Chapter 22- Letting Go (Part 1)

238 13 6
  • Dedicated kay Sa inyong lahat na bumabasa nito. :)
                                    

Guyssss! Ako’y nagbabalik! Sorry po at sobrangggg tagal. Naiinip siguro kayo. Sorry po talaga. Grounded po kasi ako e. Hahahaa! Ngayon lang po ulit ako nakapag-wattpad. Sorry po ulit. BTW, salamat po sa supporta! Grabeee! Kahit na hindi naman ako ganun kagaling,pero  magaganda yung nakukuha kong feedbacks. Kung may gusto po kayo irecommend para mapaganda po yung story, comment lang po or PM me. Kung may hindi po kayo nagugustuhan, PM lang po. Open po ako for criticisms. :DD

Dedicated sa inyo na naghintay ng sobrangg tagal. Hahaha!

Enjoy the update po!

----------------------------

(December 18)

Dara’s POV

“Manong, liko lang po sa kanan tapos derederecho na po.”

“Okay po ma’am.”

Nandito ako sa sasakyan na pagmamay-ari ng mga Fountabella. Ayaw nilang pumayag na hindi ako ihatid ng driver nila sa bahay namin. Feeling ko tuloy, daughter-in-law na nila ako. Haha!

Pero nakakaptaka lang talaga. Kilala nila ako. Alam kong normal lang na makilala nila ang pamilya namin, I mean, our family is one of the richest family in Asia. Pero kasi yung pagkakakilala nila sa pamilya ko parang hindi lang ganun. Para bang malapit talaga ang mga pamilya namin. May isang bagay akong kailangang malaman.

----Flashback----

“Kilala n-niyo po ako at si mommy?”-ako

“Yes of course.”

“Pero… Paano po?”

“Hon, it seems like she still don’t know anything. Baka mabigla lang siya.”- daddy ni Ethan

She still don’t know anything? May kailangan ba akong malaman? Ano yon?

“It doesn’t matter. Now, let us have our breakfast. Join us Dara.”

Hindi na ako tumanggi. Nakakahiya naman kung tatanggihan ko pa sila. Nagtataka ako na kinakabahan na napepressure. Pumunta na kami sa dining table at sinerve na rin ang mga pagkain. Tahimik lang kaming kumakain. Tunog lang ng kutsara at tinidor ang maririnig mo.

Pagkatapos namin kumain, naligo naman ako. Si ate Janine pa mismo ang nag-offer sakin na dun na ako maligo sa bathroom sa kwarto niya. Pinahiram din niya ako ng damit at undies dahil nga nabasa yung mga damit ko.Nagpaulan ata ako kagabi.  Bihis na ako at ready to go. Paglabas ko sa kwarto niya, nag-aabang sila ni Lian sa labas.

“Wow! Kasyang-kasya sayo ang damit ko. Haha!”-ate Janine

Naka simpleng blouse lang ako at shorts.

“Oo nga e. Thanks sa pagpapahiram ha. Nakakahiya naman sayo.”-ako

“Wala yon. Treat me as your bigger sister. Okay?”

Bigger sister? Sinabi ko na sa inyo na gusto kong magka-ate at magka-kuya?

“Talaga?”

“Oo naman!”

We smiled at each other. Pati si Lian nakangiti rin.

“Uhmm Dara, pwede ko ba makita ang engagement ring mo?”-ate Janine

Ha? Bakit?

“S-sure.”

Tinaas ko naman kamay ko. Hinawakan niya yung kamay ko tsaka tiningnan mabuti yung singsing ko.

I Love This Kontrabida Girl (under editing process)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon