Talagang hindi umuwi si mysterious Jc. Wala na naman akong gagawin ngayon. Wala 'kong ibang naririnig kundi yung sigaw lang talaga ni Kuya. "Yoohoo! Meron na! Yes!" Tinitignan ko lang siya habang tumatalon sa pintuan ng kuwarto ko. Hindi niya ba napapansin na bored ako. Super bored. "Oh, anong meron?", sa wakas nagtanong din siya. "Gusto ko na umuwi.", sagot ko sa kaniya. Bakit? Totoo naman ah. "Alam ko na, shopping na lang tayo.", okay so he just said that word. Shopping. That's it! I need shopping. Hindi ko alam kung anong susunod kong sasabihin, kaya pumunta na lang ako sa banyo para maligo. "Wait lang Kuya-", sinara ko yung pintuan. Binuksan ko ulit ito "-sabi mo magsho-shopping diba, magready ka na rin.", sinara ko ulit ang pintuan.
Bigla akong na-excite sa paglabas ng bahay. Sa wakas makakalabas na rin ako sa cage na ito. Hindi ko akalain na si Kuya ang mag-aaya na mag-shopping. First time ko na marinig si Kuya na sa bihin ang word na shopping na parang nag-aaya, dati kasi laging may question mark sa huli. "Shopping? Shopping? Bakit?", 'yn lang ang sinasabi niya kay Mommy pag pupunta kami sa mall.
Pagkatapos ko magbihis, pumunta ako sa kuwarto ni Kuya. "Knock, knock.", sabi ko habang kumakatok sa pintuan ni Kuya. Hindi niya ako sinasagot, kaya pumasok na ako sa loob. Color white lang ang wallpaper ni Kuya, halos lahat ng gamit sa loob ay color blue. Meron din siyang computer, tv, at stereo, pero masmaganda yung sa akin. Echos! Nasa balkonahe si Kuya, kaya siguro hindi niya ako marinig kasi nakasara yung kalahati ng glass door. "Uy! Bakit ka nandito? Ready ka na ba? May pera ka ba?", nang-aasar na tanong niya sa akin. "Nag-aaya ka diba? Edi ikaw ang taya.", sagot ko naman sa kaniya. Biglang may mahabang katahimikan sa kuwarto. "Okay. Tara na. Wait lang, anong mall ba ang pupuntahan natin?", tanong ko. "Edi itanong mo kay Sir Carter.", sagot naman ni Kuya.
"Oo nga naman. Tara na nga."
Nagpahatid kami kay Sir Carter sa mall. Dinala niya kami sa Ala Moana. Maganda siya, malawak, maraming tao, basta hindi ma-describe sa sobrang ganda niya. Una naming pinuntahan ang Nordstrom. Pagpasok palang namin marami na kaming napili ni Kuya. "Oh, mauna ka nang mamili.", sabi sa 'kin ni Kuya. "Hindi, ikaw muna. Mauna ka na, mamaya na ako pagkatapos mo. Andito naman tayo sa pang lalaki eh.", sagot ko naman. "Okay.", huminga siya ng malalim. "Let's do this." Agad siyang kumuha ng basket at cart.
Maraming sinukat na damit si Kuya, merong skinny jeans, joggers, polo shirt, at jacket. "Bakit ka kumuha ng jacket? Ang init kaya.", tanong ko sa kaniya habang nagsasalamin na suot-suot yung jacket. "Walang basagan ng trip.", sagot naman niya sa akin. "Edi wow.", sabi ko nalang sa kaniya. "Oh ikaw na next.", biglang sabi niya. "Talaga?", tanong ko.
"Bakit? Ayaw mo. Uwi na tayo."
"Sige, tara, bilis!"
Sumunod kaming nagpunta sa ladies wear. Ako na yata ang may pinaka maraming sinukat na damit sa fitting room. Paglabas ko ng fitting room, parang beastmode na si Kiya sa sobrang tagal ko. "Grabe ka! Ang tagal mo.", habang nakapamewang siya na napakasama ng tingin sa akin. "Bakit? Gano'n na ba ako katagal?", sagot ko naman sa kaniya habang inaayos yug mga napili kong damit sa basket. "Hindi lang matagal... sobrang tagal."
"Uy grabe. Inantay kita kanina."
"Edi wow."
"Whatever. Tara na nga."
Beastmode nga siya. Iisang store palang pinuntahan namin, marami na agad kami nabili. Yung una naming pinamili, binigay namin sa mga guard para maipunta na sa sasakyan. "Uy! Teka lang.", bigla niya kong hinila sa braso. "Aray! Ano ba yon?", hindi niya pa rin binibitawan ang braso. Sobrang higpit ng hawak niya sa akin, para bang nakakita ng multo. "Ang daming sunglass. Tara doon tayo.", sabay hila sa akin sa braso.
Pumasok kamim sa Sunglasses Hut. May iba't-ibang sizes, colors, at designs yung mga sunglass. "Ang dami naman niyan. Mapagsasabay mo bang isuot yang limang shades na yan?", tanong ko kay Kuya. "Oo naman. Ito pang night driving, ito pang sun bathing, tapos yung iba pangpapogi.", sagot naman niya. "Anong pangpapogi? Kanino naman?", tanong ko.
BINABASA MO ANG
My Hawaiian Love
JugendliteraturMatatanggap mo ba na mailayo ka sa mga mahal mo? Eh pa'no kapag nalaman mo na kapag umalis ka, doon mo pala makikilala ang true love mo. Sa lahat ba ng mapagdadaanan ninyo, kakayanin ng mga kaibigan niyo? Let' s try to find out the answers through t...