaniya ang sinabi niya. Basta dumeretso lang ako sa kwarto ko at nagkulong.








It's already 12am. Nakatiklop padin ako. Bakit gustong gusto kitang makita? Bakit naiiyak ako sa twing naaalala kita? Bakit patuloy padin akong umaasang maghahabol ka at susunduin mo ko dito? Bakit ba kasi gustong gusto kita g makita?

Patuloy ang paghikbi ko at pagyakap ko sa unan ko.

"I miss you Euan"

_________________________

Waaaaah BUNNIEEEES PATAPOS NA TAYOOOO IM SO HAPPY OH MY GOSH HAHAHAHAHAHA.

LOVELOTS,
TheBaeQueenB

Panindigan Mo Ako!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon