Chapter 2: The Playboy

205 9 3
                                    

"Tigilan mo nga ako Matthew. Ito naman ang gusto mo noon pa diba?" 

"Okay Calm down. Hindi na kita kukulitin pa but please Sydney let's be friends.Kahit kaibigan man lang" Nagsusumamo nyang sabi sa akin. Idiniin pa nya ang salitang 'please'. Kanina pa kami nag-uunahan ng lakad dito sa building namin at lahat ng nadadaanan naming mga estudyante ay tumitingin sa amin. Alam na alam kasi ng mga taga building namin na sa College of engineering si Matthew. Mas binilisan ko pa ang paglalakad ko pero agad nya rin ako naaabutan.

"Pasensya na Matthew, sa tingin mo ba pagkatapos ng ginawa mo noon sa akin ay madali lang kitang pa-patawarin? No." umiling sya. Moved on na ako.Pero hindi ko na mapigilan  ang mga emosyong gustong lumabas sa loob ko. Tumungo nalang ako dahil naramdaman ko ang mga nagbabadyang luhang gustong tumulo. 'I'm not a crybaby' bulong ko sa sarili ko.Tahimik lang syang nakatingin sa akin.Walang gustong mag-salita sa aming dalawa. Sya ang unang-unang lalaki na sineryoso ko sa pakikipag-relasyon dahil akala ko, sya na ang Mr. Right para sa akin pero hindi pala. Mr. Right, Mr.Right, Hindi yan nag e-exist.

"But don't worry. Pagkatapos ng ginawa mo sa akin ay naka move-on na ako." Nginitian ko pa sya. Yeah Right. Moved on na talaga ako. 

"I'm really sorry Sydney. Pinagsisisihan kong nasaktan kita noon. Please Sydney kahit kaibigan lang. Please." Nagmamaka-awa pa nyang hinawakan ang kanang kamay ko pero hindi madaling magpatawad. Araw-araw akong umaasa noon na hihingi sya ng tawad sa pagsabutahi nya ng relasyon namin pero hindi man lang sya nag-tangkang humingi ng kahit isang 'sorry'.

"Whoa! Relax Matthew laro lang naman yon dati tsaka past is past nga diba? so no need to worry" masigla kong sagot sa kanya. Pinapagaan ko ang mood baka isipin nyang apektado parin ako sa kanya. Or did I? Parang hindi nya narinig ang sinabi ko dahil mataman lang syang tumitig sa akin.

Tumalikod na ako at nagsimulang lumakad papunta sa lugar na hindi ko muna makikita ang kanyang mukha. Hindi naman nya ako pinigilan ngunit may isinigaw syang nakakuha ng atensyon ko. Humarap agad ako sa kinatatayuan nya at naglakad palapit sa kanya.

"Anong sabi mo?" Oh please sana tama ang pagkaka-rinig ko sa sinabi nya kanina.

"Sayo yong pulang pitakang may letters MS sa front diba? Pumunta ka sa building namin at hanapin mo ang presidente ng College of engineering tapos sabihin mong sayo ang pitaka."

Nabuhayan ako sa sinabi nya. 

"Ah yong pulang pitaka ba? matagal ko na yon naitapon,baka hindi akin yang sinasabi mo" I lied. Tumalikod na ako at naglakad ulit. Oo wallet ko yon. Hindi ko pa pala napapalitan ang pulang pitaka ko na bigay nya sa akin noon.Simple lang pero may malaking letra ang nakadikit na MS . Matthew and Sydney.

Nyeta! halos isang linggo ko na hinanap ang pitaka ko tapos sa impyernong building lang pala napadpad?

~~

Binuksan ko ang pintuan ng room for officers. Walang tao sa loob. Tama naman ang napasukan  ko dahil may nakasulat pang 'COE Officers' sa harap ng pinto. Naglakad na ako pa-loob.

"Miss May kailangan ka?"

"Ay Bakla!" Muntik na akong himatayin sa boses na narinig ko galing sa may likuran ko. Hinawakan ko ang dibdib ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa kaba.

"Oh sorry. Hindi ko naman akalaing magugulat ka" nakangiting sabi sa akin ng lalaking kaharap ko. Matangkad ito at gwapo narin. nakatayo sya sa table kung saan may nakasulat na COE's Vice president. Ah ito pala ang Vice president.

Being The Playboy's Next TargetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon