FAST FORWARD****
Ella's POV
****Naglalakad nako papunta sa park.Hila-hila ang maleta ko at dala ang backpack na pinaglalagyan ng dala kong lomi.Syempre may dala akong kutsara para ready.incase na magutom ako sa daan.hihi.Pagkarating ko dun, wala naman tao.Tinignan ko relo ko.Saktong 9am na ah. Bat wala pa sya.sabi bawal malate tapos sya naman tong malelate.Hayyyy!!Naupo ako sa lumang bench at naghintay.Pag kaupo ko biglang sumakit ang ulo ko.tapos may narinig akong boses.
"Dito!"-sabi nung boses sa utak ko.Hayy!sakit sa ulo nun ha.tss!Mind telepathist.tseee!kainis.Lumingon ako pero wala pa rin ako makita.
(a/n:Mind telepathy.Special ability.They can connect to other minds and tell them what they want to say.Pero di nila maririnig kung sa utak lang din mag sasalita yung kinonect nila.unless, special ability din nila ang mind reading or telepathist din yung ka connect nila.Sa unang connect nila, sasakit ang ulo ng kinonectan nila.Pero sa mga susunod na connect .Hindi na dahil connected na sila.)
"Dito sa entrance ng gubat."sabi ulit nung boses sa utak ko.Aba! Infairness ,hinda masakit sa brain.
Napalingon ako dun at may nakita akong lalaking na brown na hood.Lumapit nako sa kanya."ikaw ba yung sumulat sakin kahapon?"tanong ko kay guy.
"oo.Halata naman e.Wag tanga ha?ayaw ko ng ganyan."-sabi nya ulit sa utak ko.
"ahhh.Ikaw si ....ano nga ba name mo.....ahmmm....iispin ko lang... ....ahh...Dy...Dylan.Makatanga ka naman.Grabe ka Dy.Harap ka nga sakin.Patingin ng mukha mo.Tanggalin mo narin yung Hood mo Dy."-sabi ko naman sa kanya.
"ayoko nga.Sino kaba para utusan ako?Saka anong Dy?"-sabi nya ulet sa ko.
"ahm...ako ....dimo kilala? e diba nasulatan mo na ako. nakasulat pa pangalan ko dun .Buo pa ..Vasquez,Mariella Chloe Park. yun!ako si Mariella.Ella nalang.Dy nalang tawag ko sayo .Dy,Short for Dylan.Okay ba?"-sabi ko naman sa kanya
(a/n:ang pakikipag usap po ni Dylan kay ella ay sa utak parin.si ella naman ay nag sasalita.Basta sa utakang si Dylan.Sasabihin ko nalang pag nag sasalita na sya.hehe.)
"tsss!bahala ka nga!"-Dylan.tapos binilisan ang pag lalakad.Hinabol ko naman sya.Nakatingin ako sa kanya.Gusto kong makita ang mukha nya.Pero naka hood sya.
Bigla kong hinigit pababa yung hood nya para lumabas ang mukha nya.Bigla naman sya napaharap sakin at parang medyo nainis sa ginawa ko.Infairness ha?Pogi ang lolo nyo.haha!Oo.Gwapo pala si Dy.Ewn ko lang kung bat nya tinatago yung face nya."Ano Kaba?Bakit mo tinanggal?Paki alamera!"-Dylan.Syempre.sa utak na naman .Lagi naman eh.Akmang ibabalik nya yung hood nang pinigilan ko sya.
"Bakit ba?"-Dylan.
"Wag mo nang ibalik.Tatakpan mo na naman yung mukha mo e.Ang pogi mo pa naman.tsk!"-sabi ko.
"H-ha?A-anong s-sabi mo?"-sabi naman nya.Oo literal na sabi.Nag salita sya.Nauutal pa nga e.Siguro di talga sya sanay mag salita.Na shock nga ako kasi nag salita na sya .Pero di ko pupunahin.Baka mag mind telepath ulit e.hehe
"Ang sabi ko,pogi ka.Kaya wag kana mag hood at nang hindi matakpan ang mukha mo."-sabi ko namn.
"tss.Baliw ka.Wag mo nga ako niloloko!"-sya ulet.kaso nag mind telepath ulit e.Anu ba yan. Di ko nanga pinuna e.
"Di naman kita niloloko e.Totoo yung sinabi ko, pogi ka."-sabi ko naman.
"tss!"-Dylan.
Nag patuloy kami sa pag lalakad.Matagal kaming lakad ng lakad.Baka ilang oras narin.Tapos di pa kami nakakarating.Pagod ba pagod nako e.sobra.
"Malayo pa ba tayo?Pagod nako e.Kung may powers lang akong mag teleport o lumipad ginawa ko na e.tsk!"-angal ko sa kanya.
"tss!Malapit na.Pag nakatawid na tayo ng isang ilog,mga 30 minutes pang lakad pwede na tayo mag bukas ng portal.Bawal pa dito e."-sabi nya naman sa utak ko.Nakakapikon na din to ha?di na nagsasalita.Baka panis na laway neto e.Haha!
"Sandali nga,ano nga ba powers mo?"-tanong nya sakin.
"ahm....Di ko pa alam e.Nitong nakaraan ko nga lang nalaman na may powers ako e.Special ability palang ang alam ko.Pero di ko pa alam kung isang element user or witch ako.Hehe!"-sagot ko naman sa kanya.
"ha?di mo pa alam kung ano yung powers mo at kung ano ka.Sa bagay,galing ka nga pala sa mundo ng mga mortal.ano naman yung special ability mo?"-tanong nya naman sa utak ko.
"Ahm.Di ko alam ang tawag dun e.Pero ganito yun.Halimbawa, Pag sinabi kong 'madapa ka sana!' mangya--" -sabi ko sa kanya.Pero naputol yung pag sasalita ko kasi bigla sya nadapa.Tsk!Naapektuhan pala sya ng powers ko.
"Hala!!Ui,Sorry!sorry talaga!Di ko sinasadya.di ko naman inakalang gagana sayo yun e."-sabi ko sa kanya tapos tinulungan ko siya makatayo.Pag tayo napatingin sya sakin.Tapos nakita ko yung labi nya,may dugo.Pumutok ata sa lakas ng impak.Ikaw kaya humalik sa malaking ugat ng puno.
"Hala!!may dugo yung labi mo.Sorry talaga!" -sabi ko sa kanya.Di naman sya sumagot.Hinwakan nya yung labi nya tapos tumingin sya sa kamay nya.Nakita nyang may dugo pero Poker Face lang sya.
"Hala!Wag mo hawakan.Baka madumi yung kamay mo ma infection pa yan!" -sabi ko sa kanya.Tapos tumingin ako sa paligid, nasa tabing ilog na pala kami.Pinaupo ko muna sya tapos sinabi kong wag gagalawin yung sugat nya.sinunod naman nya.Lumapit ako sa ilog at nag hugas ng kamay.Kinuha ko sa bulsa ko yung panyo ko tapos binasa sa ko dun ilog para ipunas dun sa sugat nya.
Hahahaha!
It seems that ella is truely epic :)
Ano kayang sunod na mangyayari ?ABANGAN .....
Kamsa :)
BINABASA MO ANG
Wonder World
FanfictionSecret Place. Don't Tell Anyone? shhh!! What if ang isang simple at may kakulitan ngunit may pagka maangas na babae ay mapunta sa isang lugar dahil kailangan nya ito para sa kanyang kaligtasan? Pano kung hindi lang yun ang makuha nya sa pagpunta nya...