*SA BABA ! (dinning room)*ELLA'S POV
"Oh ? Ella ? Himala . Ang aga mong bumaba ngayon ah . " -sabi ni tita amy .
"Oo nga ate ella ? Anong nakain mo? " tanong ni shawwie . Bunsong kapatid ni sarah . Shawwie is the youngest saming tatlo . And kami ni sarah halos magka edad lang . Pero mas matanda sya sakin ng ilang months .
"Grabe naman kayo ! Parang namang lagi akong late bumaba ?" Sagot ko nang pa drama na patampo effect .hihi .
"Bakit ? Hindi ba ? " sabay nilang sagot na tatlo . Insip ko kung my time na bumaba ako ng maaga sa nakatkdang oras ng almusal .... hmmm . WALA NGA .XD !
"Ok ! Sige na . Wala . Wala akong maalalang ganun e .hehe !"
"Ahm . May bisita nga pala tayo . Galing sya sa school namin ng mama mo . dean namin sya dati . At hanggang ngayon , sya parin dean . Sya si Ms.Bellinda Elbetrs ." Sabi ni tita sa akin .
"Ah . Tita san po ba ang school nyo dati ni nanay ? " tanong ko .
"Ah . Basta .malayo " sagot naman ni tita .
"Ah . Ganun po ba ?" -ako
"Oo "- tita amy .
"Oh , kumain na tayo . Shawwie , Sarah . Paki kuha nga ng mga mangkok at kutsara sa kusina" pag iiba ng topic ni tita .tumayo na yung dalawa kong pinsan para kumuha ng mangkok kutsara . Pag tingin ko sa almusal namin . Nakita ko na yung paborito ko ang almusan namin . Ang paborito kong LOMI !
"Wow ! Lomi ! " sabi ko .
"Oo . Yan niluto ko . Alam kong paborito mo yan e ."- sagot namn ni tita .
"Paborito mo pala ang lomi ?" Tanong ni Ms.Elbrts .
"Ay . Opo . Lalo na po kung si tita ang nagluto ." Masaya kong sagot .
"Ah . Naalala ko sa iyo si Maribelle , ang iyong ina . Paborito nya rin ang lomi . Yung palagi ang pinapaluto nya sa cafeteria sa school dati ." Sagot naman ni Ms.Elberts .
"Ah ... ganon po ba ?" Tanong ko . Nag nod lang sya sabay ngiti . Inapa ko yung malaking mangkok na pinag lalagayan ng lomi para alamin kung mainit pa ito . Pero pag apa ko ay medyo malamig na ito .
"Ay ! Medyo malamig na ." Sabi ko .
"Oo nga .kanina pang alas sais luto yan e .anong oras na ngayon . Alas syete na ." Sagot naman ni tita .
"Ah ... kaya pala . Sana lang mainit pa yan para mas masarap ." Sabi ko . Tapos biglang may green sparks na pumaibabaw sa mangkok ng lomi tapos biglang nawala .
Tapos biglang medyo umusok ng konte yung lomi . Pag hawak ko ulit sa mangkok nung lomi . Nasaktan ako kasi medyo napaso ako ."Ouch ! Hala ? Bat mainit na ulit yung lomi ? " tanong ko sabay tingin kina tita at Ms.Elberts . Nanlaki ang mga mata nila sa gulat tapos ay nagtinginan sila .sabay namng pag dating nung dalawa kong pinsan .
"Oh ? Anjan na pala yung mga mangkok at kutsara e . Tara !kain na tayo .Ms.Elbetrs , dito na rin kayo mag almusal" Pag iiba ni tita .
"Oh ? Sige . Nang matikman ko ang loming niluto mo . Aalamin ko kung masarap nga ." Sagot naman ni Ms.Elberts . Ngumiti lang ako sa kanya .
Kumakain na kami , nang matikman ni Ms.Elberts ang lomi ni tita , pinuri nya ito at sinabing masarap nga . Pero di ko parin maisip kung paano uminit yung lomi gayung malamig na ito kanina .
Tuloy lang ako sa pag kain , nang mapansin kong tingin ng tingin sakin si tita at Ms.Elberts , tapos magtitinginan sila .
Sobrng weird talaga nila kaya hindi ako naging komportable hanggang sa matapos kaming kumain .
Niligpit na ni sarah ang mga pinagkainan dahil sya ang naka toka si shawwie naman mag aayos daw ng kwarto nya .
Pati yung kwarto namin ay lilinisin na din nya .kaya wala na akong gagawin .
Pumunta sa likod bahay sina tita amy at Ms.Elberts para mag usap , mag kwentuhan at kung anu ano pa .
Pupunta sana ako sa c.r nang marinig ko ang usapan nila . May pinto kasi sa likod bahay at madadaanan yun pag papunta ng cr .
Tutuloy sana ako pero narinig ko yung pangalan ko sa usapan nila .
BINABASA MO ANG
Wonder World
FanfictionSecret Place. Don't Tell Anyone? shhh!! What if ang isang simple at may kakulitan ngunit may pagka maangas na babae ay mapunta sa isang lugar dahil kailangan nya ito para sa kanyang kaligtasan? Pano kung hindi lang yun ang makuha nya sa pagpunta nya...