Chapter 13: Hidden

63 2 0
                                    

Paulit-ulit na nagpa-play sa isip ko ang mga sinabi ni Landon kanina. Tila ba ayaw nya akong madamay sa isang gulo.

Pero anong gulo ba kung sakali man?

Akala ko talaga kilalang kilala ko noon pa man si Landon. Pagkatapos nya akong palayasin kanina sa weirdong building na iyon ay iniwan na nya ako. Ilang minuto pa ako nakatayo doon nang mapagtantong alas sais na pala kaya agad ako kumuripas ng takbo palabas sa building. Paglabas ko, tumunganga naman ako sa labas dahil hindi ko alam kung saan ang daan palabas sa street na yon. Kung hindi pa ako sinamahan ng isang bata palabas sa lugar na iyon ay malamang na nandoon pa ako at hinihintay na yong bahay namin ang lumakad papunta sa akin.

"Anak may problema ba?" Nag-aalalang tanong ni Dad nang mapansing nangungunot na ang noo ko sa kaka-isip.

"Wala po dad. May naalala lang akong gamit na naiwan sa locker ko sa school." I lied and smiled at him.

Saktong dumating ako kanina sa bahay ay kararating lang din ni Dad. As usual, nagbatian lang sila ni Mama.Walang gaanong pag-uusap.

"Nga pala, kailan matatapos ang summer class mo?"

Biglang tanong ni dad bago inumin ang inihandang pineapple juice ni mama. Dad's question seems weird. Usually, hindi ako pinapaki-alaman ni dad sa pag-aaral ko. Kung anong gusto kong kurso ay todo suporta lang sya gaya ni mama.

"Mga second week pa po ng May. Malapit narin kaming mag final exams. May pahinga pa kaming dalawang linggo bago mag enrolment na naman." Ininom ko narin ang pineapple juice sa harap kong table. As soon as I said that, bumuntong hininga si Dad at tila nag-isip ng malalim. I got curious why did he suddenly asked that kind of question.

"Jake anak, gusto mo bang magbakasyon pagkatapos ng summer class mo?"

I know how weird kung paano nya ako tawagin na 'Jake' when it's also his first name. And now that he mentioned about having a vacation, it just felt relaxing. Kahit gaano ko kagustong mag-bakasyon ng kahit ilang araw lang ay mukhang hindi pwede dahil mag a-advance study pa ako para sa nalalapit kong Thesis writing.

"Hindi ko po alam. Kung magbabakasyon naman po ako, wala pa akong ideya kung saan"

"Doon ka nalang sa resort ng lolo mo o kahit saan mo gusto. Pero Jake hija, mas mabuti kung doon ka nalang sa resort ng lolo mo para ma-obserbahan mo rin ang pagpapatakbo ng isang negosyo. Saka nandoon narin ang ibang mga pinsan mo" Agad akong napa-bungisngis sa narinig.

"You know I hate business Dad at akala ko ba magbabakasyon o magpapahinga ako doon not to observe something?" I hate business. Ayaw kong magaya kay Dad na negosyo doon, negosyo dito at laging wala sa bahay.

Being The Playboy's Next TargetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon