Dedicated to: asuzakuriyama
A/N: hi kay asuzakuriyama thanks sa pag follow mo at pag vote sa mga chapters napatalon mo ko sa tuwa haha oa ko ba di happy lang again thank you at dahil dyan sayo ko dinededicate alam mo na cp lang kaya walang dedicate dedicate.
Oh ayan ah in-update ko ulit para sayo ≧∇≦
–———————————————————Nathan's POV
Nakita kong bumangon siya at tumingin sa paligid, siguro hindi niya alam na nakatulog siya dito.
Nikita kong nakatulala siya na para bang malalim ang iniisip, tingin ko iniisip niya yung nanyari kahapon, inaalam kung anong dahilan kung bakit siya nakatulog.
Umupo siya bigla habang nakatulala.
"Good morning, gising ka na pala" nakita kong medyo napatalon siya sa gulat, napa hawak pa nga siya sa kanang dibdib niya, pero nung nakita niya ko napa buntong hininga siya.
Well, hindi ako yung tipo ng tao na mahilig mambati, kaso baka kasi isipin niya na nananaginip lang siya.
"good morning din" tumango na lang ako sa kanya nang hindi pa rin tumitingin. Ayoko kasing makakita ng mga taong bagong gising. Para kasing itsura nila yung mga taong gubat dahil sa gulo ng buhok.
Naka upo nga pala ko habang umiinom ng kape at nag babasa ng dyaryo.
"may pasok ba!?" natataranta niyang tanong.
Tinignan ko na siya matapos siyang magtanong, see kaya ayoko ng bagong gising eh.
Puro muta, tulo ng laway at saka gulu gulong buhok!
"oo" sagot ko
Napatingin ako sa relo ko 6:33 AM
"mmm...Papasok na ko" sabi ko sabay tayo.
"te-teka sabay na ko" pahabol niyang sabi.
Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa sabay iling.
"b-bakit?" taka niyang tanong.
"di pwede sa school ang maid uniform" sabi ko at tinalikuran ko na siya.
"ang ibig kong sabihin hintayin mo muna ko. Saglit lang ako maligo" sabi niya.
"wag na....haist! Tara na nga lang" sabi ko at sabay higit sa kanya.
"te-teka lang" narinig kong sabi niya pero hindi ko siya pinansin.
Kinuha niya yung bag ko sa may upuan at hinigit ko ulit siya palabas.
Dinala ko siya sa kotse ko at pilit na pinapasok sa loob. Umupo ako sa driver seat at nasimula nang patakbuhin ang kotse.
Mga 3 minuto lang siguro ay nasa bahay na nila kami.
"dito lang pala, nag kotse pa! Pero salamat na din" sabi niya sabay pasok sa bahay nila
"oh anak, bakit ngayon ka lang umuwi? Kamusta naman yung sinasabi mong trabaho mo?" tanong ng mama niya.
Naririnig ko parin ang usapan nila kahit na nasa loob sila. Pero di ko na pinansin.
"ma, alis na po ako" rinig kong sabi niya sa mama niya.
"o sige ingat ka ha, wag mag aasawa agad tsaka mag uusap tayo mamaya ha" sabi naman ng mama niya.
BINABASA MO ANG
Diary ng feeling abnormal
RandomHi I'm Tricia isang bababeng dating feeling abnormal. Nakaranas ako ng naapi, nasaktan, nalungkot, naaksidente, at syempre nagmahal. Gusto mo pa bang malaman ang lahat ng tungkol sakin at sa buhay ko? Bakit di mo nalang basahin yung diary ng feeling...