♥Chapter 14: Result♥

5 0 0
                                    

Pumunta kami sa grocery store na malapit lang sa amin. Doon kami bumili ng mga kailangan namin ngayon sa restaurant. Pagdating namin do'n, eksaktong kakarating lang din nila Jc at Albert. Hindi na sumama si Margo at Alfred. Sila kasi ang magbabantay sa restaurant habanag wala kami. Hindi rin sumama sila Kuya. Nagtatampo pa rin. Tinamaan siguro siya sa mga nasabi ko. Nagumpisa nanaman ako ng gulo.

Sa dami ng nabili namin nakatatlong cart kami. Tig-iisa kami nila Jc at Albert. Sila Andrea at Tita ang kumukuha ng mga kailanagan sa restaurant. Iniwan ko saglit sila Albert pero sumama si Jc. Kinuha niya yung box na dala-dala ni Tita. Ang sweet naman! Nakaka-in love. Joking po! Pagbalik namin sa mga cart, ang hinawakan na cart ni Jc ay yung cart ko. Sakto pang sabay kaming humawak sa handle ng cart. Nabigla ako kasi nahawakan niya yung kamay ko. My goodness! "Oh. Sorry.", sabi niya sa akin. "It's okay.", sagot ko naman sa kaniya. "Akala ko kasi cart ko.", sabi niya pa. "Oo. Okay lang.", waaahhhh! Ang cute ng smile niya. Hindi mo naman na kailangan mag-sorry eh. Nahawakan mo naman yung kamay ko. Hihihi. Ish! What am I talking about?

Maya-maya lang tinawagan ako ni Nica. "Hey! What's up?", sabi ko sa kaniya. "What's up? Asa'n ka?", tanong niya sa 'kin. "Hawaii of course. Sira ka ba? O nananaginip ka lang?", sagot ko naman. "Huy! Bakit mo siya tinawagan?", sabi ng isang babae sa phone. "Hello Nica. Sino 'yon?", tanong ko kay Nica. Pinatay lang niya yung phone. Wala man lang goodbye or something. Baka nagi-imagine na naman siya. "Are we done yet?", tanong ko kanila Tita. "Tapos na. Sa cashier na lang. Tara!", sagot naman ni Tita. "Mom, I'll be waiting for you outside.", sabi ni Jc kay Tita Issa. Grabe! Siya lang aantayin mo. Ako hindi. Ano 'to? Bakit ba ako nangingialam? Antayin mo kung sinong gusto mong antayin. Push mo lang 'yan.

Ayaw ko nang banggitin ang price ng binayaran namin. Masyadong malaki. Napanga-nga na lang kami sa price ng mga pinamili namin. Kung sa akin lang lahat ng pinamili namin, hindi pagkain ang bibilhin ko, damit. Sa binayaran namin mukhang more than 20 clothes na ang nabili ko.

**************************

Pagkauwi namin, wala pa rin tao sa bahay pero meron sa restaurant. Nagre-ready na sila para sa opening. "Lyne. This is Chef Maikee Salcedo.", sabi ni Tita Issa sa akin. "Nice meeting you po.", sabi ko naman kay Chef. "Nice meeting you rin. Hindi ba noong isang araw pa kayo dumating? Bakit ngayon lang kayo pumunta dito?", tanong ni Chef sa akin. "Ay. Hindi ko po kasi alam na meron palang restaurant dito. Kahapon ko lang po nakita. Ngayon lang po ako pumasok.", sagot ko naman.

"Oh! Well then, welcome."

"Thank you po."

Nag-shake hands din kami syempre. "Boys! You may put those in the kitchen. Faster!", sabi ni Chef kay Jc at Albert. "We better hurry up.", sabi naman ni Andrea. "Yup. I'll help you fix the chairs.", sabi ko naman. Mas mabilis kasi yung gawain kapag tulong-tulong. Nex nemen Lyne!

Habbang nag-aayos kami, meron nang nag-aantay na mga customers sa labas. "Oh no!", sigaw ni Andrea. "Bakit? Anong meron?", tanong ko naman. "Hindi pa kasi nailabas yung mga pic-nic tables para sa mga customers sa labas.", sagot naman niya. Napahawak na siya sa ulo, mukha, at kamay niya. "Alam mo, masyado ka lang natataranta. Umupo ka na lang muna. Kami na ang bahala diyan. Chill ka lang.", pinunta ko si Andrea sa isang couch para paupuin. "Pero Lyne-"

"Shhh! Just sit there. Walang tatayo. Ang tatayo...tatayo."

"Huh?"

"Basta diyan ka lang."

Bakit ko siya pinaupo? Wala akong kasamang magbubuhat. Sira ulo din talaga naman ako minsan oh! Tama na nga. Hinanap ko kaagad si Alfred. Magpapatulong sana ako sa mga pic-nic tables. "Hey! Dude!", sabi ko sa kaniya noong nakita ko siya sa stock room. Grabe FC lang? Dude daw oh! "Yes? Any prob?", sabi naman ni Alfred. "Can you do me a favor?"

My Hawaiian LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon