Chapter 19- Their Sides

294 16 3
                                    

Guysss! Sorry for the long wait po. Thanks po for waiting.

Dedicated sayo! Thankss girl! ILY! :**

-------------------------------------

Chapter 19

Ethan’s POV

Nandito ako ngayon sa football field. Tulala, nakatingin sa malayo, wala sa sarili. Masakit malaman ang katotohanang ang taong nagpapasaya sayo ay masaya na sa iba. Pero mas masakit tanggapin ang katotohanang ayaw na ayaw mong tanggapin.

---Flashback---

“Hi Ethan! Kamusta?”

Lumingon ako at nakita ko Marifel. Isa sa mga kaibigan ni Dara.

“Maayos naman. Ikaw?”

“Ako ba talaga kinukumusta mo?”-Marifel

“Oo naman. Ano bang sinasabi mo?”

Siniko naman niya ako bigla.

“Sus! Alam ko namang miss na miss mo na si Dara e! Pero, well, maayos lang din naman ako.”

Ganun ba kahalata na namimiss ko na siya? Naman oh. Ang bakla lang.

“P-pano mo nalaman?”

“Ako pa! Pero nahalata ko lang naman kasi yun e. Palagi kasi kayong magkasama tapos all of a sudden, biglang hindi na kayo nagkikibuan.”-Marifel

“Ganun ba? Kamusta na nga pala siya?”

“Maayos naman siya pero may gusto lang siyang ipalam sayo.”

Kinabahan naman ako bigla.

“Ano yon?”

“Ano kasi e. Uhhmm. Si Daniel at Dara kasi e.”

“Anong meron sa kanila? Bakit?”

Curiosity is killing me in the moment. Halatang nahihirapan siyang magsalita.

“Magkasama na kasi sila sa iisang bahay. Kaibigan ka pa rin naman si Dara kaya gusto niyang malaman mo. Since hindi naman kayo nagkikibuan kaya ako na lang daw magsabi sayo.”

“Ano? Magkasama sila?”

Kaya pala sila sabay pumasok kanina. Magkasama na sila.

Tumango lang naman siya.

“Pero bakit?”

“Yun daw kasi yung gusto ng mga magulang nila.”-Marifel

“G-Ganun ba? Sige. Salamat.”

Napayuko na lang ako. Ang bakla man sabihin pero nadudurog ang puso ko.

“Walang anuman. Una na ako ha. May pupuntahan pa ako e.”

Tumango na lang ako.

---End of Flashback---

“Hoy Ethan! Tulala ka dyan?”

Tinapik ako Javie tsaka umupo sa tabi ko.

“Oh anong problema?”-Javie

“Wala naman.”

“Sakin ka pa nagsinungaling. Ano nga? Baka sakaling makatulong ako.”

Hay. Alam na alam na niya talaga.

“Javie, masama bang magkagusto sa isang taong may karelasyon na?”

“Grabe pare ha. Iba na yan! Pero masasabi ko na hindi naman masama na magkagusto ka sa isang taong may karelasyon na. Given na naman na magkagusto ka sa isang tao e. Nature natin yun. Magiging masama lang yan, kung magkakagusto din siya sayo. Lalabas na ikaw ang third party. Lalabas na ikaw yung mang-aagaw.”

I Love This Kontrabida Girl (under editing process)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon