Chapter 11 Science project

11 0 0
                                    

Tricia's POV

Teka tumahimik yata. Sinilip ko siya kung gumagawa pa at alam niyo ang ginawa? Kaya pala wala nang tunog ng mga gamit at walang ingay ng kalikot naTULOG?!!!

Idinilat ko nang pilit yung mata niya, at sa tingin ko tulog nga siya.

Naka upo siya sa study table niya. Naka patong yung ulo niya sa arm niya at yung arm naman niya ay naka patong naman sa table niya.

Kumuha ko ng isa pang upuan at itinabi ito sa upuan niya. Humiga din ako sa table niya, tulad ng puwesto niya pero hindi tulad niya na naka harap sa left, dahil ako naman ay naka harap sa right.

Naka harap ako sa kanya, at pinanood ko lang siya habang mahimbing na natutulog.

Hinawakan ko yung ilong niya gamit ang hintuturo ng kanang kamay ko.

Tulad ng nakikita ko, matangos nga ang ilong niya. Sunod ko namang hinawakan ay ang labi niya, hindi ito magaspang di katulad sa iba.

Pinag patuloy ko ang pag libot ng daliri ko sa mukha niya, nang biglang kumikislap kislap yung ginawa niyang project namin sa science.

Napasimangot ako sa nakita ko, hindi dahil sa pagistorbo ng project na to sa panonood ko kay Nathan, kundi dahil sa hindi pa tapos itong project namin.

Naman! Paano ba to? May natitira pang two steps. Ay bago ko sisimulan yung pagtuloy ng project namin, kailangan ko siyang ihiga sa kama niya.

Buti na lang may gulong yung upuan niya, kung hindi mas lalo akong mahihirapan dahil sa paa ko.

Kahit iika ika, inusog ko siya papalapit sa kama niya. Isang tulak na lang sana eh maihihiga ko na siya sa higaan nang bigla akong napatid ng bote sa sahig.

*Swish*

Buti na lang tumalsik kami sa kama, ay anong buti doon eh kaharap ko na nga siya, mga 2 inches na nga lang magkatabi na kami eh, at ang mas masakit eh yung paa ko.

Nagulat ako nang bigla siyang nag salita.

"Mae! Please wag mo kong iwan!"

At ang mas lalo ko pang ikinagulat ay ang biglang pagyakap niya sakin nang mahigpit.

"A-aray ko! Hindi a-ako maka...hinga"

Itinulak ko siya, kaso masyado siyang malakas.

Siguro hihintayin ko na lang muna na lumuwag ang yakap niya.

Mga kalahating oras na yata kaming ganito, eh hindi pa rin ako maka alis dito eh!

Lumipas pa ang maraming minuto ay naka alis na rin ako sa pagkaka yakap niya.

Dahan dahan akong tumayo, at nag lakad papalayo sa kanya. Lumapit ako sa ginagawa naming project sa science.

Umupo ako sa upuan niya at pinag patuloy ang project namin na hindi pa tapos.

"pano ba to?" bulong ko sa sarili ko.

Tinignan ko yung pri-nint niyang instruction. Sabi dito dapat daw eh magka dugtong yung wire at bulb.

Tumingin ako sa gawa niya, eh mukhang tapos naman na yung step number five eh.

Tinignan ko naman yung step number six, ang pinaka huli. Ang sabi dito pihitin nang mahigpit ang mga bulb o bumbilya para daw hindi ito kikislap kislap.

Ah kaya naman pala kumikislap kislap kanina. Last step naman na pala siya hindi pa tinapos.

Haaay nakaka pagod pala yan. Hindi naman siguro masama kung hihiga lang ako sandali para mag pahinga, eh kasi naman sumakit yung likod ko kaka gawa ng project namin kanina lang.

Diary ng feeling abnormalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon