Chapter 11: What's more in Landon Lazaro?

107 4 0
                                    

Maliban yata sa tao, isa na rin ang oras sa mga bagay na marunong mandaya. Yong mga oras na walang ginagawa at nakatunganga ka lang ay bumabagal ang takbo ng oras pero sa tuwing ayaw mo naman matapos agad agad ang isang araw, saka mo lang mapapansin na gumagabi na pala. Tulad ngayon, kabilang na yata ito sa mga araw na tinamad ako. Linggo kaya walang pasok. Nakatunganga lang ako sa harap ng bintana ng kwarto ko habang pinagmamasdan ang mga batang masayang naglalaro ng Slipper X. Hindi rin nila iniinda ang sinag ng araw. Nakakasilaw na nga sa mata. Nakakatamad tumambay. Lalo na kapag walang libangan o makausap man lang. Hindi ko naman pwedeng istorbuhin sina Manang dahil buti pa sila maraming ginagawa. Kung kelan wala akong magawa sa buhay saka pa walang assignment man lang. Kung abala naman ako, naku, mag-uunahan ang mga homeworks sa eskwelahan. Si Mama naman, kaka-alis lang papunta sa pinagtatrabahuan nyang kompanya. Biglaan daw na pinatawag sya ng boss nya. Nagplano pa naman kami kagabi na pupuntahan namin ang mga kamag-anak nya sa probinsya. The last time we visited that place was, when I was just an eleven year’s old little girl.

I opened my bookshelf and scanned the novels there. Walang bago. Matagal tagal narin akong hindi nakakabili ng mga bagong labas na nobela. My phone just vibrated. Tinamad akong maglakad papunta sa kama ko kaya pinabayaan ko na yung text. Siguradong walang kwenta na naman yan.

I heard a knocks on my door.

“Jake? Hija? Nandyan ka ba sa loob.?”

“Pasok po Nang Juls. Bukas po yan.”

Binuksan ni Manang Julee ang pintuan habang may dala-dalang bouquet of flowers. Nagtataka ko lang tinitigan si manang. Paborito kong bulaklak pa talaga ang dala nya.

“Ano po yan?” Ay! Muntik ko na mabatukan ang sarili ko sa itinanong ko. Obvious naman na bulaklak! Itatanong ko lang sana kung kanino nanggaling pero iba naman ang nasabi ng bibig ko.

“Bulaklak Hija. At talagang yellow tulips pa ang ipinadala!” Aba muntik na akong mapanganga sa sobrang kilig na nadarama ni manang. Marunong rin pala kiligin yung mga may edad na? Ang lapad kasi ng ngiti ni manang.

“Para sa akin po ba yan? Kanino naman daw po galling?” Ipinahawak nya sa akin ang bulaklak at napansin kong may nakasingit ritong maliit na card.

Hindi ko alam hija pero ang sabi ng lalaking nag deliver nyan dito, para daw yan sa iyo. Naku! Gwapo talaga yong lalaki saka may katangkaran. Papapasukin ko nga sana kaya lang hindi pumayag. Eh hindi rin kita natawag kaagad dahil umalis na ito.” Masayang masaya na sabi ni manang. Akala mo ay naabot na ang pinapangarap at grabe kung kuminang ang mga mata habang nagsasalita. Sino naman kaya yong lalaking tinutukoy ni manang?

“Ganun po ba? Mabuti nga po’t hindi nyo pinapasok. Malay natin, may balak palang masama yong lalaki.” Imposible naman kasi kung interisado talaga yong lalaki na maibigay itong bulaklak sa akin ay sya na mismo ang hahanap sa akin dito sa bahay. Pero buti nga yon dahil wala rin naman akong ideya kung sino yong lalaki.

“Hindi naman yata yon mamatay tao. Eh mukha palamang e madali lang mapatawad. Sige Jake at bababa muna ako sa kusina baka mapaano pa yong niluluto ko. Bumaba ka nalang pag nagugutom ka na at ipaghahain na kita.”

“Sige Nang Juls. Bababa rin ako maya-maya lang.”

Lumabas na si manang. Tinitigan ko ng mabuti ang hawak kong yellow tulips pagkatapos ay kinuha ko ang nakalagay ditong card saka ko binasa.

‘A beautiful lady should smile brightly like a sun shining in a blue clear sky. Have a good and blessed Sunday Sydney :)’  

Being The Playboy's Next TargetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon