Chapter 10: Darius Genobio

114 4 0
                                    

“Ma naman.. tahan na po. Kakausapin po natin si Dad pagkatapos na pagkatapos ng meeting nya.”

“No Sydney. I saw.. I saw him with another woman. Kahit hindi masyadong malapitan, I know it’s him. I swear! I... I saw your father with another woman!”

I slowly rub my mom’s back. Halos hindi na sya makahinga ng maayos dahil sa kakaiyak. Kanina pa nya inuulit ang sinasabi nya. May ibang babae daw si Dad. But will I believe mom?

“Tumahan na po kayo Ma, paano po mangyayari ang sinasabi mo e nasa malayong lugar ngayon si Dad para sa kanyang meeting. Ma, You just saw the wrong person. Malay mo, paglapit mo pala ay hindi yon si Dad.”

Mas lalong napaiyak si Mama kaya niyakap ko nalang sya. Kahit papaano ay maramdaman nyang may nakikinig sa kanya ngayon, ako. Pati ako, hindi ko lubusang maisip na may ibang babae si Dad. I don’t know what I can do.

Kumalas sya sa pagkakayakap namin habang pinupunasan ang mga luha nya.

“Sydney anak, may pasok ka pa ngayong hapon, diba?”

Yes, I just did. Matagal akong hindi nagsalita.

“Yes Ma. Umabsent po ako ngayong hapon lang.” I murmured not looking at her. This is the first time na umabsent ako. Maliban nalang kung may masakit sa akin. Paano ako hindi aabsent ngayon e papasok na sana ako sa classroom namin nang biglang tumawag si Manang Julee na iyak ng iyak daw si Mama na nagkukulong sa loob ng kwarto nila ni Dad.

Kinuha nya ang dalawang kamay ko at pinisil pisil ng mahina at napabuntong hininga.

“I’m sorry Sydney.”

“For what Ma?”

“Sa lahat ng pagkukulang namin sayo ng Dad mo bilang magulang. Alam kong nagagalit ka na sa amin dahil simula nang mag 10 years old ka na, hindi ka na namin nabantayan ng maayos. Mabuti nalang nandyan sina Manang na pinalaki kang maayos. I’m sorry.. I’m sorry for this messy family Sydney.”

Kitang kita ko ang lungkot sa mga mata ni Mama habang nagsasalita sya. Pati ako, naiiyak na sa pinagsasabi nya pero pinipigilan ko lang. Totoo kasi lahat ng sinabi nya pero hindi ko kailan man naisipang mag rebelde sa kanila p magawang magalit dahil lang sa palagi silang wala sa tabi ko. I know very well that they are doing all of those for my sake. Siguro, nagagawa kong magtampo paminsan-minsan pero hindi kailanman ako nagalit.

“No Ma, This is no one’s fault. Our family is the best. You and dad are the best parents I would wish for. Just relax and we have to trust dad. Nothing is wrong, Ok?” I assured her.

“Thank you Sydney. You’re the best and most beautiful daughter in the whole universe!” And just like that, we laugh again. Life is a cycle nga naman.

Pagkatapos namin tumawa, tinitigan ako ng mariin ni Ma.

Napangiti ako sa tanong nya. Speaking of that and Matthew Sparks.

“Nagkaayos nap o kami ni Matthew, Ma.” I said, smiling.

“So it means, nagkabalikan na kayo?”

“Hahaha, Syempre, hindi. Nag-usap na po kami na hanggang kaibigan na lang talaga ang nararamdaman ko sa kanya ngayon, na hindi na namin kayang ibalik ang dating pinagsamahan namin. And you know I have my rules in a relationship. ”

“Oh, right. Rules. Hindi mo nga pala kailan man binabalikan ang mga lalaking dumaan na sa buhay mo.”

“Yes. As simple as that, like no strings attached anymore.”

Being The Playboy's Next TargetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon