Dedicated to: khuletzx_rea16
Thank you sa pag follow mo! Sana binabasa mo to! ^_^
Sa cp lang gawa kaya ganyan ung dedicate.--------------------
Tricia's POV
Nandito ko ngayon sa school break time nga pala namin. Nung gabi na ayaw akong paalisin ni Niel, umalis ako nung nakatulog na siya.
Haaay hangang ngayong araw na nga lang pala ang huling araw ng paggawa namin ng project sa science yung parallel circuit.
Hanggang ngayon wala pa rin akong gawang project, eh kasi naman di ko alam kung saan mag sisimula at saka ang dami ko kayang ginagawa.
Parang biglang may kumalabit sakin.
"hi!"
"aaaah! Yaaaah!" di ko sinasadyang mapasigaw at manipa.
"ouch! Aw" nagulat ako nang malaman ko na si Lance pala yun.
"so-sorry di ko sinasadya" nakayuko kong sabi.
"o...ok lang, ako naman ang may kasalanan, kaya wala ka dapat ipag sorry" haaay ang gentle man talaga ni Lance.
"ahm gusto mo bang sumama para mag lunch?" tanong naman niya sakin.
"ah hindi na siguro may baon na din naman akong pagkain" pag tanggi ko.
"sige na please kahit ngayon lang. Wala lang talaga kong kasama ngayon" haaay papayag ba ko? Mabait naman kasi talaga si Lance kaso baka pag tinginan pa ko ng mga tao pag kasama siya.
"libre ko naman eh" sabi naman niya. Ano akala niya mahilig ako sa libre (¬_¬)
"ok na nga lang ang kulit mo eh" walang gana kong sagot.
Nandito nga pala kami ngayon sa canteen. Eto ngayon hinihintay siya. Biglang may tumabi sa aking mga babae.
"hey! Nerdy, do you remember me?" maarte niyang tanong. Nanlaki naman ang mata ko nung makita siya...siya kasi si...si Tiffany yung palaging galit sakin.
Tumango na lang ako bilang sagot. Ano nanaman ba ang kailangan niya?
"last time na nag kita tayo si Nathan ang nilalandi mo, pero ngayon si Lance naman? Ano ba talaga ang dala mong pangakit?" maarte niyang sabi.
"tingin mo nilalandi ko sila?! Pwes mali ka! Wag mo kong igaya sa inyo na nag papakamatay para lang pansinin nila! Ibahin mo ko. This time hindi na ko papayag na apihin mo pa ko ulit!" sigaw ko sa kanila at nag walkout ako.
"so lumalaban ka na!?" sabi niya sa likod ko sabay hatak ng buhok ko.
Kinaladkad nila ko palabas ng canteen. Nakita kong pumunta na si Lance sa pwesto ko kanina at mukhang hindi niya ko nakita.
Kinaladkad niya ko hanggang sa mapunta kami sa pinaka mataas na building. Huminto lang kami noong nasa tuktok na kami.
"HEY! Tignan niyo ang nerd na to! Palagi nyang nilalandi ang mga sikat dito sa school especially Nathan!" sigaw niya.
Nag tinginan naman lahat ng tao sa baba. "alam nyo ba na napaka flirt niyang tao at alam niyo ba ang dapat ginagawa sa mga tulad niyang slut?"
"well ganito lang naman. Eunice, yung orange juice ko? At saka yung fresh eggs?" tanong niya sa isa sa mga kasama niya.
Binitawan niya ko at tinulak paupo sa sahig pagkatapos binuhos niya yung orange juice sa damit ko at nilagay sa ulo ko ang itlog na hilaw.
Tumawa lahat ng tao sa baba. Meron din namang umiiling iling at yung iba ay bini-video ako.
BINABASA MO ANG
Diary ng feeling abnormal
RandomHi I'm Tricia isang bababeng dating feeling abnormal. Nakaranas ako ng naapi, nasaktan, nalungkot, naaksidente, at syempre nagmahal. Gusto mo pa bang malaman ang lahat ng tungkol sakin at sa buhay ko? Bakit di mo nalang basahin yung diary ng feeling...