Tricia's POV
Yes! Dumating na din ang favorite time ko sa school, ang break time. Lumabas na akong room.
Papunta kong canteen ngayon nang bigla kong nakitang paparating sila Tiffany. Nag tago agad ako sa gilid nang pader, nung nalaman kong wala na talaga sila, tumakbo na agad ako papuntang canteen.
Wow may bagong tinda! Pumila agad ako at bumili ng regular hot dog foot long.
Syempre dating gawi, tatambay sa likod ng library at doon kakain.
*Squish*
Hanep naman! Ang dami kasing ketsup kaya napunta sa mukha ko.
"argh! Kainis naman!" naiinis kong sabi. Ano na gagawin ko? Maya maya ay may narinig akong mga hakbang.
Nakita ko si Nathan na papunta sa akin. Bigla siyang may inabot na panyo.
"nakakarami ka nang panyo sakin ah" may pag mamayabang na sabi niya sa akin.
"di ko naman sinabing pahiramin mo ko ng panyo ah. Ikaw nga lagi diyang nag papahiram" naiirita kong sabi then I rolled my eyes.
"di huwag" aalis na sana siya pero hinatak ni ko yung dulo ng uniform niya kaya napa tigil siya sa pag hakbang. Huminto siya saglit bago humarap.
"sige na payag na ko" kinuha ko na agad at saka pinunasan yung ketsup sa mukha ko.
Maya maya nakita kong aalis na siya, sumunod naman ako sa kanya.
"wag mo nga kong sundan" masungit niyang sabi.
"parang isasauli lang yung panyo mo" sabi ko.
"tingin mo tatanggapin ko pa yan?" sabi naman niya.
Napa tingin naman ako sa panyo niya.
"hehe oo nga madumi na at mukhang di mo na tatanggapin. Any way salamat ulit ha" sabi ko at nginitian siya ng sweetest smile ko. Haha kala niyo wala ko non no.
Teka ngumiti ba siya. Umalis na siya. Napa tingin naman ako sa relo ko. Waaah malapit na pala ang next subject namin!
Tumakbo ko papuntang room at thank god talaga wala pa yung teacher namin.
Maya maya pa ay dumating na yung teacher namin.
"good morning class" bati ng teacher namin.
"good morning ma'am!" bati naman namin pabalik.
"ididikta ko na yung score niyong lahat sa project kaya walang maingay kung pwede lang. Kung gustong mag ingay lumabas na sa klase ko ngayon na" sabi ng teacher namin. Syempre walang lumabas.
"Ella and Lance 98%. Mark and Rayniel 85% Na-" di na natapos nung teacher namin sa science ang pag didikta ng score namin dahil biglang sumgingit si Mark.
"ma'am bakit naman 85% lang yung sa amin ni Rayniel?" naka pout na reklamo ni Mark.
"pasalamat ka nga dahil 85% ang gawa niyo samantalang 75% nga lang dapat yan. Mag pasalamat ka na lang sa dalawa niyong babaeng kaklase na crush yata kayong dalawa ni Rayniel" pagka sabi na pagka sabi ni ma'am ay may biglang tumayo yung dalawa naming kaklase.
"hindi ah!!!" nagka tinginan pa sila nung nagka sabay sila ng sinabi.
"bakit? Kayo ba sinasabi ko? Yung ibang classmate niyo yon. Ay naka limutan ko nga pala class, mag pasalamat kayo kayla Ayleen at Irish, kundi dahil sa kanila wala kayong +5 lahat sa score"
Ayleen's POV
First time kong nagka POV ah.
"salamat Ayleen, salamat Irish" sabi ng mga kaklase namin. Yung iba walang ganang mag salita, yung iba naman masaya, yung iba hindi nag salita.
BINABASA MO ANG
Diary ng feeling abnormal
RandomHi I'm Tricia isang bababeng dating feeling abnormal. Nakaranas ako ng naapi, nasaktan, nalungkot, naaksidente, at syempre nagmahal. Gusto mo pa bang malaman ang lahat ng tungkol sakin at sa buhay ko? Bakit di mo nalang basahin yung diary ng feeling...