Chapter 26- They Meet Again

289 11 7
                                    

Guysss! Sorry po ulit kung sobrang tagal. Gumawa po kasi ako ng mga one shots. Basahin niyo rin po kung may time kayo. Punta lang po kayo sa profile ko. Hehe. Eto na po yung update. :))

Dedicated sayo! HEHE! LABYU!

-----------------------------------------------

Chapter 26

(January 23)

Ethan’s POV

“Welcome to the Philippines! Have a nice stay!” Bati samin ng isang employee dito sa airport.

Paglabas ko ng terminal, nilapitan agad ako ng driver na maghahatid sakin pauwi. Inayos namin yung gamit ko tapos sumakay na ako.

There’s no place like Philippines. Namiss ko talaga to.

Biglaan ang pag-uwi ko dito. Mom called last night at sabi niya, uuwi ako dito para magcelebrate ng birthday ko. Pambawi siguro kasi mag-isa akong nagcelebrate ng Pasko at New Year. Bukas na pala birthday ko. Ang bilis.

February 24. Saktong isang buwan pagkatapos ng birthday ko, magcecelebrate ng 18th birthday si Dara. Pagkatapos nun, ikakasal na siya. I’m left with no choice but to forget her.

Forget her Ethan. Forget her. Habang kaya mo pa.

Kaya mo pa nga ba? Parang hindi na ata.

Ahhh. I’m really getting weird lately. Madalas ko ng kinakausap sarili ko. Ganito ba talaga epekto sakin ni Dara? Ughh. Nevermind.

Habang nasa byahe, natulog muna ako. Ngayon naramdaman ng katawan ko ang pagod.

Janine’s POV

Nandito ako ngayon sa attic. I turned on the light since madilim dito at gabi na rin. Medyo madumi dito pero dahil may gusto akong balikan, pumunta muna ako. Dito kasi nila nilalagay ang mga lumang gamit namin na ayaw nilang itapon. May isang malaking cabinet sa may sulok. Pumunta ako dun at binuksan yon. Sumalubong agad sakin ang sandamakmak na alikabok.

By the way, I’m Janine Fountabella. Ethan’s older sister. I’m 4 years older than him.

Nung nawala na yung mga alikabok, nakita ko ang mga lumang sapatos, bag at kung ano- ano pa. May nakita rin akong mga photo album. Kumuha ako ng ilan at umupo sa isang lumang upuan sa may gilid.

Mahalaga to sakin. Sa pamilya ko. Dahil ang mga picture na to ang tanging naging alaala ng masaya naming  nakaraan. I still hope everything will be the way it used to be before.

I want to go back to the times when we lived peacefully. When we were still free. When everything’s still fine. When everything’s still happy.

 Hindi katulad ngayon. We pretend to live peacefully. We pretend that everything is fine and happy.  We are controlled. At isang maling galaw lang, mamatay kami.

I could still remember everything. Bata pa ako non para maintidihan ang lahat pero alam ko ang nangyayari. I’m 7 years old that time and Ethan’s 3 years old.

Hindi nila naitago ang katotohanan sakin. They explained me everything kahit na alam nilang hindi ko sila maiintihan. But now, malinaw na sakin ang lahat. My family is in trouble. Kaya naman we decided na hindi muna ipaalam kay Ethan para kahit paano, hindi siya madamay.

As I flip through the pages of the photo album, my eyes landed on a picture where we all looked so happy. Kasama namin sa picture na to ang pamilya nila Dara.

Yes. Dara’s family.

Our families are close. Business partners sila. They were the strongest partners back then.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 11, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I Love This Kontrabida Girl (under editing process)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon