Chapter 9: The Participants

116 3 0
                                    

“Ano, Tititig ka lang ba sa mukha ko habang kumakain tayo?”

Bigla akong napa-ubo sa sinabi ni Landon. Ay! Nakakahiya naman. Paano nya nalaman na tinititigan ko sya e kitang kita ko ngang sa pagkain lang naman nakatuon ang paningin nya. Pagbaba ko kanina, Hindi sya tumigil ng pagtatanong kung bakit daw boxer ang suot ko at hindi yong sinasabi nyang short.

Nakipagtalo pa talaga sya sa akin. Mas mabuti na ngang hindi ko nakita dahil tiyak na pagmamay-ari yon ng isa sa mga babae nyang dinadala nya dito sa bahay nya. Nakakadiri lang kaya.

Iniabot nya sa akin ang isang basong tubig nang hindi parin tumitigil ang pag-u-ubo ko. Nakakainis! Nabigla lang kasi ako nang magsalita sya, Ang tahimik kasi masyado.

“Ahm, Hindi naman ikaw ang tinitingnan ko”

“Wag mong sabihing yong sahig sa likod ko ang tinititigan mo?”

Patuloy parin sya sa pagkain. Oo na, Sya na itong tinititigan ko. Namamangha lang kasi ako sa kanya. Akalain ko bang marunong pala ang tulad nya ng mga gawaing bahay.

“Ikaw lang ba talaga ang nagluto lahat ng ito?” I’m confused. Imposible naman kasi dahil mind him, Ang sasarap talaga ng mga nakahain sa lamesa ngayon, Ayaw ko lang purihin.

“Ilang ulit mo ba yan itatanong Sydney?” Nakakairita ba ang itinanong ko sa kanya? Ba’t nagagalit ang asungot na ito? If I know, Baka umorder lang pala sya sa labas. Kanina ko pa napapansin na ibang-iba ang nakasanayan kong Landon Lazaro sa kaharap ko ngayon, And it bothers me.

Kanina pa kasi sya tahimik at seryoso. Iba yung kilala kong Landon Lazaro na may kalandian at nakangisi kung magsalita. Pero, Why should I bother, Dapat nga nagbubunyi na ako simula kanina dahil masasabi kong matinong lalaki na ang kaharap ko ngayon. Pero parang may mali. O hindi lang talaga ako sanay na hindi kumikibo ang isang Landon Lazaro?

Bigla syang tumayo sa kinauupuan nya at iritang binitawan ang hawak nyang kutsara. Huh? Tapos na sya e hindi pa nga sya nakaka-lahati sa kasalukuyan nyang kinakain. Ako naman, Limang  subo pa lang yata ng kutsara ang nakain ko.

“T-teka, Tapos ka na agad?”

Tinanguan nya lang ako.

“Iwanan mo lang yan pag tapos ka na. Umakyat ka lang sa taas pagkatapos. Sisimulan na natin ang sa Chemistry.”

“E sayang naman itong mga pagkain na nilu - - -”

Hindi pa man tapos ang sasabihin ko ay tinalikuran na nya ako saka nagsimulang umakyat sa taas. Tingnan mo nga naman ang ugali ng lalaking yon, Walang modo. Anyari doon?  Parang galit ata sa mundo ngayon.

Pagkatapos kong kumain, Iniligpit ko lang ang mga pinggan at inilagay sa lababo.

Habang paakyat na ako sa taas, Ang daming epal na tanong ang nagsiksikan sa isipan ko.

Bakit nag-iisa lang si Landon sa malaki at magarang bahay na ito?

What about his family?

Who are his family? Maliban sa kapatid nyang babae na kilala ko na? Now I wonder.

Kung titingnan kasi si Landon physically, isang tingin mo lang ay mahuhulaan mo na kung anong klase syang tao, na may masaya syang pamilya at buhay. Pero I know that He is a mystery. Alam kong isa syang misteryosong lalaki na dapat pang humukay ng malalim nang malaman talaga ang totoo nyang pagkatao.

“Aray ko po!” Binatukan ko nga ang sarili ko dahil sa mga walang kwentang tanong na gumagala sa isipan ko. Tumingin tingin ako sa sala pero wala si Landon. Teka, Saan ba namin gagawin ang activity sa Chemistry? Wala naman syang nasabi kanina!

Being The Playboy's Next TargetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon