Himala! Wala yatang gumising sa akin ngayon. Masyado yata akong maagang gumising, o wala lang silang mautusan na gigising sa akin. Babangon na sana ako para maligo, pero biglang may kumatok. Si Jc ulit. "Lyne, the food is ready downstairs. We will be waiting for you.", sabi niya. Ulit. Mas maaga lang pala ako sa manggigising sa akin. Nagmadali akong maligo kasi ang sabi niya aantayin daw nila ako sa baba. Hindi pamandin ako lumalabas ng kuwarto ng hindi nakakaligo. Nakakahiya. Palagi ko kasing iniimagine na may bisita kami tuwing umaga. Dati kasi lumabas ako ng kuwarto nang hindi naligo. Pagbaba ko sa living room, nakita ko si crush kasama sila Nica. Ang awkward kaya. Ganon ang itsura mo na haharap sa bisita. Nakatayo yung ibang buhok mo, may muta pa, naka pajama. Basta hindi pa naliligo.
Mabuti nalang pagbaba ko, wala pa yung tatlong unggoy. They are late. Very late. Haha. Pagtapak ko sa pinakahuli na step ng hagdan, bigla namang sumulpot yung tatlong baliw na unggoy. "Ano ba yan? Ikaw nanaman nahuli. Pabebe kasing maligo at maglakad.", sabi ni Kuya Brad. "Edi wow. Hiyang-hiya naman ako sa bilis ninyo. Mas nauna nga ako sa inyo eh.", sabi ko. Binilisan ko maglakad para mahuli sila. Nakikipag racing lang ang peg. Pagdating ko, nandoon na sila Margo, Whatever, at Albert, kasama si JC. Pero wala pa sila Sir C at Tita Issa. Binilisan ko umupo para sure na huli sila Kuya. "Guys. When they will arrive, let's stare at them. Okay?", sabi ko kanila Margo. "Okay. That's a very nice plan.", sabi naman ni Whatever. Siguro si whatever ang pinakaloko sa kanila. Tingin ko lang. Sinunod nga naman nila yung utos ko. Tinitigan talaga nila yung tatlong unggoy. Habang papunta sila sa mga upuan nila, nakayuko sila habang naglalakad. Nagtawanan kami nila Margo pagupo nila. Nagtinginan naman silang tatlo. Nakitawa na rin sila sa amin sa huli. Syempre mga mambabasag, bigla kaming tumigil tumawa nila Margo. Maya-maya, dumating na sila Tita Issa. Dala-dala nila yung mga pagkain. Pagkalapag ng pagkain, nag-pray na kaagad si Tita. Ako ulit naunang kumuha ng pagkain malapit sa amin nila Kuya. Naguunahan nanaman silang kumuha. Merong bread, juice, pero ako milk. Tuwing sunday kasi, pinapainom ako ni Mommy ng milk. Maliit daw kasi ako. Masakit para sa akin pero tanggap ko naman. Hindi naman ako gano'n kaliit. Si Mommy lang ang nagsabi na maliit ako.
Noong maliliit kami, pinagseselosan ako ni Kuya kasi bine-baby ako ni Mommy at ni Daddy. Mula pagkabata kasi ni Kuya Brad, sira ulo na siya. Pati ba ako pagseselosan. Pero ngayon hindi na. Natuto na kasi siya. Mature na daw kasi siya sabi niya nga. Weh? Di nga? Hindi ako naniniwalang mature na siya. Alam mo kung bakit? Kasi pabebe pa rin siya hanggang ngayon. Ha! Pabebe, 'yun na. Mahahalata mo na lang 'yon sa mga galaw niya. Parang kanina, binilisan ko na maglakad, matagal pa rin siya.
Pagkatapos kumain, tumambay ako sa terrace naman sa second floor malapit sa swimming pool. Sinamahan ako ni Margo. Nagusap ulit kami about "life" . "So. What are we going to do today?", tanong ni Margo sa 'kin. "Do you want to play music? Go at the beach? Go to the mall? Go watch a movie? Wanna go swimming?", tanong ko naman sa kaniya. "Yes, swimming. But I don't have extra clothes. Wanna come with me?"
"Where?"
"At the house."
"For what?
"To get some clothes."
"Really? Okay let's go!"
"
Come on.""Wait. I'm just going to change my shoes."
"Okay.", tumayo na lang siya doon. Kaya bumalik ako at hinila siya. "Hey. Come with me.", sabi ko.
Nagpunta kami sa kuwarto ko. "Wow. Your bedroom is like a... living room.", sabi niya habang dahan-dahan naglalakad papasok ng kuwarto ko. "What? Living room? The living room is bigger than this room.", sabi ko naman. "Okay whatever. Faster.", biglang sabi niya.
"Why are you rushing."
"So that the boys won't follow us."
"Oh. Okay."
BINABASA MO ANG
My Hawaiian Love
Ficção AdolescenteMatatanggap mo ba na mailayo ka sa mga mahal mo? Eh pa'no kapag nalaman mo na kapag umalis ka, doon mo pala makikilala ang true love mo. Sa lahat ba ng mapagdadaanan ninyo, kakayanin ng mga kaibigan niyo? Let' s try to find out the answers through t...