Guyssss! Eto naaa! May update naaa! XD
Pacensya na po at natagalan. Medyo busy po sa school e. Whahahaa!
Yung feeling na ang dami agad mga gagawin e kakapasok niyo pa lang?! Hard diba? Whahaha!
Osiya, enough of my kabaliwan, enjoy niyo na lang yung sabaw kong update. XDD
Dedicated sayo! Atat na atat ka sa update e! XDD Salamat sa support mo!
----------------------------------------
Chapter 17
Dara’s POV
“Nandito na po tayo.”-manong
Tumigil kami sa harap ng isang mansion. Kung tutuusin, mas malaki pa to dun sa bahay namin. Tsk. Sobrang laki ng bahay na to kung kaming tatlo lang ang nakatira. Pinagbuksan ako ng pinto ni manong at siya na rin ang nagdala ng mga gamit ko sa loob.
Pagpasok na pagpasok ko, napansin kong fully furnished na yung bahay. Yung bang parang kami na lang yung hinihintay. I must admit, ang ganda dito. May swimming pool tapos malawak din yung garden sa likod.
“Iha, hahatid kita sa kwarto mo.”- Yayay
“Sige po.”
Umakyat kami at pagdating ko sa kwarto ko, nandun na yung mga gamit ko. Siguro nilagay na kanina ni manong. Malaki yung kwarto ko. May queen size bed, may walk in closet, may veranda at may flat screen TV din. Simple pero elegante ang kwarto ko. Halos black and white lang ang kulay dito. May iba pa namang kulay dito pero almost black and white talaga siya.
“Nagustuhan mo ba iha?”-Yayay
“Opo yayay. Sobra ko siyang nagustuhan.”
“Mabuti naman. Sige, maiwanan na kita ha. Tatawagin na lang kita paghanda na ang hapunan.”
“Sige po. Salamat.”
Umalis na siya at sinaraduhan ko naman ang pinto. Humiga ako sa kama ko. Ang lambot. Napagod ako ngayong araw. Nakakapagod!
Since wala naman akong ginagawa ngayon, nag-ayos na lang ako ng mga gamit ko.
Pagkatapos ko naman mag-ayos ng gamit, pumunta ako sa veranda ng kwarto ko. Ang sarap ng hangin. Nakakarelax at nakakawala ng pagod.
Thoughts start to storm my head.
Bakit ba hindi ko magawang maging masaya ngayon?
Bakit parang may gumugulo sakin?
Bakit feeling ko, nagtaksil ako kay Ethan?
Hindi naman kami diba? Magkaibigan lang kami. Pero bakit ganito nararamdaman ko?
Feeling ko ang sama ko. Two-timer ako. Mahal ko si Daniel tapos may gusto ako kay Ethan.
Malinaw naman na isa si Ethan sa mga dahilan kung bakit ayoko talagang tumira kasama si Daniel. I hate what I feel. Hindi ko naman pinagtaksilan si Ethan dahil hindi naman kami pero guilty pa rin ako. Sa tingin ko kasi, hindi rin siya matutuwa kung malalaman niya to. Bukod sa alam niya na nasasaktan ako dahil kay Daniel, e hindi rin talaga sila magkasundo.
Hayy! I need to relax. Huminga ako ng malalim. Pumunta ulit ako sa kama at umupo lang dun.
*Knock* Knock*
“Iha. Pumunta ka daw sa garden. Hinihintay ka ni Daniel doon.”-Yayay
“I’ll come there yayay. Thank you.”
BINABASA MO ANG
I Love This Kontrabida Girl (under editing process)
Teen FictionIsang Kontrabida Girl at isang Good Boy nagkatuluyan???!!!! How is that possible? Do Negative charges really attract? ---- First ever storyyy! please support po. TENK YOUU!!!!!!
