★Chapter 5: Antay pa more★

25 1 0
                                    

Masarap ang niluto ni Tita Issa para sa lunch. "Wow! This is great.", sabi ni Daddy. "Ay! Salamat po.", sabi naman ni Tita Issa. "Why don't you teach Lyne some recipe.", sabay tingin sa akin si Daddy at Mommy. "Because she doesn't know how to cook.", tuloy niya pa. Napahawak pa ako sa dibdib ko sa sobrang sakit ng sinabi ni Daddy. Like ouch. Paano ako matututo, ayaw ako ni Mommy na tumatambay sa kusina or kumuha ng cullinary. "Grabe ha!", sabi ko sa kanila. "Bakit totoo naman ah.", sabi naman ni Kuya. Talagang hilig nila akong pagtripan. Lalo na pagkasama sila Nica, Ynah, at Elise. "Wala na naman kayo magawa kaya pinagtritripan niyo na naman ako.", sabi ko na lang sa kanila. Hindi naman ako makakabawi. Marami sila eh. "Oh by the way, uuwi na kami ni Daddy mo mamayang gabi. So...", sabi ni Mommy. "So...?", sabi naman ni Kuya.

"So you guys are going to stay here with them."

"Okay?"

"Okay."

Talagang wala akong magagawa. 'Di bale na basta may gagawin ako dito, ok's na ako. Siguro naman may mga malls, movie houses na pwede kong puntahan. Okaya, mangaasar ako ng kapitbahay, mga gano'n. Pero pa'no 'yon? Wala kaming mga kapit bahay. Iilan lang kasi ang bahay, parang bilang na sa daliri mo.

Pagkatapos kumain, nilibot ko pa yung buong bahay. Maayos ang bodega, hindi gaya ng bodega namin sa bahay namin sa Pinas. Maraming gamit ang nakatambak doon gaya ng mga lamesa, upuan, lampshade na pundi ang ilaw, at mga spray paint. Ayaw kong galawin yug mga spray paint, baka kasi mapagtripan ko.;-)

Naaalala ko pa noong bata ako nung ginalaw ko yung mga spray paint ni Kuya noong gumagawa siya ng project niya. Kung saan saan ko ginamit yung mga spray paint, sa pader ng kuwarto ko, sa gate, at sa pinto ng bahay. Namroblema sila Mommy at Daddy. Pero si Kuya hindi niya pa alam hanggang ngayon na ginamit ko yung mga spray paint niya. Wala akong balak sabihin sa kaniya. Diskarte na niya kung paano niya malalaman kung bakit pinatapon nila Mommy yung mga spray paint niya.

Inakyat ko ang malikli at maliit na hagdan sa bodega. Merong pintuan sa dulo nito. Sa labas niya may isang maliit na balkonahe. Kitang-kita yung buong beach. Kakaunti lang ang mga tao sa beach, baka sila yung mga nakatira sa ibang bahay dito. Meron din mga nagsu-surfing. Tinatawanan ko lang yung ibang sumesemplang. Pang aliw lang ba. Iba-iba kasiyungmga reaksyon ng mukha nila. Meron din naman mga magagaling. Dati gusto kong matutunan mag-surf, pero ayaw ko na ngayon. Parang nakakahiya pag ikaw ang natumba habang nagsu-surfing, feeling ko pagtatawanan din ako. Kinuhanan ko ng picture yung view mula dito tapos pinost ko sa FB at tinag sila Nica, Ynah, at Elise.
"Finally in Hawaii. There's really a very nice view from our rooftop. To:Veronica, Georgiena, and Elissa. Wanna come over to Hawaii to see this breath taking beach? :-) ;-) :-P", manginggit lang eh.

From there, pumunta na 'ko sa kuwarto ko para magpahinga. Pagbukas ko ng phone ko, marami na agad ang naglike. Pinakauna ay si Ynah. Sa kaniya kasi hindi uso mag logout, kaya siya ang pinaka updated sa aming lahat. Selfie lord nga rin siya eh. Pero at the same time, SEEN LORD!

*******************

Tinawag ako bigla nila Mommy, kaya bumaba agad ako sa living room. Naghahanada na sila na umalis papuntang airport. Wala silang dalang mga bagahe. Parang balikan lang sila. Sigurado ako na si Mommy ang nagplano na pumunta dito sa Hawaii at umuwi sa Pilipinas kapag nakarating na kami ni Kuya. Si Mommy kasi ang pinaka mahilig sa mga biyahe-biyahe. Oo na lang ng oo si Daddy, kasi pag hindi siya pumayag magagalit si Mommy sa kaniya.

Sinamahan namin sila Mommy Hanggang sa labas ng bahay. "Brad. Brad! Keneth Bradley Dela Rosa! Are you even listening to me?", sigaw ni Mommy. Si Kuya kasi naka-earplugs."Take good care of your self specially your sister.", sabi ni Mommy kay Kuya. "Yes, Mom. Ako na ang bahala sa kaniya. I promise that. Oh and...", habang nakadikit kay Mommy na parang may binubulong si Kuya. "Okay. I'll put it in your...", habang may ginagawang sign si Mommy na parang silang dalawa lang ang nakakaintindi. "Okay. Thanks Mom. Love you take care.", sabi ni Kuya kanila Mommy habang kumakaway. "Alam mo, marunong ako ng sign language. Pero fist time kong makakita ng gano'n. Ano ba 'yon?", tanong ko kay Kuya. Inakbayan niya lang ako. Sabay kaming pumasok ni Kuya. "Ano yung sign na ginagawa ninyo ni Mommy kanina?!", tanong ko kay Kuya. "Wala 'yon. It just means I love yah!", sagot naman niya sa 'kin. "Whatever.", sabi ko na lang sa kaniya.

My Hawaiian LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon