Chapter 6 Meet his dog

19 2 0
                                    

Dedicated to: francisco_janna12 hi (kaway kaway) sayo ko idini dedicate dahil sa pag follow mo alam mo na sa cp lang kaya ganyan lang yung dedicated any way thanks sa pag follow mo

Tricia's POV

“okay class, hihintayin ko sa friday lahat ng project niyo. That's all for today. Goodbye class” sabi ng science teacher namin.

Nyek! One week lang ang oras ng pag gawa ng project namin! Mahirap para sakin ang gumawa ng parallel circuit no. Hindi naman ako taga meralco para gumawa ng kuryente kuryente na yan.

Oy friend partner tayo!

Oy sino partner mo sa project?

May partner ka na?

Iyan lang naman ang maiingay kong kaklase. Pwede kasing may partner, pwede ding wala. Ako? Wala solo kong gagawin yung project, eh sa wala akong friend eh, bakit ba.

Ay! Oo nga pala, vacant namin sa next subject, kaya kakain na lang muna ko tsaka mag hahanap ng matatambayan. Nagsimula na akong mag lakad, papunta sa canteen.

Ang haba pala ng pila dito, mag be-burger na nga lang ako. Mula dito sa tapsilogan, lumipat ako ng pila papuntang burgeran, ang haba kasi ng pila, baka di pa ko makakain eh, di pa naman ako nag aalmusal.

Pagkatapos kong bumili ng burger at orange juice, naisipan kong tumambay sa likod uli ng lumang library. Feeling ko kasi talaga kapag nandoon ako, normal na tao ako. Hindi ako naiilang o nahihiya kapag, nandoon ako, haha ano ba naman tong naiisip ko, malamang walang tao alangan namang mailang o mahiya akong mag isa haha.

*Splash*

Na-nako po! Sa sobrang lutang ko, hindi ko na napansin na may tao pala sa dinadaanan ko. “oh no! Tiffany! Basang basa ng orange juice iyang uniform mo!” sabi nung babaeng katabi ng nabangga ko. Wait! Siya yung nag lagay ng icing sa mukha ko last time ah, so Tiffany pala name niya.

“oh my goooood! This is your fault. How dare you! Sino ka para tapunan ako ng orange juice huh?” nanggagalaiti niyang sabi.

“s-sorr-”

*Slap*

di ko na natapos pa ang sasabihin ko na paghingi sana ng tawad nang walang pag alinlangang sinampal niya ko kaya hindi ko na napigilang umiyak eh ang sakit sakit eh. Eh kung maka sampal naman kasi wagas parang wala ng bukas.

Nakita kong sasampalin na naman niya ko, kaya inihanda ko na ang aking pisngi at pumikit. Pero bakit parang ang tagal? Hindi naman sa gusto kong masampal, nagtataka lang talaga ko. Lumipas ang ilang segundo, wala parin akong naramdaman, ni pitik wala, kaya naisipan ko nang dumilat.

(O–O) di yan si baymax ako yan as in malaki mata syempre kaya lumaki dahil nagulat ako alangan namang ngumiti ka nang malaki mata o kaya umiyak ka nang malaki mata diba?

Nagulat ako, dahil nakita kong hawak ni Nathan ang wrist arm nung Tiffany na sumampal sa akin. “N-Nathan! Wag kang mag alala, ayos lang ako, it's her fault, kaya ako natapunan ng orange juice!“ pag susumbong niya kay Nathan.

“hindi mo ba nakita, umiiyak na siya!?” pinagtatanggol niya ba ko? “so, pinatatanggol mo siya!?” haha tinanong niya din “eh kung sabihin kong oo? May magagawa ka ba?” this time, mahinahon niya nang sinabi.

Matagal bago siyang muling nag salita “......So pinagtatanggol mo nga siya!? Yang stupid nerd na yan!?” sabi niya sabay turo pa sakin. Makaturo naman kulang na lang itusok niya sa mata ko yung daliri niyang may mahabang kuko.

Diary ng feeling abnormalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon