Chapter 12: Secrets

76 3 0
                                    

I just stared dumbfounded at the two person inside the room. Nakahawak si Landon sa kaliwang kamay ng walang malay na babae, ni hindi man lang ito gumagalaw o nagsasalita.

What? Is she dying? I scanned the room. Isang klase ng makina na hindi ko alam ang tanging tumutunog sa loob. Maingat kong binuksan ang nakasarang pintuan. Heaving a sigh, I stepped forward. Buti at nakatalikod si Landon sa pintuan. Successfully, nakapasok ako na hindi man lang napapansin ng nakatalikod na si Landon.

"Hey Ma, It's me again. Kumusta ka na? Maraming nagbago simula nang mangyari ang insidenting yon."

Now guilt is sinking to me. Kasalanan kong sinundan ko pa ang lalaking ito pero wala sa ugali kong makinig sa usapan. Ilang minuto na ang lumipas perio hindi parin nagsasalita ang tinawag nyang Mama. Nakatayo lang ako habang palipat-lipat ang tingin ko sa maraming wire machine na naka-kabit sa ilang bahagi ng katawan nya. I can't even properly see the woman's face because of Landon's broad shoulder.

"Ma, kailangan mong gumising. Dad is doing it again. I can't make him stop. Uncle Jordan also has participated." bumuntong hininga ng malalim si Landon. Sa pamamagitan nun ay mapapansing may malalim syang problema. Again, hindi ulit nakasagot ang Mama nya. Akala ko, tulog lang sya but I realized something. I suddenly covered my mouth with my left hand. His mother was in comatose. Para akong binuhusan ng tubig nang mapagtanto ko ang sitwasyong kinatatayuan ko ngayon. I stepped backward to get out. Hindi ko na hihintaying lingunin pa ako ni Landon. I slide the glass door carefully as I can without making any noise. Pati paghinga ko'y pinipigilan sa bawat hakbang ko. Oh God, malapit na ako, dalawang hakbang nalang at makakalabas na ako. Pinaghirapan ko pang tanggalin kanina ang sapatos ko at ngayon ay bitbit ko ito. Nakahinga talaga ako ng maluwag nang tuluyan na akong makalabas sa pintuan. So all I have to do is to close the door silently then I'll be totally out. I felt stupidly idiot for doing these. Hahawakan ko na ang sliding door nang  sa lahat ng malas na pagkakataon ay tumunog ng sunod-sunod ang message tone ng phone ko.

Oh God, Oh God, I am so dead. Kung kanina ay para lang akong binuhusan ng tubig, ngayon naman ay para na akong ipinasok sa loob ng refrigerator. I froze when he turn his back to face me.

"Patay" bulong ko sa sarili ko. Kitang kita sa mukha nya ang gulat at pagtataka.

"Uhm, Hi... Landon." I laugh nervously, fear was now written in my face. Naglakad sya papunta sa kinatatayuan ko. I can't move.

"Anong ginagawa mo dito?!" He hissed as he approach me.I know that firm voice.Stupid me! I almost made it kung hindi lang tumunog ang phone ko. I have to remind myself to kill whoever texted me.

"Landon, let go. Aray! ano ba ang sakit!" sigaw ko pero patuloy parin nya akong kinakaladkad hanggang sa malayo kami sa kinatatayuan naming kwarto kanina.

Sigaw lang ako ng sigaw sa kanya pero tila walang naririnig. Napaka seryoso ng mukha nya.

Akala ko, bibitawan nya ako dahil tumigil sya sa harap ng nakasaradong pulang pintuan na may nakasulat na storage room. Binuksan nya ito gamit ng isang kamay nyang hindi nakahawak sa kamay ko saka kami pumasok. Nagtaka ako nang i-lock nya ito. Binitawan nya ako at bakat na bakat ang pamumula sa may pulsuhan ko.

What the...

"Anong ginagawa mo dito? Did you followed me!?"

"Are you that stupid Sydney? Gusto mo bang may mangyari sayo? Answer my f*cking questions!"

Okay, namumula na sya sa galit dahil sa akin. Stupid. Paano ko nga ba masasagot ang lahat ng iyon kung sigaw sya ng sigaw sa pagmumukha ko?

"Pwede ba, huminahon ka muna? Okay, I'm sorry that I followed you but hey I got curious where were you going walking without your car. Kung maka reak ka naman may mamamatay kung susundan ka." seryoso lang syang nakatitig sa akin. Sa totoo lang, kinakabahan ako sa mga titig ni Landon, iba kasi. Huminga muna ako ng malalim.

"At saka don't worry dahil sa akin lang ang nakita ko." nakuha ko pa talagang tumawa ng peke eh sa loob loob ko'y kumukulo dahil sa kaba. Hindi man lang sya nag reak sa pagkataaa taas kong sinabi. Nilagay lang nya ang dalawang kamay nya sa bulsa ng black jeans nya and he look so cool.

"You don't have the f*cking right to interfere in my sh*tty life."

Muntik na ako mapa atras habang ipinagdidiinan nya ang bawat salitang sinabi nya. Jusmiyo, I just followed him! Ano ba ang ikinagagalit nya. Naramdaman ko ang pag-init ng mga mata ko. I will not let anyone see me cry. Not even him.

"Landon, I'm sorry again. Alam kong hindi ko dapat ginawa ito..." Nakipagsukatan narin ako ng titig sa kanya.

"...that woman... is she really your mother?" Narinig ko ang pagkabigla nya sa itinanong ko. I suddenly have the feeling to run for my life. Without answering my question, dumapo ang tingin nya sa walang saplot kong paa at sa bitbit kong sapatos. Hindi ko pa talaga naramdaman ang mahiya ng ganito kalala. Tumawa sya ng sarkastikong tawa pero agad narin naglaho. Kinilabutan ako.

He suddenly step forward, I step backward. Umabante na naman sya kaya umatras na rin ako. For the third time, he step forward, I step backward. Atlast, hindi na sya gumalaw pa. I'm so relieved. Nagbuntong hininga sya, halatang nagpipigil na sigawan ako. I can clearly see how his jaw tightening and how he gritted his teeth. Gosh, ba't ang gwapo ng lalaking to?

"Let me tell you this once Miss Aguilar, you know me as a player, asshole and whatever shit you all call me. Name it but no one of you really know who I am kaya iwasan mo na ang pangingialam sa buhay ko now that you just dig one of my life." Tagos sa isip at dibdib ang sinabi nya. Did he just warned me? for what? Kung pwede lang akong lumabas sa room--building na ito, I will but my knees wont move and I felt very weak all of a sudden. Kung lalaki lang ako, marahil ay kanina pa nya ako dinispatsya.

"Anong ibig mong sabihin?" I am now stuttering. Parang lalabas na ang puso ko mula sa dibdib ko. I have never felt like this. Nakita kong nginisian nya ako ng ngiting mapang-asar.

Bakit nya to ginagawa? Anong ibig nyang sabihin kanina?

"Akala ko ba matalino ka Miss Aguilar? Well, I thought wrong. You can't even recognize right from wrong and fake from real" Wala akong naintindihan sa mga sinabi nya. I can't get him. Gusto kong ipaliwanag nya ang mga sinabi nya pero agad nyang binuksan ang pintuan na parang itinataboy nya ako.

Akala ko ako ang palalabasin nya pero mas nauna syang lumabas sa pintuan. Bago sya nagtuloy tuloy sa paglalakad, huminto muna syang nakatalikod parin.

"Don't ever do this again." walang emosyong sabi nya. Iniwan nya ako sa room na iyon na maraming bumabagabag sa isip ko, mga sinabi ni Landon.

Being The Playboy's Next TargetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon