Nagising ako sa sigaw ni Kuya. "Huy! Gising na! Baka ma-late tayo sa flight natin! Angeline. Ano ba? Gising na ready na ang breakfast!", sabi niyang. Pesteng bunganga 'yan! "Oo gising na ako! Madali lang naman ako gumising. Bakit kailangang magwala? Mamaya na 'ko kakain. Alam mo naman na hindi ako lumalabas ng kuwarto ng hindi naliligo 'di ba?", sabi ko naman. "Ok. Basta bilisan mo.", nagtinginan kaming dalawa ng matagal. "Excited ka 'no?", tanong ko. "Oo naman. Mailalayo na 'ko kay Mia eh.", sagot naman niya.
"Okay? Oh ba't nandito ka pa? Labas na para makaligo na ako."
"Okay, okay. Nasa baba na lahat ng dadalhin mo maligo ka na, tapos baba ka na lang. Aantayin kita do'n.", mabilis na naglakad si Kuya palabas ng pinto. Kita? Bakit kita ang sinabi niya? Wala ba sila Mommy at Daddy? Baka pumasok na sila sa office ng maaga? Kailan ba hindi?
Para sa 'kin, 'tong araw na 'to ang pinaka grabe. Akalain mo, kagabi lang sinabi nila Mommy na pupunta ako sa Hawaii,tapos ngayon na agad ang biyahe. Kung ano man ang rason, hindi pa rin ako makapaniwala na two days before graduation day aalis na 'ko. Pero kahit na aalis na 'ko sana makasama pa rin ako sa top. Dibey!
Pagkatapos kong maligo at magbihis, bumaba kaagad ako para kumain at malaman kung bakit KITA ang ginamit ni Kuya na term. Pagkababa ko sa dining room, nakita ko si Kuya na nagiisa lang. Wala sila Mommy at Daddy. Dalawang plato lang ang naka ready para sa amin ni Kuya eh. "Oh, kain na.", sabi sa akin ni Kuya. Hindi ko na itinanong kay Kuya kung bakit wala sila Mommy. Madalas namang ganito ang mga nangyayari eh. Wala sila minsan tuwing breakfast.
Maya-maya lang, may narinig akong nag doorbell. Agad 'tong pinuntahan ni Yaya Liz. Pinapasok niya sa living room sila Nica, Ynah, at Elise. "Hi Lyne! Aba! Parang handang handa ka na ah.", sabi sa 'kin ni Elise. "Oo nga.", singit naman ni Ynah. "Huy grabe kayo. Hindi niyo manlang binati si Kuya Keneth.", sabi naman ni Nica kanila Ynah at Elise. "Ay. Hi Kuya!", masayang bati nila Ynah at Elise kay Kuya. Noong naging friend ko si Elise naging crush niya rin si Kuya kaya minsan nahihiya siya sa kaniya. Pero mula nang malaman ni Kuya na crush siya ni Elise, unti-unti nang nawala ang feelings ni Elise sa kaniya. Malas 'no? Si Elise na sana ang sister-in-law ko ngayon.
"Oh kain. Nagbreakfast na ba kayo?", tanong ni Kuya sa kanila. "Ay, sige lang. Kumain na kami kanina bago pumunta dito.", sagot naman ni Nica. "Ok.", sabi ni Kuya.
Habang naguusap kami nila Nica, may isa pang nagdoorbell. Pumasok sila Ate Mia at ang kapatid niyang si Renzell. Si Renzell ang dahilan kung bakit nagkakilala sina Kuya Brad at Ate Mia. Pero ayaw ni Kuya na nilalapit sa 'kin si Renzell dahil siya rin ang dahilan kung bakit ako nagkaroon ng marka ng tahi sa likod.
Noong mga highschool palang kami, nagkaroon kami ng crush, at dahil close kami ng crush namin, laging nagseselos si Renzell. Kinabukasan bago kami mag-dismissal, pinapunta ako ng squad niya sa isang off limits sa school. Pagdating ko pinagtulungan nila akong bugbugin, mabuti nalang dumating sila Nica, Ynah, at Elise. Nagtawag sila ng guard sa campus kaya napatigil nila kaagad yung squad ni Renzell. Nang pinunta ako sa clinic nakita nila na may mahabang sugat sa likod ko. Agad nila akong binigyan ng first aid at tinawagan sila Mommy. Pinunta nila ako sa ospital kaya do'n na tinahi yung malaking sugat ko sa likod. Ang sabi nila may nakausli daw na bakal kung saan tumama yung likod ko. Muntik na magsampa ng reklamo ang Mommy at Daddy ko. Para masolusyonan ang nangyari, pinalipat ng school si Renzell para mailayo siya sa 'kin.
"Umm... Brad. Your Mom told me that you're going to Hawaii.", sabi ni Ate Mia kay Kuya. "Yes. And who cares? Nobody right?", sarcastic na sagot ni Kuya sabay snob kay Ate. "Umm...I wanted to talk about something with you. It is personal and it should only be the two of us.", hindi makalapit si Ate kasi ang sama ng tingin sa kaniya ni Elise.
"Why don't you tell it now? Why? Are you afraid?"
"Hoy! Kung sinabing personal, personal.", pasigaw na sabi ni Renzell kay Kuya. "Anong hoy? Wow ang kapal nga naman ng mukha 'no. Ang lakas ng loob mong sigawan si Kuya sa sarili niyang bahay. Bakit kasi nangengealam ka ha?", sabi ko kay Renzell. Hinahawakan na ni Nica yung kamay ko dahil baka bigla akong sumugod. "Ikaw nga dapat ang tatanungin ko eh. Bakit ka ba nangengealam?", tanong ni Ate Mia sa 'kin. "Aba. Talaga lang ha. Hoy ikaw. Bakit kasi hindi mo na lang aminin na niloko mo lang si Kuya mula noon.", sabi ko kay Ate Mia.
BINABASA MO ANG
My Hawaiian Love
TeenfikceMatatanggap mo ba na mailayo ka sa mga mahal mo? Eh pa'no kapag nalaman mo na kapag umalis ka, doon mo pala makikilala ang true love mo. Sa lahat ba ng mapagdadaanan ninyo, kakayanin ng mga kaibigan niyo? Let' s try to find out the answers through t...