Chapter 7: Something's Weird

149 3 0
                                    

Nagising ako dahil sa malakas at sunod-sunod na tilaok ng manok ng kapitbahay namin.

Kainis naman.

Nag-inat muna ako at tumitig sa puting ceiling ng kwarto ko. I sighed deeply, Ang sarap pa matulog at hindi nalang pumasok sa unang klase ko. Teka, unang klase? KLASE? Bigla akong napa-balikwas habang nanlalaki ang dalawang mata ko nang may maalala ako. Tinitigan ko ang nakadikit na maliit na kalendaryo sa nakasarado kong pinto. April 11, Friday. Tapos ibinaling ko naman ang paningin ko sa alarm clock ko na nakapatong sa bedside table ko. 08:35 A.M. O Jusmiyo! Male-late na ako sa unang subject ko!. Naku Nine Thirty pa naman ang Chem.4 ko. And speaking of Chemistry, May quiz pa pala kami. Dali-dali akong pumasok sa Bathroom. Para akong hinahabol ng kabayong walang ulo habang naliligo ako. Saktong alas nuebe uno na nang matapos akong magbihis. Natagalan pa ako sa paghahanap ng na misplace kong notebook sa chemistry. Idagdag pang hindi ko pa napag-aaralan ang e-ko-quiz namin mamaya. Hindi ko alam kung may maisusulat pa ako sa papel ko mamaya maliban sa pagka-taas-taas kong apelyido. Bumuntong hininga muna ako ng malalim saka humarap sa full-length mirror ko. Naka simple blue skinny jeans lang ako na pinarisan ng pang-itaas na fit white T-shirt, Emphasizing my every curves. Para akong tangang ngumisi sa harap ng salamin bago lumabas ng kwarto.

Naabutan ko sa kusina na nagluluto si Manang Julee, isa sa dalawa naming kasambahay.

“Magandang umaga po Nang Jul, Si Mama po?” Muntik pa akong matapilok habang pababa sa hagdan dahil sa pagmamadali.

“O, Jake Hija, mag-almusal ka muna bago umalis. E marami na akong naluluto. Yung Mama mo, kanina pang alas singko umalis ng bahay. Napa-aga nga si Ma’am. Nga pala, pinasasabi nya ring baka sa Tita Lirea mo sya magpapa-lipas ng gabi ngayon” Dire-diretsong sabi ni Manang Julee habang hinihiwa ang kamatis. Ito na naman ang pagiging eksperto ni Nang Jul sa pagluluto. Bigla kong naamoy ang pamilyar at napaka-sarap na ulam. Hmm. Yung paborito kong ulam.

“Po? Bakit daw po?” Hindi naman natutulog si Mama sa hindi nya sariling bahay dahil hindi daw sya sanay. I know from the start that something’s wrong.

“Hindi sinabi. Sige Hija, Umupo ka na at mag-almusal na. Nagluto pa ako ng paborito mong Ginataang Alimango.” Nakangiting sabi ni Nang Julee. Alam kasi nila na paborito ko talaga ang Ginataang alimango. Alam rin nilang madali akong naa-akit ng amoy nito pero ngayong late na ako, kailangan kong talikuran ang paborito kong ulam.

“Ah e Nang Jul late na po talaga ako. Sa skwelahan nalang po ako kakain mamaya. Andyan po ba si Manong Rio? Magpapahatid muna ako sa school” Kahit may kaya kami, hindi parin nila ako binibilhan ng sasakyan dahil marami na raw naa-aksidenteng sasakyan ngayon. Isa pa, hindi rin ako gaanung marunong mag-drive.

“Naku Jake, Hindi ginamit ng Mama mo ang saskyan nya. Ayun, Si Manong ang pinag-drive kanina”

Nanlaki ang mga mata ko. Realization take over me. Sumulyap ako sa pulang wrist watch ko. 09:10 na.

Lagot. Nalintikan na.

“Ganun po ba? E sige po nang Jul, Pasok na po ako. Late na talaga ako” Ininom ko muna ang isang basong tubig na nakalapag sa lamesa at para akong si The Flash na lumabas.

Pagbaba ko sa napakasikip na jeep, Patakbo akong pumunta sa building ng COE habang hingal na hingal ako. Andami pang tumititig sa direksyon ko, Pawis na pawis pa ako. Haay kay gandang ehersisyo sa umaga. Sino ba kasi ang nagplano na palawakin ng ganito itong Philippine Eastern University? Kaasar. Segu-segundo kong sinusulyapan ang kaliwang kamay ko. God, 09:28 na. dalawang minuto nalang.

Para akong Kriminal na hinabol ng mga pulis nang tumapat ako sa labas ng room namin. Huminga ako ng malalim bago kumatok at agad na pumasok. Pagpasok ko, Tahimik at nakadungo lahat. Syempre, nagsimula na sila mag answer. Knowing our Professor is an early bird. Paikot-ikot pa si Ma’am sa room. Biglang napalingon sa akin lahat ng mga kaklase ko pati narin si Ma’am. Looking like an angry Lizard ready to jump on me.

Being The Playboy's Next TargetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon