☆Chapter 21: Bukingan na ba?☆

12 0 0
                                    

"Okay, anong gusto mong gawin?", tanong ko kay Yuyu. "Anything. Basta something fun.", sagot naman niya. "Wait! Fun?", tanong bigla ni Jc. "Yeah!", sabay naming sabi ni Yuyu. "I know, we could go to Waikiki Aquarium!", sabi ni Jc. "Yes! Yes! Yes! Good idea!", sabi naman ni Yuyu. Sabay silang tumingin sa akin as if hindi ako papayag. Syempre, animals, edi papayag ako! "Let's go!", sabi ko. Si Yuyu at Jc sumigaw ng yes. Edi sila na masaya. Umakyat kaagad kami ni Yuyu sa kuwarto ko para makapagbihis. Haang nagre-ready ako, tinanong ko na siya kung anong purpose niya ng pagpunta dito sa Hawaii. "Wala lang. Nabalitaan ko kasi na lumipat na kayo dito.", sagot niya. "Oops! Correction po. Nagbakasyon lang kami dito.", sabi ko naman.

"Sorry naman. Nabalitaan ko kasi na NAGBAKASYON kayo dito kaya pumunta na 'ko kaagad. Nakaka-boring na rin kasi sa Canada. Wala nang bago. Pareparehong mga mukha."

"Aba mukhang memorize mo na yung mga tao do'n ha?"

"Syempe naman. At least ngayon may nakilala akong bago."

"Like?"

Tumayo siya sa may cabinet ng mga sapatos ko. "Gaya ng guy kanina. Ang cute niya kaya. Gusto ko siyang...ligawan.",sagot niya. "Sinong guy?", specific name please. "Yung naka white shirt.", sagot niya. Sino bang naka white shirt kanina? S-si Jc?! "Piling mo! Magkakamatayan muna tayo! Hindi mo siya maliligawan kasi uunahan na kita.", sabi ko. "What? Kayo na ba? Ano ba kasing name niya? Aaaa...Albert pala. Crush mo si Albert?", tanong niya. Napatingin na lang ako kay Yuyu. "Ay. Si Albert ba. Akala ko kasi kung sino na. Sorry. Hindi kami. Oo na. Sayo na siya.", sabi ko na lang. Nakatingin lang naman si yuyu sa akin.

*************************

Ang tagal ng biyahe grabe. Pero maganda yung mga view na nadaanan namin, maslalo na yung beach. Ang problema lang sa view, ang daming bitch! Pwe! Pasalamat sila ako ang nagda-drive. Kasi kung hindi...malay...edi hindi. Pagdating namin, sobra-sobra ang ngiti ni Yuyu. Si Jc naman, chillax lang. Parang Hindi napagod sa tagal ng biyahe papunta dito. Samantalang ako ang init na ng puwet sa sobrang tagal na nakaupo. Pagkabili ko ng ticket namin, halos kaladkarin na 'ko ng dalawang kasama ko. Haay, buti na lang merong Google maps, kun'di nawala na kami kanina pa. Pagpasok palang namin, kontodo selfish-I mean selfie na si Yuyu. Pero walang flash. Bawal daw kasi sa mga fish. Marami making nakita gaya ng sea lion at iba't ibang uri mga isda. Yung ibang nakita namin, nakita ko na sa manila ocean park at ocean adventure sa subic. Yung iba naman nasa paligid lang. Gaya nito. "Huy Yuyu! Tignan mo oh. Kauri mo.", pang-asar ko kay Yuyu. "Ish! 'Wag ka nga. Hindi na 'ko mukhang JANITOR FISH ngayon 'no. Sirena na lang.", sabi naman niya. "Ay oo nga. Hindi na JANITOR FISH. balyena na lang. Bwahahahaha!", sabi ko. Sumimangot siya sabay hampas sa braso ko. Talagang ano 'to. Pero kapagkay Kuya parang wala lang.

Matagal din yung tour namin. Ako ginugutom na, sila hindi pa. Anong kinain nitong mga 'to? Ako halos kainin ko na yung bawat isdang makikita ko pero pinipigilan ko lang sarili ko, baka kasi sabihin nilang frustrated murder. Weeehh! Corni! Palibhasa ni-isa wala pang tumawa sa mga corni jokes ko. Pagkatapos ng last part ng tour, nagutom din yung dalawa. " Lyne, saan tayo kakain?",tanong ni Yuyu. "Uy! Nagutom din kayo sa wakas. Akala ko kasi hindi na kayo kakain.",sabi ko naman. "Huh? Ano bang sinasabi mo?", tanong ni Jc. "Wala. Ang sinasabi ko kayo na lang bahala sa pagkakainan natin kasi ako sinikmura na dito. Tara na nga!", sabi ko sa kanila. Nakalabas na kami ng gate pinagkukuwentuhan parin nila yung mga nakita nila doon. May hangover pa? "Alam ko na kung saan tayo kakain.", biglang sabi ni Jc. "Saan?", sabay naming sinabi ni Yuyu. "Sa Ala moana.", sabi ni Jc. "Sa'n 'yon?", tanong ni Yuyu. "Alam ko 'yon. Mall 'yon 'di ba? Parang 'yon yung pinuntahan namin ni Kuya Brad.", sabi ko naman. "Yes. Doon na lang tayo kumain.", sabi ni Jc. "Okay.", sabi namin ni Yuyu.

Kaso lag pagdating namin sa parking lot, ang daming kotse at parang wala nang parking. " OMG! There's so many jutaw. Like oh my gosh!",sabi ni Yuyu. "Yurie, 'wag mo 'kong ini-english. Gutom ako." Sabi ko naman Kay Yuyu. Kapag minsan kasi lumalala ang pagiging pabebe niya. "You know what, we should look for other restaurants in town. Doon mo na lang iikot yung kotse.", tinuturo ni Jc yung maluwag na space sa may tabi. Pwede na sana 'tong parking kaso lang may nakalagay na No Parking. Okay na sana eh, kaso may gano'n pa. Marami na kaming nadaanang restaurant pero wala pa kaming napili. "How about Ramen Nakamura, in Kalakaua Avenue?", tanong ni Yuyu. "I like ramen.", sabi naman ni Jc. "No. Not a good choice.", sabi ko naman. "Why not?", tanong ni Yuyu. "Kasi...kumain ako ng noodles last time.", sagot ko naman. "Weh? Kailan. Wala namang noodles sa bahay ah.", sabi naman ni Jc. Ish panira. "Basta ayaw ko.", sagot ko na lang. "Ito oh! Hawaiian Cafe & Sushi.", biglang sabi ni Yuyu habang tinuturo yung isang malaking building sa left side namin. "No I don't like sushi.", sabay naming sinabi ni Jc. Kinilig ako ng kaunti. May similarities din pala kami. Aaaayyyy!!! "Alam ko na! Sa Rumfire tayo.", sabi ni Jc. "Okay.", sabi namin ni Yuyu. "Okay na rin.", sabi ko naman.

Grabe, pagdating namin ang dami nang parking. Halos pwede kang mag practice ng driving dito sa sobrang luwag ng parking lot. Hindi ko tuloy alam kung saan magpapark. Syempre ang pinili ko yung sa malapit lang sa entrance. Alangan namang ilayo ko pa 'di ba. Walking distance na lang naman siguro. Paglabas namin ng kotse, mataas na ang araw kaya nag shades ako. Nagulat na lang ako nang biglang may naglagay ng stylish color white na ladies hat sa ulo ko habang naglalakad. Tinignan ko kung sinong naglagay, si Jc pala. "Sa'n galing 'to?", tanong ko Kay Jc. "Ummm...kay...Mama. Pinadala niya sa 'kin baka daw m-masunog ka sa araw.", sagot naman niya. Aray! Akala ko naman concern siya kaya niya 'ko binigyan ng sombrero. "Okay. Thanks.", sabi ko na lang. Habang kami ni Jc ay naglalakad at si Yuyu naman ay halos maka isang album na sa kaka-selfie, pinagtitinginan kaming tatlo. Syempre nagtataka kami ni Jc. Si Yuyu naman selfie lang nang selfie. Pagtingin ni Yuyu sa amin parang gulat na gulat. "Huy! Bakit naman ganiyan ka makatingin?", tanong ko sa kaniya. Ginagalaw niya lang yung hintuturo niya left to right. Hindi ko pa rin ma-gets kaya pinicturan niya KAMI. Nang pinakita niya sa AMIN, lumayo kaagad ako kay Jc. "Alam niyo guys, parang...wait! Kayo ba?!", biglang sigaw ni Yuyu. Hindi NAMIN alam ang isasagot namin. Ni isang salita na nasabi namin kay Yuyu hindi niya naintindihan. "Hay naku! Ang dami mo pang tanong. Kumain na nga lang tayo. Kanina pa ako gutom 'no.", sabi ko nalang. Muntik na 'yon.

Pagdating namin sa Rumfire, medyo marami nang tao. Gusto ko sana sa labas, sa may terrace. Buti nalang, may umalis. Tignan niyo, meant to be KAMI...nung table sa labas. Anong iniisip niyo? Yung two letters ba? Jc ba 'yon? Hindi 'no! Table po ang pinaguusapan hindi Jc! Like haller! Basag na nga ko kanina sa sombrero, siya pa iisipin ko! Habang nag-aantay kami ng pagkain, napag tripan naming mag selfie ni Yuyu. Hanggang nakarating yung camera ko kay...beach muna bago kay...Jc. Hanggang nag-selfie-selfie na rin kami ni Jc. Sobrang saya ko ngayong araw na 'to. Super duper mega ultra saya ko. At least kahit ilang oras lang, naka bonding ko si friendship insan kong si Yuyu at...si crush ko na si Jc. 'Di bale crush lang naman eh.

*************************

Pag-uwi namin sa bahay, naabutan namin na inaalalayan ni Elise at Albert si Kuya na...glog glog. Nakainom. Lagot! Kapag nakita ako nito, iiral nanaman ang pagiging madaldal niya. "Mauna na ako sa taas. Ayaw kong kausap si...Kuya Brad.", sabi ko kay Yuyu at Jc. Dahan-dahan na nga akong umaakyat, nahuli pa ako. "Angeline, my little sister. Hindi mo manlang ba ako sasamahan sa pagkain ng lunch?", sabi niya sa akin. "No Kuya. I'm done eating.", sagot ko naman. "What?! Hindi mo ako inantay.", nakukulitan na ko sa kaniya.

"Kuya, you better go upstairs na. Lasing ka na. Umagang-umaga."

"Uy, nandito pala si future brother- in-law."

Nabigla si Jc sa sinabi ni Kuya. Nilapitan ko si Kuya para hilain pataas ng hagdan. Pero ang bigat niya. Masakit din sa likod. "Inuman tayo bro. Marami pa akong time.", sabi ni Kuya. Paulit-ulit Kong sinasabi kay Kuya na let's go na let's go na, pero wala pa rin. "Ano ba?! Bakit kasi hindi mo nalang ako hayaan.", nagulat ako sa kaniya kaya nabitawan ko yung baraso niya.

"Hindi ba may-"

"-Kuya akyat na."

"Hindi. Ang sinasabi ko may gusto ka kay-"

"-Kuya halika na!"

"Wait lang hindi pa kasi ako tapos. Ang sinasabi ko hindi yung sikreto mo. Ang sinasabi ko, may gusto ka kay Jc."

Natahimik kaming lahat sa sinabi niyang pinaka malaki kong SIKRETO. Tinignan ko si Jc. Naka tingin din siya sa akin. Mabuti nalang wala sila Mommy at Daddy, at sila Tita Issa at Sir Carter. Biglang lumabas si Jc at Albert sa terrace. Dumeretso sila sa baba. Napasandal nalang sa akin si Kuya na tulog. Sa sobrang galit ko, tinulak ko siya kaya bumagsak siya kay Elise at Nica. Syempre naman sinalo nila. Ito na ang pinaka kinakatakutan ko. Yung malaman ni Jc na crush ko siya. Naalala ko tuloy yung sinabi niya na "Hindi ko siya kakausapin, lalapitan, at titignan", yung nagkaka crush sa kaniya. Paulit-ulit na tuloy sa isip ko. Iiiiisssshhhhh!

*************Author's Note***********
Tama lang na ambuking na. Papatagalin ko pa ba? Char! Hinde pero seryoso. Ano kayang next? Hindi na ba talaga pansinan. Kakatapos lang ng ligaya oh! Nyemet! Di bale gagandahan ko na sa next chapter/s. 10:03 na. Matutulog na ko. Maaga pa bukas. Mawawalan pa ng kureyente ng seven. Hayz! Enebenemenyen! Shucks pabebe. Sige n bukas ulit. Muwah! Lab yu! Thanks...good night!!! 11:11 po ulit na wala sanag assignment bukas.
*************************************

My Hawaiian LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon