♥Chapter 17: She's back♥

4 0 0
                                    

Pagkagising ko nasa kuwarto na ako. Ba't ang linis? Wala yung tatlong baliw. At, himala! Nasa kama ko ako! Wahahaha! I'm back! Pero bakit gano'n? Paano 'ko napunta dito? Ang naaalala ko lang kasi, kausap ko si Jc sa restaurant at sinabi ko na ako taya sa inumin namin. An'yari?

Biglang pumasok sila Ynah, Elise, at Nica. "Sa wakas gising na si Princess Angeline. Ga'no katagal ang paghihintay natin sa kaniya?", sabi ni Nica. "Ten hours na siyang tulog 'no.", sagot naman ni Ynah. "Anong problema niyo?", tanong ko sa kanila. "Ano ka ba? Super lasing ka kaya kagabi. Halos magwala nga kayong dalawa ni Jc eh.", sabi ni Elise. "Oo nga. Ano ba kasing pinagusapan niyo? Bakit parang ang close niyo kagabi? May something na ba sa pagitan ninyo?", tanong ni Ynah. "Girls. Masakit ulo ko. Kaya pwede ba?", sabi ko naman sa kanila.
Lumabas naman silang lahat sa kuwarto nang tahimik. Bago 'to ah. Kaya pala nilang gawin 'yon?

Inaalala ko yung mga nangyari kagabi. Ibalik mo please. Ibalik mo! 'Yun na nga. Marami kaming pinagusapan tungkol kay Anna. Merong sad moments, meron din happy moments. Sinabi sa akin ni Jc na ano...

Flashback

"I want you to help me.", sabi niya. "Tulungan saan?", tanong ko naman. "Tulungan mo akong makabalik kay Anna.", sagot niya.

End of flashback

Pero 'yun na nga nawala na. Hindi ko na naalala. Ano ba naman 'yan?! Nakaka-inis! Bakit ngayon pa? Baka ano na yung mga nasabi ko. Issshhh! Panira ng buhay 'tong hangover na ito! Baka sumobra na naman yung bunganga ko. Aaayyyyy! Issshhhh!

Naligo kaagad ako para umayos ang amoy ko. Parang amoy something kasi ako. Alam niyo na.Pagbaba ko, nandoon sila Kuya sa Terrace kasama niya yung dalawang unggoy. Mukhang masaya naman siya. At least kahit papaano. Nasalubong ko rin si JC0c sa kusina. Parang wala lang sa kaniya. Syempre lalaki, kaya niyang malampasan ang hangover. "Can you remember what happened last night?", tanong ko sa kaniya. Wala man oang good morning or hello? "No. Why? Can you?", sabi niya naman sa akin. "No.", sagot ko naman. "Just remember our deal okay.", sabi niya. "What deal? Oh okay.", nag okay nalang ako kasi hinawakan niya ulo niya. Baka ma beast mode siya sa akin. "Thanks!", sabi niya naman. Hinawakan niya pa 'ko sa pisngi. Waaahhhhhh!

"Let's eat guys!", sigaw ni Tita Issa. Pumasok naman agad sila Kuya galing sa terrace. Umupo pa rin kami sa original seats namin. Hindi pa rin namamansin si Kuya. Hindi na rin sila nakikipag unahan sa akin sa pagkuha ng pagkain. Edi tampo pa more. Dinamay niya pa sila Kuya Vin at Kuya Jet. Okay lang. Nandiyan naman sila Nica eh. Never silang kumampi kay Kuya. Except lang do'n sa issue namin nila Renzell noong high school.

Pagkatapos namin kumain nila Nica, bumaba na kami sa restaurant. Eksaktong pagbaba namin, kakarating naman ni Andrea at Wendell. "Mornin' guys. Hey! Okay ka na ba?", sabi ni Andrea sa akin. "Okay na. Medyo masakit pa ang ulo.", sagot ko naman. "What happened last night?", tanong ni Wendell sa akin. "Nothing. Did I did something that's not good.", sabi ko naman sa kaniya. "I don't know. Sorry.", sagot naman niya. "Thanks.", sabi ko na lang. Bakit ba hindi nila alam? Ish! Sino kayang pwedeng tanungin kung ano talagang nangyari kagabi. Baka meron naman sigurong may alam kahit kaunti. "Hindi mo ba talaga alam kung anong nangyari kagabi?", tanong ko kay Nica. "Ang alam ko lang may pinagusapan kayo tungkol sa... love. Tapos si Anna ba 'yon, pinagusapan niyo rin siya.", sagot naman ni Nica. "Sure ka? 'Yon lang ba talaga?"

"Oo naman. Bakit nga pala interesado ka? Wait, may nangyari ba sa inyo?!"

"Sira! Wala kaya! Kaya nga nagtatanong 'di ba."

"Sorry. Just making sure."

Iniwan ko muna si Nica. Kung ano-ano kasi ang sinasabi. Baka itsismis na naman ako kanila Ynah. Mamaya maniwala yung dalawang baliw sa kaniya. Biglang pumasok sa restaurant si Jc. Basa yung hair niya, tapos hinihimas-himas niya 'to palikod. Grabe ang guwapo niya. Palapit siya ng palapit sa akin. Natataranta tuloy ako. "Hey! Lyne!", sabi niya. Naglalakad ako paatras pero sinusundan niya pa rin ako. "Hi! Ouch!", tumama lang naman ako sa isang upuan. Ano ba? Ang laki kasing harang. "Are you okay?", sabi niya. "Yes I'm... I'm okay. Ouch!", tumama naman ako ngayon sa bar. Naipagilid yung paa ko. Superduper sakit kaya. "Here let me help you.", hinawakan niya ko sa braso tapos sinampay niya ito sa balikat niya. Emagawd! Pinaupo niya ako sa malapit na upuan. "Sa'n ang masakit?", tanong niya. Tinanggal niya yung sapatos ko tapos hinilot niya. Kilig much! Pagkatapos sinuot niya ulit sa akin ang sapatos ko. Sabay titig sa akin. Syempre nginitian ko rin. Ang sweet nga naman talaga oh. Sana akin ka na lang. Desperada mo talaga! Patayin kita eh!

Merong kapansin-pansin na babaeng naka red na pumasok sa restaurant. "Hey! Jc!", sigaw ni lady in red 2. Kahit pinagtitinginan na siya, hindi pa rin siya nahihiya. Biglang napatayo si Jc. Mabilis na lumapit si Jc do'n sa girl. Lumabas sila ni Jc ng restaurant. "Sino 'yon?", tanong ni Ynah. "Hindi ko alam. Pero parang familiar.", sagot ko naman. "Hindi ba siya nahiya sa ginawa niya kanina. Lyne hiritan mo nga. Hiritan mo nga ng karate para matauhan at magkaroon ng kaunting hiya.", sabi ni Elise. "Wait!", sabi ko. "Bakit? Hindi naman kami tumatakbo.", biglang sabi ni Ynah. "Sira! Corny mo! Ang sinasabi ko, siya yung babaeng nakikipag-titigan kay Kuya sa mall noong kumakain kami.", sabi ko. "Gano'n na ba siya kayabang. Kakakita ko lang sa kaniya ngayon, dinis-appoint na kaagad ako. Maganda pa man din siya.", sabi naman ni Elise. 'Pero ang tanong. Sino siya?", sabi ulit ni Ynah. Bakit ba super interesado nitong babaeng 'to? Ako rin kaya don't you know? "She's Anna.", biglang sumulpot si Margo. "How...how did you know that we're talking about them?", tanong ko sa kaniya. "Ynah asked me.", sagot naman niya. Tinignan namin si Ynah. Lokaret talaga 'to!

♡♡♡♡♡♡♡Author's Note♡♡♡♡♡♡♡♡
Sorry late update again. Gumawa pa 'ko ng project. Hayz gusto ko na magbakasyon para matapos na 'to! Hindi na 'ko makapag hintay. Dumagdag pa kasi yung Anna na yan. Pero wag ka. Baka siya ang next na way para maging...alam niyo na...sila Jc at Lyne. Shucks spoiler! Hinde joke lang yon. Basta basahin niyo lang. Thnks!
♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡

My Hawaiian LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon