HI GUYSSSSS!!!
Sorry po for the long wait. Nagkanda ewan ewan po kasi sched nung mga exams namin. Salamat po dun sa mga bagong supporters nitong ILTKG! (Ganyan na lang para maikli. XD) God Bless po! ;D
Dedicated sayoo! Thanks sa support! God Bless! :DD
------------------------------------------------
Chapter 21
Lian’s POV
“Ate Janine, akyat muna ako ha. Baka magising na si Dara.”
Kakatapos lang namin magkwentuhan at magbreakfast ni ate Janine. Ate siya ni Ethan.
“Go ahead.”
“Thanks.”
Umakyat na ako at pumunta sa kwarto niya dahil nandun si Dara. Nandun pa rin sa noo niya yung towel na nilagay ni ate Janine kanina. Tulog na tulog pa rin siya. Nalasing siguro ng sobra kagabi. Ano kaya nangyari kagabi sa kanila ni Ethan? HOY! Wag green! Paniguradong sweet yung nangyari e. May nafifeel ako. Nakakaintriga ng bongga!
“I really find her beautiful. She is like an angel. A girl suited for Ethan. Bagay sila. Ang sweet nga nila kagabi e.”
Pumasok pala si ate Janine sa kwarto. Alam ba niya nangyari kagabi?
“Alam mo yung nangyari kagabi?”-ako
“Hindi masyado. I watched last night habang nandito pa siya sa kwarto.”
“So nakita mo yung nangyari?”
“Well, yeah.”
“SHAREEEEEEE!!!”
Napatawa naman siya ng konti. Wala e. Gusto ko talaga malaman. Sabi na e! May kasweetan na nangyari e!
“Dinala siya dito ni Ethan na walang malay. Buhat buhat pa nga niya ni bridal style e. He asked me na palitan muna siya ng damit ko. Pinaltan ko siya ng damit dahil basang basa siya, I mean sila pala. Nagpaulan pa ata sa labas. After that, nakita kong nag-aabang na siya sa labas ng pinto. Bagong ligo na tapos all set na para sa flight niya. I let him come in for a while. Kala niya siguro umalis ako pero I was just right behind the door.”
“Tapos? Ano na nangyari?”
“Nilagyan niya ng basang towel yung noo ni Dara. Then he kissed her lips. Well, peck lang naman..”
“WAHHHHH!!!! Talagaaa??? Grabee! Nakakakilig!! Tapos ano pa nangyari.”
“I didn’t hear lahat ng sinabi niya. Medyo mahina kasi yung pagkakasabi niya e. Pero I reremember him saying ‘Pagbalik ko, kasal ka na’. I can feel the pain in him. Tinanggal niya yung towel tapos he kissed her forehead. I came inside and asked him her name. He said he likes her. Then, it’s time for him to go to the airport kaya naman tumingin siya kay Dara for the last time then he left.”
“SABI NA E! May pagtingin tong si Ethan kay Dara e! Gosh! Love is in the airrr!”
“Pero yung mga words na sinabi ni Ethan makes me think. Sabi niya pagbalik niya, kasal na si Dara. Is she engaged?”-ate Janine
Asdfghjkl! Engaged na nga pala to kay Daniel! Bakit ba hindi ko naisip yon? Pano na sila ni Ethan? Kung kailan naman nakamove on na si Ethan e. Kung kailan masaya na siya ulit tsaka pa ikakasal si Dara.
“Yes she is.”-ako
“Sayang. Nararamdaman kong gustong gusto siya ni Ethan. Ngayon ko lang ulit nakitang ganon si Ethan. She really makes my little brother happy, and maybe the one who will hurt him too.”
BINABASA MO ANG
I Love This Kontrabida Girl (under editing process)
Teen FictionIsang Kontrabida Girl at isang Good Boy nagkatuluyan???!!!! How is that possible? Do Negative charges really attract? ---- First ever storyyy! please support po. TENK YOUU!!!!!!