♥Chapter 27: Paris thingy!!!♥

8 0 0
                                    

Pinapasok ng mga guard ang isang babae na maganda, maputi, matangkad, at naka black dress na parang pupunta sa opisina. Meron siyang kasamang lalaki na naka eyeglass, matangkad, brown hair, at naka black din na americana. Nakipag shake hands si Mommy sa dalawang bisita. Nagbigay naman ng merienda si Tita Issa. Tumayo sila sa may likod namin sa sofa. Kaharap namin yumg dalawa naming bisita. Si Mommy nasa gitna. "Good afternoon Mrs. Dela Rosa. We are from a recording studio from Paris. I am Adalene and my assistant Paschale. We were assigned to look for this lady in this video.", pinakita ni Adalene ang isang video sa Ipad niya kay Mommy. Sumilip si Kuya. "Wait! That's me and Angeline!", sabi ni Kuya. Narinig ko nanaman ang pangalan ko kaya sumilip na rin ako. " C'est moi! (That's me!)", sabi ko nang makita ko ang sarili ko sa video. Naaalala ko 'to. Ito yung noong nandito sila Kuya Mervin, 'di ba pinakanta ako ni Kuya ng Stiches at Like I'm Gonna Lose You. Siya pa nga ang nag piano 'di ba. Baka sila Kuya Mervin amg kumuha ng video. "Why are you looking for me?", tanpng ko kay Adalene. "Because our team is looking for another singer. But we need a proof that you're really the girl in this video.", sagot niya.

Bumaba kaminglima sa music room. Umupo si Mommy, Adalene, at Paschale sa couch na kahrap ay ang grand piano. Si Kuya ulit ang nag piano of course. Ako, kinanta ko ulit yung kinanta ko sa video na Like I'm gonna lose you. Pero hindi na ako sinabayan ni Kuya. Magisa akong kumanta. Kinakabahan ako sa tingin ng dalawang bisita. Para bang kapag hindi mo ginawa ng maayos, dederetso ka sa libingan mo ng buhay. Si Mommy naka ngiti lang. Lalo akong kinakabahan sa tingin ni Kuya. Parang sonasabi niya na kasalanan mo 'to, nangangawit na ako dito. Parang gano'n.

Pagkatapos kong kumanta, yung tunog ng palakpakan nila parang hindi lang tatlo. Parang sangkatutak ba. Lumingon ako sa terrace, nandoon pala sila Nica, Elise, Ynah, Albert, Margo, at Jc. Bumalik kaming LAHAT sa living room. Kami nila Mommy at Kuya nakaupo. Sila Nica nakatayo sa likod namin. Ano 'to class picture? "Mrs. Dela Rosa, now that your daughter had prooven that she is the girl on this video, our group would like to ask if you would let us take your child with us in Paris. Our group leader would like to meet her and he would like her to have some covers of songs.", sabi ni Adalene. "And it says here that she needs to go to Paris tonight.", sabi naman ni Paschale. "Immidiately?!", tanong ni Mommy. "Yes immidiately.", sagot naman nilang dalawa. Finally! Makakarating na ako sa Paris. Lahat ng gusto kong kasama sa Paris nakapunta na. Sila Mommy at Daddy nagpunta sa paris noon noon noong valentines. Sila Nica, Elise, at Ynah naman nagpunta sa Paris noong birthday ni Ynah. Kasama dapat ako kaso lang nagkasakit ako. Peste talaga ang mga lamok. Na dengue lang naman ako sa bahay nila Renzell. Palibhasa peste rin naman ang nakatira. Hindi, joke lang. Hindi siya peste. Salot lang!

"But se only need hed and one person to be with her in Paris for three days.", sabi ni Adalene. Weh? Dalawa lang kami? Grabe siya. Ang damot naman sa slots. Parang no vacancy. "She may choose one from her friends who never tried to go to Paris.", sabi naman ni Paschale. Sinong pipiliin ko? Yung tatlo nakapunta na. "Sinong hindi pa nakapunta sa inyo sa Paris?", tanong ko kanila Jc, Albert, at Margo. Tinuturo nilang lahat si Jc. Si Jc naman ibinababa ang mga kamay nila. Pagkababa ng kamay nila, merong binulong si Albert kay Jc tapos vice versa. "Sige. Si Jc na lang.", sabi ko. "See! I told you!", sabi nila Albert kay Jc. "No, I'm okay.", sabi naman ni Jc. "Hay naku! Pabebe pa more! Sama ka na. Minsan lang kayo magkakasama na kayong dalawa lang. Baka doon mo na gawin yung first...", sabi ni Ynah kay Jc. Tinitigan siya ni Jc. "Anong first?", tanong ko naman. "Ummm... first... first... first picture in Paris. Yung #firstpictureinparis.", sagot naman ni Ynah. What does that mean? Nilapitan ko si Ynah. Alam ko kasi 'to kapag nagsisinungaling. 'Yun bang hindi makatingin sa 'yo. Tinitigan ko siya pero hindi siya maktingin sa akin. Alam ko may tinatago 'to sa akin. Baka lang.

"Okay. I have choosen one person who will be with me in Paris.", tumingin ako kanila Adalene. "Jc will come with me.", sinabi ko sa kanila. Kinabahan ako do'n kasi nag iba ang itsura ni Tita Issa. Inhale exhale. "Okay then. We should start preparing.", sabi ni Paschale. "We will be back after three hours. You should be ready by one p.m. okay?", sabi ni Adalene. Hindi ko alam kung bakit biglang nagtakbuhan sila Nica, Elise, at Ynah sa kuwarto ko at si Albert at Margo naman sa kuwarto ni Jc. Parang maysapi yung lima ngayon. Hay naku! Basta! I'm going to Paris!

Pagpasok ko ng kuwarto, nakita ko na naglalabas ng damit ko si Elise from the walk-in closet. Si Ynah naman pumipila sa mga damit. Si Nica naman ang nag aayos ng mga damit sa dalawang purple polka dots na maleta. "Lyne, anong mas maganda? Itong mahaba o maikli?", tanong ni Ynah. "Eh, pareho lang naman sila ng kulay eh. Ilagay mo na 'yang dalawa.", sagot ko naman. Baliw talaga 'to haba lang nan ang pagpipiliian sa dalwang skirt na red eh. "Lyne!", biglang sigaw ni Elise sa loob ng walk-in closet. Napatingin kaming tatlo sa kaniya. "Wala kang coat na maganda.", sabi niya paglabas. "Hayaan mo na bibili na lang ako. Basta maglagay na lang kayo ng stockings diyan. Nandoon sa pangatlong drawer yung white, grey, black, skin tone, purple, at red na stockings.", sabi ko.
"Saan dito?"
"Yung pangatlong drawer sa ilalim ng mga naka hanger na dress."

Busy silang lahat, ako lang hindi. Nakaupo lang ako sa couch nag lalaro ng phone. Bakit kaya sila ang nag aabala sa pag aayos ng gamit ko? Ay! Oo nga pala! Birthday ko na sa April two. Edi wow. Dalawang araw pa. Excited 'tong mga 'to. Nakalimutan ko yung birthday ko sa sobrang excited sa biglaang Paris.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 27, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Hawaiian LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon