Chapter 8: Faceless to the Playboy

105 5 0
                                    

Umalis nalang ang kapatid ni Landon na wala pa ring salitang lumabas sa bibig ko. Gustong gusto kong mag protesta sa mga pinagsasabi ni Landon ngunit tanging paghinga at mga tawa lang nya ang naririnig ko sa mga oras na iyon.

“Alam  mo okay ka na sana.Hek.Hek. Hehe kung hindi ka lang babaero. Hek. Hehe. Uminom ka naman dyan. Hek. Andaya mo!” Then I pouted and giggled like a little girl. Alam kong lasing na lasing na ako. Paano e pinainom agad  ako ng mokong na ‘to ng nakakalasing na inumin pagka-alis ng kapatid nya. Hindi pa naman ako sanay maglasing.

“No Sweetheart. Magda-drive pa ako mamaya” Napakagat ako ng labi nanag lunukin nya ang isang basong iniinom nya at matitigan ko naman ang Adams Apple nya. Bakit hindi sya nalalasing?

Pagiwang-giwang na lumapit pa ako sa kanya.

“Hehehe, May sasakyan ka? Hek. Buti ka pa, May sasakyan ka na nga, Hek. Hehe may kapatid ka pa” Hindi ko na napigilan ang mga luhang gusting kumawala sa mga mata ko. Aktong aagawin na sana nya sa kamay ko ang basong iinumin ko kaya itinaas ko ito pero bigla nalang ako natabig ng lalaking nagmamadaling dumaan sa tabi namin. Dumiretso ang alak sa puting T-shirt ko, Para na akong naihian. Narinig kong napamura si Landon.

“Shit. Sydney tama na yan. Lasing ka na. Iuuwi na kita sa inyo” Pansin ko lang, Itong mokong, Pag nilalandi ako ay Sweetheart ang tinatawag nya sa akin. Pag seryoso naman sya, Sydney na naman. Ano ba talaga?

Nang tumayo ako sa kinauupuan ko, bigla akong nawalan ng balanse. Akala ko ay mapapa-subsob na talaga ako sa sahig pero agad akong nahawakan sa bewang ng Knight in Shining Armor ko slash Playboy. Mapapagkamalan na talaga akong baliw na tatawa-tawa samantalang walang tigil ang pagkahulog ng mga luha sa mata ko.

“Wag, wag mo kong i-uwi sa bahay namin. Hehe walang tao doon. Si Mama,busy. Hek. Si Dad naman, shoot! Nasa trabaho. Hehe Ang saaaayaaaa ng pamilya namin!” Ipinulupot ko ang dalawang kamay ko sa leeg ni Landon. Para kaming nagsasayaw sa posisyon namin ngayon. Kaya nga lang, Wild ang ipinapatugtog na music. Tinitigan ko ang mukha nya and for the first time, Nakita kong seryosong-seryoso ang ekspresyon ng mukha nya na matamang na nakatitig sa akin.

“Sydney, Please iuuwi na kita sa inyo” I just flashed my sweetest smile ever. Nakakatawa ang asungot na to. Yung mukha nya, Seryosong-seryoso na parang nagpipigil. Inilapit ko pa ng kaunti ang mukha naming dalawa gamit ang leeg nya. Ang taas pa naman din nya then satisfied was written all over my face when I saw his shocked expression.

“Hehehe. Ayaw kong umuwi. Hmm ang init!” Bumitaw ako sa kanya at nagsimula nalang maglakad. Tss. Asan nga ba ang CR dito? Hindi ko na matandaan. Muntik pa akong madapa. O viola! Bakit  naging apat ang paa ko? Hehe lasing na ata ako.

“San ka pupunta?”

“Sa bahay ni Peterpan. Hehe doon sa far far island. Hahanapin ko si Tinkerbell. Hek” Sabay turo ko sa kung saan. Narinig ko pa syang tumawa sa likod ko.

“Sa CR ba? Samahan na nga kita. Bakit ba kasi wala kang kasamang pumunta dito sa bar?” Iniakbay nya ang kamay ko sa balikat nya para pangsuporta sa balanse ko. Hmm.. Manly Scent. Ang bango naman pala ni asungot.

“Hehe walang gustong sumama sa akin. Hek. Si bakla, Ayun! Hinahanap yung Peterpan nya. Si Mel, abala naman sa peterpan nya. Hehe ayon ang CR”

“Haha mas lalo kang gumaganda pag lasing” Ayan na naman ang kalandian nya. Tsk.Tsk

Ako? Lasing? Hindi kaya. Papasok na sana ako sa CR ng mga lalaki nang pigilan nya ako.

Being The Playboy's Next TargetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon