Chapter 6: New Feelings

158 8 0
                                    

It’s been two days na nang mangyari ang acquaintance party ng mga graduating students.

“Jake! Ikaw ha may pasayaw-sayaw pa kayo ni Landon sa party. Akala ko ba’y babaliktad muna ang mundo bago kayo magkakasundo . Pero bagay na bagay talaga kayo. Sagutin mo na kasi baka mawala pa ang pagka-playboy nya”

Salubong sa akin ng kaklase ko dati noong second year pa kami na si Narissa. Pero nag-shift sya ng kurso sa College of Business Administration. Pa-plastik pa syang ngumingiti sa akin e alam naman ng marami na kating-kati na ang babaing ito kay Landaon Lazaro. Noong kaklase pa namin si Narissa, Sya ang pinaka-ayaw  sa block namin dahil kilala sya bilang malandi at plastik na tao kaya wala syang naging kaibigan sa block namin.

Nginitian ko sya ng plastic kong ngiti. Hah! Akala nya sya lang ang marunong makipag-plastikan?

“Hindi naman. Napilitan lang akong tanggapin ang alok nyang isayaw ako. Namimilit e pero sayong-sayo na talaga ang playboy na ‘yon”

Manigas ka sa inggit Narissa.

Habang nagsasalita ako, nakita ko na nakasandig si Matthew sa dingding sa second floor ng building. Sa first floor ng COM  building kami nag-uusap ni Narissa. Hindi ko alam kung anong ginagawa ni Matthew sa building namin. Hindi naman sya tumatambay dito. Kadalasan na nakikita kong tumatambay sa College of Mathematics ay grupo ng mga lalaking mula sa College of Laws o COL.

“Hindi mo na yan kailangan sabihin Sydney dahil I’m sure magiging kami din ni Landon someday” Komportabling sagot ni Narissa. Gusto kong tumawa sa mukha nya. Seriously? Walang laban si Narissa sa mga nag-gagandahang umaaligid kay Landon. Maganda si Narissa pero kulang parin kung ikukumpara sa mga malalanding babae ni Landon. Kung kalandian lang naman ang pag-uusapan, tiyak na pare-pareho na sila ng level.

Kung makapag-salita ang impaktang babaeng ito ay aagawin ko si Landon. Kung gusto nya, sa kanya na ang lalaking ‘yon at paglawayan nyang mag-isa dahil wala akong pakialam sa kanilang dalawa.

Nang wala nang nagsalita sa amin, inirapan ko sya na ikinalag-lag ng panga nya at saka tumalikod na ako. Nang makarating na ako sa second floor, nakalimutan kong nandito pala si Matthew. Di sana hindi ako dumaan dito. Nagpatuloy parin ako sa paglalakad kahit alam kong nakatingin sya sa akin.

Naging usap-usapan ang naganap na acquaintance party. Lalong-lalo na ang pagyaya sa akin ni Landon Lazaro ng sayaw na ikinabigla ng lahat at ang pagtanggi ko rin sa alok ni Matthew. Akala nila Melissa ay si Matthew ang isasayaw ko. Hindi ko alam pero nang nakita ko noon ang mukha ni Matthew sa party, nanumbalik na naman ang sakit at galit na idinulot nya sa akin kaya wala sa sarili ko na kamay ni Landon Lazaro ang pinili ko.  Hindi ko na tiningnan ang reaksyon ni Matthew Sparks nang tanggihan ko ang kamay nya.

“Syd pwede ba tayong mag-usap?”

Napahinto ako sa paglalakad at  humarap kay Matthew. Nagulat ako nang makita ko ang malungkot nyang mukha na parang namatayan lang. Seryoso ang ekspresyon ng mga mata nya habang nakatitig sa akin. Napahigpit ang pagkakahawak ko sa sling bag ko nang bigla akong nakaramdam ng kaba sa dibdib  ko. Mas lalo pang bumilis ang tibok ng puso ko.

“Wala naman tayong dapat pag-usapan” Hininaan ko lang ng kunti ang boses ko dahil maraming estudyante pa ang dumadaan kung saan kami nakatayo at nag-uusap. Minsan hindi ko maintindihan si Matthew. May oras na nakikita ko syang nakikipaglandian sa iba’t ibang babae tapos bigla naman syang susulpot sa harap ko at sasabihing, ‘Syd, Kahit kaibigan lang’ . Tinaggap ko na kahapon ang gusto nyang mangyari sa amin which is, maging friend kami at hanggang doon lang yon. Tinanggap ko na sya bilang kaibigan pero wala akong sinasabing pinapatawad ko na sya.

Being The Playboy's Next TargetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon