Chapter 18- Second Thoughts

318 17 2
                                        

Hi guysss!!! Whahaha! Wala akong masabi. XDD

Eto po ang update! Short lang. :PP

Dedicated sayo! At last eto na! Hahaha! XD

---------------------------------------

Dara’s POV

 Maaga akong nagising dahil may pasok kami ngayon. Naligo na ako at nag-ayos. Kailangan nalaman ng barkada ang nangyari.

Bumaba na ako at nakita kong naglalagay na ng mga pagkain si yayay sa mesa.

 “Oh iha! Halika na, kumain ka na.”-yayay

I smiled at her.

“Thanks yayay!”

Umupo na ako at nagsimulang kumain.

“Yayay. Nasan po si manong? Wala po kasing maghahatid sakin mamaya sa school.”-ako

“Wala dito si manong kasi simula ngayon---“

“Ako na ang maghahatid at susundo sayo.”

Biglang nagsalita si Daniel na kakababa pa lang kaya naputol ang sinasabi ni yayay. Umupo siya sa tapat ko at kumain na din.

“Bilisan mo kumain. Maaga tayong papasok ngayon.”

Lagi naman e. Nasabi ko ba sa inyo na early bird tong si Daniel. Probably because early bird din si Iris. Galing lang nun diba? At alam niyo ba, ang sakit nun. Well, enough for my drama!

“Let’s go.”-Daniel

“Ha? Hindi pa ako tapos kumain.”-ako

 He gave out a sigh.

“Hihintayin na lang kita sa kotse. Bilisan mo.”

Naglakad na siya palabas. 

“Hindi ba sobrang aga pa?”-yayay

6:45 lang kasi at 8:00 pa naman ang time namin. Pero since malayo layo ang school sa bahay namin ngayon, baka past 7 na rin kami makakarating dun.

 “Nako yayay, normal lang po sa kanya ang pumasok ng ganitong oras.”

Ininom ko na yung hot chocolate ko tska tumayo na.

“Yayay, mauna na po ako.”

“Sige iha, mag-iingat kayo.”

Pumunta na ako sa garage at nakita ko namang nag-aabang siya sa labas ng kotse niya. Nung nakita niya ako, pinagbuksan niya ako at sa passenger’s seat pa. How good of him. Sumakay na naman ako at sumakay na din siya.

Nung nagsimula na siyang magdrive, biglang tumahimik. I mean, awkward silence. Siguro dahil dun sa nangyari kagabi.

Kaya naman, nagdecide ako na gumawa ng konting ingay.

“Daniel, ayos lang ba talaga sayo na ihatid ako?”

“Oo naman. Bakit mo naitanong?”

Eh kasi ang tahimik natin. Psh.

“Wala lang.”

Hindi na siya sumagot at nagpatuloy lang sa pagdadrive. Okay. Epic Fail.

Pinili ko na lang ding tumahimik katulad niya. After a few minutes, pamilyar na sakin yung lugar. Malapit na kami sa school. Nagpark naman siya at pagkatapos non, bumaba na siya at pinagbuksan ulit ako.

“Salamat.”-ako

Tumango na lang siya.

In the corner of my eye, may nakita akong pamilyar na kotse. Halos tapat lang kung saan nakapark ang kotse ni Daniel. Kaya naman lumingon ako.

I Love This Kontrabida Girl (under editing process)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon