Chapter 3: WONDERS

182 8 0
                                    

Lumipas ang limang oras ng klase namin sa CHEM.4. Pagkatapos ng diskasyon ng professor namin ay nagbigay sya ng 50 items quiz base sa diskasyon kung saan 47 lang ang nakuha ko. Lahat may kinalaman sa math equations.Lahat kami’y matataas ang score. Buti nalang, hindi ako nahihirapan sa mga ganyang lesson. Talagang mahirap ang mga equations na ibinigay ni maam pero nakukuha ko parin ang wastong sagot sa bawat subok kong mag-solve ng problems. Paulit-ulit kong sinosolve ang isang problems at sa huli'y makukuha ko ang answer.Try and try nga sabi nila.Para saan pa nga ba’t BS Mathematics ang kinuha kong course kung bobo nga ako sa mga numero?

“Oy Jake bakit ka pala sinusundan ni Landon kaninang palabas na kayo sa room nyo?” Nagtatakang tanong ni Melissa. Hindi ko rin alam ang sagot . Bakit pakiramdam ko’y bigla nalang  napapalapit sa loob ko si Landon at si Matthew gayun din, parang pinipilit nyang bumalik ang dating kami.  Pero si Landon? Imposibling malapit sya sa akin dahil lahat naman ng babaing maganda ang makita nya ay kinukulit at inaakit nya tapos baka marami nang nakuhang babae ang playboy na yon e.

“Hindi ko alam. Hindi naman nya ako sinusundan kanina.Sadyang makulit lang yon. Naku, kung kayo ang nasa sitwasyon ko araw-araw, para akong nasa impyerno. May masama ang ugali, may makukulit at higit sa lahat, mga terror na professors!”  Naiinis kong sagot.

Nagtinginan at nag-chismusahan ang mga estudyanteng nasa paligid namin ngayon dahil, Heto kami ngayon, Naglalakad sa building ng COE na alam na alam nila na galing kami sa COM at idagdag pang suot-suot namin ngayon ang College T-SHIRT naming color Light Green na may print pang malalaking letra na ‘COLLEGE OF MATHEMATICS ALWAYS WIN’. Kaya, ang babagsik ng mga irap nila sa amin. Sino ba naman ang hindi tutubuan ng sungay sa ganyang sitwasyon? Kung sila rin naman ang maglakad sa building namin na suot-suot rin ang College T-Shirt nilang may print ring ‘COE the best of all the best’ ay tutubuan rin ako ng sungay pag nakita kong ganun.

Naku mga sisters.Pigilan nyo ako. Tse! Ang lalandi ng mga irap nitong mga haliparot na tao. E kung isubsob ko yang pag-mumukha nila sa mismong pagtapak pa lang nila sa building natin?” Pagrereklamo ni Lawrence. Ang gwapong baklang kaklase namin na kanina narin nilalabanan ang bawat irap ng mga babae sa pamamagitan ng Malandi rin nyang irap. As my classmates described.

Shh. Sis Law. Nasa teretoryo nila tayo kaya tumahimik ka muna  ng kadadal-dal baka sugurin tayo ng mga yan ng sabunot. Ang dami pa naman nila ngayon o” sabi pa ng kaklase kong si Rosie. Ang kilalang nerd sa aming block section ng BS Math.

Lumabas na nga tayo sa impyernong building na ito! May mga ahas kasi na marunong umirap sa mga tao.Unbelievable! Imagine, Ahas? Tapos marunong umirap?” Daldal pa ni Lawrence na halatang pinapa-tamaan ang mga babaing nasa paligid namin . Kitang kita talaga sa mukha nya ang inis. Bakit pa kasi nila ako sinundo? Ayan tuloy, pati sila’y naranasan na ang sinasabing impyerno.

Being The Playboy's Next TargetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon