♦Chapter 22: Aba Matindi♦

9 0 0
                                    

Nakakulong lang ako magdamag sa kuwarto ko. Hindi ko pa rin maiwasan na isipin yung itsura ni Jc no'ng sinabi ni Kuya na may gusto ako sa kaniya. Iiiisssshhhh! Huhuhu. Nakakainis na... Iiiiisshhhh! Hindi ko alam! Gusto ko nang...lumabas. Pero ayaw ko! Waaahhhhh! Enebeyen!

Pasok nang pasok si Ynah sa kuwarto ko. Wala namang sinasabi. Hanggat sa nainis na rin ako. Nakakasawa na yung tunog ng pinto eh. "Anong meron? Bakit ba hindi ka na lang pumirmi sa isang lugar? Hindi mo ba alam na nakakaistorbo ka na?", sabi ko sa pang fifteen niya na pasok sa kuwarto ko. "Wala lang. Baka kasi magpaka...you know...dead ka.", sagot naman niya. "What? Ano 'ko sira? Hoy! Mahal ko buhay ko. Bakit naman ako magpapakamatay?", sabi ko. "So hindi ito dahil sa nangyari kagabi? Eh, bakit hindi ka lumalabas?", tanong niya.

"Wala lang. Hiyang-hiya ako kay Kuya kagabi eh. Ngayon lang siya nagsabi ng sikreto ko. Wala naman akong sinasabing sikreto niya sa kahit kanino."

"Baka, sadiyang lasing na lasing lang siya kahapon."

"Eh bakit siya nagpakalasing?"

"IDK. Why don't you ask him la-"

"-ask him? Why would I even do that? Dapat siya ang magsabi ng problema niya kasi pinahiya niya ako kagabi. Ano yung ginawa niya? Trip-trip lang gano'n? Kahit ano pa yung rason, gusto ko mag-kusa siyang sabihin sa akin 'to!"

"Okay Lyne. Okay. Chill ka lang. 'Wag ako ang awayin mo. Wala akong kinalaman diyan sa sikre-sikreto na 'yan.."

Lumabas kaagad si Ynah pagkatapos niyang sabihin 'yon. Hindi ko alam ang gagawin ko sa kuwarto. Uupo ako sa sofa malapit sa terrace, hihiga sa kama, tutunganga, maglalaro ng games sa phone, mabo-boring, lalabas ng terrace para tignan yung beach, tapos upo ulit sa sofa. 'Yon lang mga ginagawa ko. Paikot-ikot lang sa kuwarto. Habang nasa terrace ako, pumasok si ANNA. Bigla akong nataranta. Hindi ko alam kung bakit. "Lyne. Made you breakfast. Kanina pa sila nakakain. Hindi ka kasi bumaba kaya ginawan na kita. Are you okay?", sabi niya habang may ginagawa sa loob. Paano niya nalaman ang kuwarto ko? Pa'ni niya 'ko nakilala? Bakit siya ang nagakyat ng pagkain ko? Hindi ako makasagot. Lumapit siya sa akin. Lalo akong kinabahan nung hinawakan niya braso ko. "Anong ginawa mo kay Jc?! Bakit nawawala siya kagabi ha?! Anong ginawa mo?!", sinigaw-sigaw niya sa akin. Shucks! Ang dami ko pa man din atraso sa kaniya. Nawala nanaman yung chance na maging sila dahil sa akin kasi nga 'di ba...yung paa ko tapos yung iyak-iyak ko sa conference room. "Hindi ko alam. Sorry.", napaiyak na ako na napaupo sa sahig ng terrace. "You were always the reason kung bakit siya namomroblema!", tuloy niya. Goodness. Help me Nica! Baka patayin ako nito! Hindi pa 'ko handa. Bumilis na nag bu ilis yung paghinga ko sa kakaiyak. Bakit ako iiyak eh hindi naman gano'n katindi ang atraso ko sa babaeng 'to. Basta isalang ang masasabi ko. TULONG!

"Lyne. Lyne. Okay ka lang Lyne? Ano bang nangyayari sa 'yo?", biglang sabi ni Nica. Grabee siya! Nag-imagine nanaman ba ako? Baka si Nica ang pumasok, akala ko lang na si Anna? Hindi ko siya masagot sa sobrang kaba. Sobrang bilis ng paghinga ko. Hindi ko kinaya yung bilis kaya parang nahilo at nanlambot ako. "Lyne! Ano ba?! Ynah! Elise! Albert! Si Lyne!", naririnig ko na lang na sinisigaw ni Nica pero hindi ko na siya nakikita. Ang labo eh. Hindi ko na rin gets ang nangyayari. Naramdaman ko na lang na biglang dumami yung kamay na humawak sa akin. Anyarey? Bakit gano'n yung feeling? Bawal na ba silang magtanong at parang mamamatay ako?

**************************

Pagkagising ko nasa hospital bed na ako. Nasa left side ko yung tatlong girls. Sila Nica, Ynah, at Elise. Sa right ko naman si Albert, Alfred, at... wait, si Jc ba 'to? Oo, si Jc nga. "Ilaw.", sabi ko. 'Yon pa lang ang sinasabi ko parang BINUBULONG ko lang. "Ano daw?", tanong ni Nica at Elise. "Ilaw!", sigaw ko. "Ayy. Ilaw.", sabi ni Ynah. Pero ni isa sa kanila walang tumatabi para makita ko yung ilaw. "Ilaw!", sabi ko ulit. "Ilaw na please.", sabi ko. Napaiyak nanaman ako. Ano ba ang iyakin ko naman! Pinalayas ni Jc yung dalawang guy sa right ko. Pero pati siya lumabas ng room. Okay lang basta may ilaw. Wala akong paki sa 'yo ngayon. "Lyne. Please lang... tahan na.", sabi ni Nica habang umiiyak na rin siya. "Ano ba kasing nangyari bes'? Bakit bigla ka na lang napaupo kanina sa sahig?", tanong ni Elise. "Pwedeng wala munang tanong-tanong? 'Kita mo naman na umiiyak pa ang dyosa.", sabi naman ni Ynah. Biglang dumating si Tita Issa. Hindi naman ako makagalaw ngayon. Ano bang nangyayari sa 'kin? "Sabi ng doctor masyado daw napabilis yung paghinga niya kanina kaya nahimatay siya. Hindi niya kinaya.", sabi niya sa tatlo. "Pansin ko nga po kaninang hinawakan ko po siya bigla na lang siyang sumisigaw ng hindi ko alam sorry . Tapos grabe po yung iyak niya. Parang masama yung tanong ko sa kaniya.", sabi naman ni Nica. "Ano ba kasing tinanong mo?", tanong ni Ynah kay Nica. "Kamusta ka na bes'. 'Yon lang. Baka nagulat siya noong hinawakan ko siya sa braso.", sagot naman ni Nica. "Baka kasi nagi-imagine siya ng kung sino-sino.", sabi ni Elise. "Wait, baka naman... aliw na si bes'.", sabi bigla ni Ynah. Baka siya ang baliw. Kung ano-ano nanaman iniisip niya. Gusto ko silang sagutin pero hindi talaga ako makagalaw. "Okay ka na ba Lyne?", tanong sa akin ni Tita. Hinwakan niya yung ulo ko. Kinabahan ako, baka sabunutan niya ako or something. Ish! Ano ba 'tong mga naiisip ko? Hindi nalang ako gumalaw. Ever since kasi naalala ko yung ginawa ng squad ni Renzell noong high school kami. Pinabug-bog niya ako 'di ba? Kaya kapag may galit sa akin ang isang tao, natataranta na ako kapag nakita ko sila. I'm sure may galit ai Tita sa 'kin, matapos yung ginawa ni Kuya kagabi. "Okay lang kahit mamaya na kita kausapin. Alam ko naman na kaka-recover mo lang sa nangyari kanina.", sabi ni Tita.

************************

Paglabas namin sa hospital, nakita ko kaagad yung sasakyan namin. Inaalalayan ako ni Nica sa paglakad. Tumakbo si Albert para alalayan din ako sa paglakad. Gano'n na ba kalala yung nangyari sa akin at kulang nalang mapilayan ako sa itsura ko ngayon na may dalawang alalay? Tinitignan lang ako ni Jc na parang may hangover pa sa mga narinig niya. Kakatinginan naming dalawa...'yun na nga...nadulas ako. Walang kuwenta yung mga alalay ko. Nagasgas tuloy yung likod ng legs ko. Naka skirt pamandin ako. Iissshhh! Malas nanaman. Tinanggal ko yung mga kamay na naka hawak sa mga braso ko. Naglakad ako mag-isa papunta sa sasakyan. Napahiya nanaman ako. Anong klaseng araw naman 'to oh?!

Nang hawakan ko yung doorknob, hinawakan din ito ni Jc para buksan ang pinto para sa akin. Napansin ko rin na imbes na yung pinto ang tinitignan niya, ako ang tinitignan niya. Anong problema nito? Tinanggal ko na lang kamay ko, baka mapahiya nanaman ako. Ayaw kong magsalita, baka may masabi ako. Pangatlong malas na 'to this week. Una yung nabuking ako kay Jc. Pangalawa yung nahimatay ako sa kaka-imagine. Pangatlo, nadulas ako habang nakatingin si Jc, may kasama pang gasgas sa legs. Hindi na lang ako umiimik habang pauwi kami. Sino naman ang hindi mananahimik kapag ilang beses nang napahiya?

●●●●●●●●●●●Author's note●●●●●●●●●●●
Hayz. Boring nanaman na chapter. Palibhasa ang boring din ngayon. Ang daming kamalasan at...ish basta! Bast may mgamalas pati story ko damay. Hayz. Di bale magiging parte ng Love story yung himatay-himatay na yan. Soooooooo. Sorry kasi late update nanaman. Para hindi ma late. Alam niyo na. 11:11. Ahahahaha. Thanks po sa patuloy na nagbabasa. Ha! Get ready for the...hindi. basahin niyo na lang yung iba pang ipupublish ku. Hihihihi! Good night! ♥♥♥♥
●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●

My Hawaiian LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon