♥Chapter 10: KALOKOHAN NILA KUYA♥

11 0 0
                                    

Pinapanood ko lang sila Kuya habang tumutugtog. Siguro napagod na sila kaya bigla silang nagsiupo doon sa isang couch na mahaba sa tabi ng pintuan. Si Kuya Brad gusto pa ng take two. Ang dami niya na ngang take hindi pa nakuntento. "Lyne! Halika! Kanta ka nga. Ako magpa-piano. Bilis!", sabi niya sa 'kin. "Hala! Anong kakantahin ko? Hindi ko alam kumanta. Pangit boses ko. Basag.", sabi ko naman sa kaniya. Nagtawanan sila Kuya Vin at Kuya Jet sa sinabi ko kay Kuya Brad. "Sige na. Kantahan mo naman kami ni Jet.", sabi naman ni Kuya Vin. "Oo nga. Hindi pa kita narinig na kumanta.", sabi naman ni Kuya Jet. "Sige na nga. Isa lang ha?", sabi ko. "Bahala na. Ipush mo lang iyan.", sabi naman ni Kuya Jet. Tumayo ako sa tabi ni Kuya sa piano. "Kantahin mo Yung favorite song natin ha.", sabi ni Kuya Brad. Favorite song namin ni Kuya Brad yung "Like I'm gonna Lose You". Hindi ko alam kung bakit. Basta gusto lang namin. Gustong-gusto ni Kuya yung part na "I'm gonna hold you, like I'm saying goodbye." Masyado kasing dreamy si Kuya. 'Yon din ang kinakanta niya kapag kasama niya si Ate Mia. Kahit matagal nang sila, parang palagi pa rin nililigawan ni Kuya si Ate Mia. Nakakainis nga eh. Minahal siya talaga ni Kuya tapos gagano'nin lang siya. Pwe! Sa part ni John Legend, sinabayan ako ni Kuya sa pagkanata. Hanggang matapos yung kanta nagdu-duet kami.

"Wow! Magaling ka pala kumanta eh. Isa pa!", biglang sabi ni Kuya Jet. "Oo nga isa pa.", sunod naman ni Kuya Vin. Ayaw ko na sana, kaso lang pinipilit nila. Sumisigaw pa sila ng "isa pa" as if may talent fee ako sa pinapagawa nila sa akin. "Kantahin mo nga yung Stitches. Last na 'to promise.", sabi sa 'kin ni Kuya Brad. Nag-duet ulit kami. Sa last chorus sumabay na sila Kuya Vin at Kuya Jet. Hiyang-hiya naman ako sa mga boses niyo! Gustong-gusto ko yung ginagawa nilang tatlo na blending ng voice. Ako ang may pinakamataas na boses sa aming lahat. Namana ko yata ito kay Mommy. Si Mommy kasi lapag nagalit, parang ibon. Ako, dinadaan ko na lang sa kanta yung taas ng boses ko. Si Kuya Vin ang may pinakamababang boses. Ang cute niya pala kapag hindi rock songs ang kinakanta niya. Huy! Ang tanda na niyan!

Sa sobrang tagal namin sa baba, hindi namin napansin na dumating na pala yung Tita ko na Dentist, si Tita Katherine. Kapatid siya ni Mommy. Siya ang naglagay ng braces ko bago siya pumunta dito. Oo naka-braces ako. Kaya kapag sinuot ko na yung glasses ko, mukha na 'kong nerd. Tuwing gano'n nga ang itsura ko, ang tawag nila sa 'kin "dyosa ng mga nerd". At least maganda pa rin. Echosera! Dito na tumira si Tita. Dito na kasi siya nagtatrabaho. Sana makasama namin siya dito sa Hawaii. Siya ang pangalawa sa kanilang magkakapatid. Si Mommy ang bunso. Wala pa rin siyang asawa hanggang ngayon. Choosy kasi sa lalake. Sabi naman niya walang basagan ng trip. "Hi Tita!", sigaw ko habang papunta kami sa living room. Tumakbo ako papunta kay Tita Kate para yakapin siya. "Hey baby girl! How are you? You are not a baby anymore.", sabi niya habang yakap yakap niya ako. Nagtawan sila Kuya sa sinabi ni Tita Kate. "Tita what's up?", sabi ni Kuya Brad. "Oh Keneth. Maliit ka lang no'n. Anong nangyari ha? Bakit bigla kang lumaki?", tanong ni Tita Kate kay Kuya Brad. Nagtinginan kami nila Kuya Vin at Jet sabay tawa. Si Kuya naman nakatingin lang sa amin. "Well Tita. Mature na rin ako.", sagot naman ni Kuya Brad. "Weh? Di nga?", sabay naming sinabi ni Tita Kate kay Kuya Brad. "Tita? Hanggang ngayon ba hindi ka pa rin naniniwala.", sabi naman ni Kuya. Tumawa lang naman si Tita.

Hindi ko alam kung anong meron, kaya tinanong ko na lang siya. "Tita. Anong meron?", tanong ko. "We're just going to change your braces to retainer. Dapat nga noong isang araw pa 'yan papalitan kaso lang ang dami ko kasing appointment. Hindi na ako nakapunta dito.", sagot naman ni Tita.

"So... saan po tayo?"

"Pwede ba sa bedroom mo?"

"Sige po."

Umakyat kami ni Tita Kate sa kuwarto. Hindi ko alam na nakasunod pala yung tatlong unggoy. Alam ko na pagnakanganga na ako, pagtatawanan na nila ako. Promise. Gusto ko sana isara yung pintuan kaso lang nakapasok na sila bago ko pa lang isara. Pinahiga ako ni Tita sa kama. Napakataas ng unan ko. Pinagpatong patong ni Tita yung apat na unan ko sa kama. Ang sakit na tuloy ng likod ko. "Okay Lyne. Say aaaa.", sabi ni Tita. Ngumanga ako syempre. Siya namang tawa nila Kuya. Sabi ko nga, tatawanan nila ako. Pero pinagalitan sila ni Tita Kate. "Shhhhh! Huwag kayong maingay. Kung gusto niya doon kayo sa labas. I need concentration. Kapag nasaktan itong kapatid mo Brad kasalanan mo. Ha?", sabi ni Tita sa kanila. "Sorry Tita.", sabi naman nila. Hah! Buti nga sa kaniya. Napagalitan siya. Epal kasi.

Inuunti-unti ni Tita magtanggal ng kung ano mang tinatanggal niya. Halos manigas ako sa nerbiyos sa anumang pwedeng mangyari sa akin. Hay, masyado lang siguro akong trying hard. Buti na lang relaks lang si Tita. Unti-unting nawawala yung nerbiyos ko. Matagal ang proseso kaya inabot kami ng dilim. Anong oras na rin naman kaming umakyat eh. Pagkatapos namin, parang wala nangyari. Habang nagaayos si Tita ng mga ginamit, nakatulog ako. Nakaka stress din 'no. Kahit hindi ako ang gumawa. Hindi ko rin napansin na nakatulog ako. Masyado kasing tahimik eh. Kahit sa mga classes ko, aantukin ako kapag sobrang tahimik. Ilang gabi na rin kasi akong hindi makatulog sa sobrang homesick eh.

***********************

Pagkagising ko, nasa bedside table ko na yung dinner ko. Merong iniwan na note si Tita na nakadikit sa baso ng tubig. Ang sabi "Don't forget to smile :)♥." Natuwa ako sa sinabi ni Tita Kate. Sayang lang, hindi ko siya naabutang umlis. Nakapagpaalam pa sana ako. Cream of mushroom soup ang dinner ko. Hindi pa daw kasi ako pwedeng kumain ng mga foods na alam niyo na. Masakit din kasi sa ngipin, lalo na sa gilagid. Dahan dahan akong humuhigop dahil sa sakit ng ngipin ko. Lasang b'lue yung tubig ko. Flavored lychee ba. Parang back to Philippines lang ang peg.

Ako na ang nagbaba ng mga pinagkainan ko para magising naman yung kaluluwa ko. Wala nang ibang tao sa baba, si Tita Issa lang. Tahimik na ang bahay. Wala na yung tatlong unggoy na maingay. Sa wakas nakatulog na yung mga mokong na iyon. Sinalubong ako ni Tita Issa para kunin yung tray na buhat-buhat ko. "Gising ka na pala. Akin na 'yan ako na lang diyan.", sabi niya sa akin. "Thanks Tita. Ano pong nangyari kanina noong nakatulog ako? Parang bigla pong tumahimik yung bahay.", sabi ko naman. "Ay! 'Yun, namasyal yung tatlong Kuya mo sa beach kanina. Pag-uwi nila naghiwa-hilay sila. Yung isa umakyat, yung dalawa bumaba. Tulog na siguro sila.", sagot ni Tita.

"Hay! Buti naman. Napagod din sila. Kanina pa po kasi nila ako inaasar eh."

"Gano'n ba? Syempre magbabarkada eh."

"Oo nga po. Sige po good night."

"Good night din."

Umakayat na ako sa kuwarto para for the last time, matapos ko na yung minions. Kanina ko pa kaya gustong tapusin. Istorbo lang talaga sila Kuya. Tulog ako ng tulog ngayong araw na 'to. Baka bukas may bilbil na ako. Papatayin ako ni Mommy.

+++++++++++++Author's Note+++++++++++
Sorry po late update. Boring nanaman. Wala pa akong maisip na iba. Ayaw ko naman kasi kayong mabitin. Kahit papaano connected pa rin naman eh. At least nalaman niyo na mukha siyang nerd. Pero maganda po siya pramis! Wala po akong assignment ngayon. Makakarating tayo don! Wooohhh party party! Next chapter na po...:-)
++++++++++++++++++++++++++++++++++++

My Hawaiian LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon